Actions

Work Header

Kung Uulan nang Nyebe/ When a Snowstorm Comes (KenTell/PabStell/KenTin/JoshTin Fic)

Summary:

Ilang beses bang kailangan mag-sorry para masabi na "enough is enough?" Ilang beses ba pwedeng magkamali bago masabi na "tama na?"

Ken has a bad feeling about Pablo.

Stell seems to be hiding something.

Justin seems to be in love- but with who?

And Josh is fucking honest about everything- save his heart.

Love is not a habit. But sometimes you fall into the routine of loving "being in love" that it's hard to tell whether you're really in love or you just hate being alone again.

But what if love is a beautiful pain? Wouldn't it be better NEVER to fall in love again?

This is a love story between and among friends bound together by old habits that die hard-

Just like first love.

Notes:

This is the first time I'm writing fanfic in Filipino- also the first time involving non-anime, non-fictional personalities.

There will be divergences from reality, of course- so please regard everything as a product of this fan's stupid and ridiculous imagination. Truth is elusive so I can't even say if this is half-truth or pure fantasy (it's pure fantasy from a non-shipper's perspective, of course).

The characters are not even personas acted out in videos of SB 19- although I used some videos as research material. Please be reminded that this is purely a work of fiction- any resemblance even if intended and deliberate is NOT to be taken as FACT or TRUTH.

Also, my Tagalog is struggling- so bear with me. ^_^

That said, please sit back, relax and enjoy. Also, if you pride yourself on having tons of sense of humor- this is the perfect chance to use it.

Comments are welcome. There are, however, rules in ao3 that prohibit bullying and harassing any author or writer- so please be gentle with your criticisms. Thank you so much~~ ^_^

Chapter 1: Bulungan

Notes:

(See the end of the chapter for notes.)

Chapter Text

 

______________________________

 

"Mahirap magmahal- pero mas mahirap magtago nang tunay na nararamdaman."

Natulala si Stell nang marinig n'ya ito from Josh. To say the least, it's unexpected.

Hindi n'ya inaasahan na manggagaling kay Josh ang unsolicited advice. Hindi kasi si Josh ang tipong mahilig makialam sa personal issues ng mga ka-tropa. Ngunit bago pa s'ya maka-react ay may humalakhak sa 'di kalayuan.

Bahagyang napatingin si Stell at umirap- kahit 'di naman n'ya sinasadyang magmukhang aloof

Sa totoo lang, hindi naman s'ya ganito sa ibang tao.  

Of course alam n'ya kung kanino ang malalim at malamig na boses na bumati sa kanila na parang sila lang ang tao sa mundo. Kahit ang lahat ng madaanan ay 'di mapigilang bigyan s'ya nang second glances ay hindi ito nagpahalatang self-conscious.

Sheesh... Stell couldn't help sighing.

Si Ken pa? May swag ito na kakaiba. May angas. Maporma. Parang lasing ito na isinasayaw ang isang bagong dance move habang papalapit sa kung saan sila nakaupo ni Josh.

Actually, may isang oras na silang nakasalampak sa sahig sa isang sulok ng gym. Ang ibang mga students sa tabi nila ay nagsimula na ngang magsi-uwian. May group project kasi silang tinatapos for the deadline tomorrow.

Mabilis ang mata ni Stell. Hindi n'ya sinasadyang mapansin na sumulyap si Ken sa malayo- na parang may hinahanap.

Napabuntung-hininga si Stell. Gusto n'yang sabihin ang alam, pero nagbakasakali s'yang mali ang hinala. Alam n'yang si Justin ay saglit na pumuslit para bumili nang merienda.

Galante si Justin- kaya siguro they love taking advantage of him. He treats everyone to a snack whenever they have after-class activities or kung trip lang nilang kumain sa labas. 

Despite how it looks, Justin's too smart to let people walk all over him. He's just sensitive and thoughtful. Sobrang bait- so it's not surprising kung hanggang sa university- dala n'ya ang title na crush ng bayan. Wala namang balak makipag-compete si Stell- he knows Justin deserves the attention. Not only is he so fucking good-looking. Palaging nakangiti ito kahit sino ang kaharap.

On top of that- malambing. Sweet. Maamo at mahinahon- parang 'di marunong magalit. Corny nga lang kaya tinutuksong taga-maisan. Kung meron mang negative, he keeps it to himself- kaya naman buong tropa ay over-protective kay Justin.

Without even thinking, alam ni Stell na mahal n'ya si Jah. Madali itong mahalin. Walang masamang tinapay kay Justin- sarap batukan na nga sa sobrang pagka-naive at generous nito sa lahat- pati siguro sa magnanakaw.

Biglang nakaramdam si Stell nang pag-aalinlangan. Something feels off. Hindi kasi n'ya habit mag-brood- maliban na lang if it has anything to do with Ken.

What the fudge? Ano ba naman kung hinahanap ni Ken si Jah? By now, he shouldn't be surprised. Pawang mag-jowa naman talaga ang dalawang 'yon when they're together.

True- mas malalim ang pinagsamahan nila ni Justin- they were besties even before they met Ken and Josh. But still... iba si Jah 'pag si Ken ang kasama...    

Muli, natigilan si Stell. Right now, Ken is just a breath away.

OMG. As usual- grabe makatitig ito- parang gustong makatunaw nang ice cream. Muntik nang mapangiti si Stell sa comparison- ice cream ba talaga ang tingin n'ya sa sarili? Pero kung ice cream s'ya ano namang flavor- strawberry? Eh si Justin- pure boy- so maybe vanilla?

"Ken, love mo ice cream 'di ba? Ano mas masarap- strawberry o vanilla?"

"Ha?"

Oh shit. Bakit n'ya tinanong 'yon out of the blue? How uncool. Kelangan bang ibuking n'ya ang sarili? Ramdam na n'ya ang titig ni Josh na parang gustong matawa o magtaka. Kung alam man ni Josh ang tumatakbo sa isip n'ya, hindi n'ya balak i-confirm ito.

Besides, kilala n'ya si Josh- mukha lang outgoing and carefree pero mataas ang standards nito. Feeling ni Stell, kung naging mom or dad n'ya si Josh, old maid or bachelor ang labas n'ya.

For Josh kasi, lahat ng friends niya ay god's gift to women- hindi paninda. Kaya hindi pwede ang tikim, kurot, or pisil- walang free trial and return within 30 days with money-back guarantee.

And definitely, no free shipping.

No one is cheap. Kung sino man magmamahal sa inyo- dapat n'yang patunayan na kaya n'yang mahalin kayo nang higit pa sa love ko.

Ganyan si Josh. Kung may obsessive-compulsive na lover, s'ya yung OC na best friend.

In other words, kung may pambansang bakod, si Josh na 'yon. Lahat sila naging untouchable. No one dared make a move on them- or so everyone thought.   

Napatingin sa malayo si Stell. He can't help but remember a certain boy na inakala n'yang mahal n'ya or mahal s'ya. Pero siguro, ganun talaga pag nagmamahal- parang may force of gravity na pilit kang hinahatak kahit pilit mong takasan ito.

Anyway, that was all in the past. The only irony is- history repeats itself- kaya siguro mahirap iwasang magkamali ulit.

Love and friendship- parang tubig at langis 'yan. 'Di dapat pinaghahalo. But maybe that's the problem right there.  

Kasi ka-tropa nila si Ken- and everyone knows, walang ka-tropa na jino-jowa. Hindi pinangarap ni Stell na ma-bully again. Ayaw n'yang pagtawanan or pagbulungan kasi desperado lang daw ang pumapayag sa friends with benefits.

Judgmental Stell- ang sabi nga ni Ken. Imagination lang ba n'ya ang mga usap-usapan? O baka cruel talaga ang mabuhay nang iba sa karamihan?

"Akala ko si Jah lang ang nanlilibre. Bagay- parang napapa-ice cream din ako. Treat mo ba?" sabay ngiti ni Josh na parang may hinalang ayaw ipahiwatig.

Umirap si Stell. "Never mind. Nagtanong lang, libre agad?"  

Ngumiti si Ken nang nakakatunaw- sabay titig na parang alam n'ya lahat ng sikreto sa katawan mo. "Basta gusto ko strawberry- kung meron. Pero mas safe ang vanilla."

"Safe? Ano yon? Parang safe sex?"

That voice- Stell felt his heart skip a beat. Kahit siguro nasa kalagitnaan s'ya nang isang bangungot, makikilala n'ya ang boses na 'yon.

He was in sixth grade when they first met. Back then, he didn't know what he was getting into.

Hindi inakala ni Stell na ang simpleng paghanga ay mauuwi sa malalim na kumunoy.

The other guy was a high school senior at that time- so at least four years ang gap nila. Ngayon, professor-lecturer na ito- pero new-hire at substitute lang kung wala ang in-charge. That explains kung bakit bihira n'ya ito masilayan kahit mapadaan pa s'ya sa faculty room.

Ganun pa man, napaisip si Stell. Kanina lang kasi, muntik na s'yang magbalik-tanaw sa mga pinagdaanan n'ya in a relationship. It's strangely ironic na kung sino pa 'yung pinipilit n'yang kalimutan ay s'ya pang nagbabalik- parang multo na hindi inaasahan.

"Sir Pablo- okay lang ba na sabihin 'yan out loud?" tanong ni Ken. Hindi nakakapagtaka dahil si Ken ay laking-probinsya- hindi s'ya kumportableng banggitin ang mga bagay na patungkol sa romance at sekswalidad- gaya na lang nang sex.

"Bakit hindi?" sagot agad nang teacher-instructor habang panay ang sulyap kay Stell na biglang napayuko- parang batang paslit na takot mapagalitan. "Sa ibang bansa nga, binibigyan nang libreng condoms 'yung mga teenagers- to make sure they practice safe sex. Better safe than sorry, ika nga. Masyado lang backward ang system sa 'tin- on the surface, conservative- but we all know it's hypocrisy at its worst. Sa dami nang problema natin, dapat lang open tayo sa mga solutions na radikal. I admit being religious- but let's face it- there are problems beyond the Bible- problems that no religion can solve- like the choice to do or not to do- to be or not to be."

"Ang lalim naman n'yan sir," biro ni Josh. "I thought we're just talking about ice cream po."

"Napaka-mysterious naman kasi sumagot nitong friend n'yo. Kelan ba safe ang vanilla? O baka takot ka lang sa strawberry?"

Napalunok si Ken, sabay tingin kay Pablo. "At least vanilla is white, sir. And white is pure... so madaling malaman kung niloloko ka. Any other color can hide secrets."

"Oh really?" Tumawa si Pablo na parang may kahulugang s'ya lang ang nakakaunawa. "Isn't it also true that love is torture? Ang boring naman kung palaging safe. Alam n'yo mga kids-"

"Kids talaga?" Josh chuckles, sabay lingon kay Ken. "Sa pagkakaalam ko, isa lang dito ang isip-bata."

"Well, as I was saying," dugtong ni Pablo, "nothing and no one is safe in this world. Ang sa 'kin lang, I'd rather get used to the danger- kesa naman masanay sa safe until you're caught with your pants down. Besides, I hate surprises- and believe me, the more bitter experiences you have, the more prepared you are to handle whatever life throws your way. Wala nang makakagiba sa 'yo 'pag bugbog ka na sa kademonyohan ng mundo. You know what I mean, di ba Stell?"

"Ha?"

Lumapit si Pablo at yumuko, sabay bulong, "I'm sure you remember everything."  

"Okay ka lang?" Napataas nang boses si Stell- and for one second, limot n'ya na si Pablo ay isa nang kagalang-galang na professor- not the same high school heartthrob na kinabaliwan sa campus noon.

"The better question is, are you happy now?"

Bago pa makasagot si Stell sa tanong na wala naman s'yang balak sagutin ay pumagitna si Ken. "Sir, can I ask you a question?"

Lumingon si Pablo kay Ken, sabay kunot-noo. "Fire away."

"Kung meron kayong special someone, which is the best flavor to describe that person? Vanilla or strawberry?"

"Teka, teka," napailing si Josh. "Usapang ice cream pa ba 'to... o usapang jowa?"

"Pwede namang pareho," observe ni Pablo. "Nakakatuwa nga lang itong friend mo. He's suggesting that relationships are like dessert- gusto mo lang tikman after a full meal."

"Don't misunderstand, sir- I swear to all the stars out there, I'm loyal and devoted," insist ni Ken na parang nakikipag-debate sa political forum. "I know it's uncool to stick to one when you're single naman- pero kahit marami akong crush, isa lang 'yung pipiliin ko. I want my special someone to be the one- walang number two, number three- ganyan ganyan."

Natawa si Josh. "Wow- sounds familiar. Kanina ice cream. Dunkin' donut naman ngayon, dre?"

"Seryoso- my love is my one and only. Pag s'ya pinili ko, s'ya na talaga."

"May pinariringgan ka?" hirit ni Josh habang nakangiti na lumingon sa paligid. "Kung meron, sana seryosohin ka naman n'ya."

Napatingin bigla si Pablo kay Stell- dahilan para yumuko si Stell na parang mas interesanteng titigan ang sahig at maghanap nang langgam kaysa makihalo sa usapan.    

Huminga nang malalim si Ken, sabay tingin kay Pablo. "To be honest, I'm just curious. Hindi naman po ako nagbabalak magka-relationship at the moment- marami pa kasing plano ang parents ko for me- and I promised them I'd focus on my studies muna until I graduate. But of course, there's no harm din naman to talk about these things. As you said yourself- nothing and no one is safe in this world- so mas mabuti siguro if we're open-minded para mas ready tayo sa mga pagsubok na 'di inaasahan."

"Well said, well said," sambit ni Pablo sabay hagod sa balikat ni Ken. "Since you're the one who brought it up, I'll be honest- mas maganda 'pag pinagsasabay 'yung flavors- especially when they complement each other. At least 'di nakakasawa."

"May ganun?" tanong ni Josh, sabay iling. "Akala ko may mali- eh, doon din pala ang punta ng usapan."

"Well, it's your friend who gave me the idea," paglilinaw ni Pablo. 

"But isn't that insensitive, sir?" tanong bigla ni Ken. "Dessert na nga lang, pinagsabay pa?"

"Kung pumapayag naman sila, why not? Mahirap bang magpakatotoo?"

"What kind of person would fall for that cheap trick naman?" Hindi maiwasan ni Josh na sumabat kahit medyo alanganin.

"The kind of person who loves you unconditionally?" sagot agad ni Pablo. "So when you find someone who loves you without strings attached- never let that person go."

"What if- that person realizes na toxic pala magmahal nang ganun?" tanong ni Ken na parang hinihingal sa adrenaline rush.

Napatingin sa kanya si Pablo bago sumulyap kay Stell sabay ngiti na pawang muntik nang mauwi sa buntong-hininga.

"Lahat naman ng excessive eh, toxic. Pero bakit lahat tayo nangangarap nang true love na sobrang intense? Sex, marriage- lahat naman 'yan acts of possession and ownership. Kaya nga pagdating sa love, it's the same- kung ano ang iyo ay iyo. So kahit kanino pa s'ya mapunta, babalik at babalik 'yan sa 'yo," Pablo emphasized, darting glances in Stell's direction. "After all, tayo mismo ang nakakaalam kung sino ang tunay na nagmamay-ari sa 'tin. Even pets know their masters- tao pa kaya?"

"My beloved is not a slave," Ken objects. "Kaya 'pag ako nagmahal, sisiguraduhin ko- 'di ko s'ya igagapos. Ayokong umasa na ako lang ang mamahalin n'ya."

"Ha? Ano 'yon?" bulong ni Josh na parang 'di makapaniwala.

"Ayoko nang love na napipilitan lang alang-alang sa pinagsamahan. Even if that person is my everything, I want to keep my doors open. I want to be able to let go. So when the day comes na wala na s'yang feelings for me, ako mismo ang lalakad palayo sa kanya if I have to."

"Hanep- lalim," bati ni Josh. "Parang sagot sa define love sa slum book? Nag-promote pa nang kanta ni Felip!"

"Tama ka na nga, Josh," bulong ni Ken, sabay tingin sa baba na parang may kakaiba doon. "I believe naman kasi that we're all free to choose who to love- but we're also free to do the right thing for ourselves and for the one we love. Ayoko na mamili 'yung mahal ko between me and the right person na mas makakabuti sa kanya. That's why I want to make sure I'm the right guy before I commit myself."     

"You talk like Casanova's arch-nemesis. May special someone ka na ba?"

Namula si Ken. "What makes you think so, sir?"

"Wala- gut feeling lang. I teach creative writing here- but I'm also a freelance writer. I have to be able to write different kinds of psyche- different mindscapes. That means I have to be good at reading people- I have to be able to decipher them- as if they're poetry hiding different shades of meaning."  

"If I may ask- do you believe in love, sir?" tanong bigla ni Josh.

"To be brutally frank, it's not what we believe in that matters," sagot ni Pablo sabay kibit nang balikat habang lumakad papalayo. Lumingon ito bago humakbang papalabas ng gym. "We can always change our beliefs- but what remains the same is the selfish self inside all of us that thinks it's always right. Kaya in the end, it's not what we believe in but what we're willing to settle for that matters. It's how we stand by the life we choose for ourselves even if it doesn't work out the way we want it to that makes us or breaks us. And falling in and out of love... is just a tired cliche. Romance is the most overused subplot in any genre. While we're making ourselves miserable over love, life happens. And this thing we call life is actually the most boring story in the world."

Hindi maiwasan na matigilan si Josh at Ken sa narinig. As for Pablo, hindi pa s'ya nakakalabas nang pinto nang may humarang sa kanya.

The smile looked very familiar- like a ray of sunshine on a rainy day, ganyan si Justin. Kahit saan magpunta sinusundan nang tingin- kaya kilala s'ya nang mga professors at sikat sa buong campus bilang heartthrob. 

"Hi, sir Pablo. Uh... gusto n'yo nang sweet corn? Mainit pa nga eh, kabibili ko lang po sa canteen..."

"Justin de Dios, right? Thanks for the offer, but you need the energy more than I do. Enjoy your snack- maybe next time i-treat ko kayo sa labas. Kung okay lang naman kay Stell..."

"Stell?" Napabulong si Ken. Nagulat si Stell at biglang inangat ang paningin kay Ken. Nagkatitigan sila at parehong natigilan.

Sinilip sila ni Josh. "Hoy, okay lang ba kayong dalawa?"

Tumawa si Justin sabay hila sa kamay ni Ken hanggang sa mapa-upo ito sa pagitan nila ni Josh. "I swear, gutom lang 'yan. Buti na lang, Justin the holy macaroni is here to the rescue!"

"Kasi de Dios- kaya holy?" tanong ni Josh habang kinikiliti si Justin. Ipit si Ken sa kilitian dahil nasa gitna s'ya. Napasulyap s'ya kay Stell na pilit namang umiiwas tingnan ang harutang nagaganap. 

"Tama na, Ken- please!"

"Mahiya ka, Jah- 'di ako kumikiliti sa 'yo, no!"

"Maki-join ka na lang- the more the merrier- chaka okay lang naman kay Jah," mahiwagang biro ni Josh. "Macaroni kasi-"

"Oy, mas masarap naman ang macaroni!" bulalas ni Ken habang pinipilit lumipat nang pwesto. Naiilang s'ya sa harutan ng dalawa kahit alam n'yang dapat sanay na s'ya. After all, matagal na silang magkakaibigan- since kindergarten pa sila ni Josh. Nung nasa 4th grade na sila, sabay nag-transfer sina Justin and Stell sa school nila. They became classmates, attended the same music club, at naging members pa ng church choir. So halos magkababata silang apat.

As for Pablo... older batch s'ya pero popular sa school nila. Consistent honor student at naging president ng student council. Editor-in-chief din ng school gazette- name it, he's got it. Matinik din daw sa chicks sabi nang iba. Maraming bulong-bulungan about him-

Mahilig daw ito magpaasa. Parang nabudol daw ang kahit sinong babaeng maligawan nito. Trip daw n'ya ang BDSM at kung anu-ano pang ka-weirdohan- pero in fairness, wala namang sumeryoso sa mga sabi-sabi- kasi iba talaga si Pablo.

Pablo Nase is a genius- a prodigy through and through. Sobra n'yang galing kaya buo ang respeto ng kahit-sino sa kanya.

Naisip ni Ken- siguro nag-iisa lang talaga ang kagaya ni Pablo. Hindi s'ya madaling talunin- at kung balak mong buwagin, para kang bisikletang bumangga sa ten-wheeler.

Nanlamig ang kanyang katawan kahit wala namang dahilan para s'ya mangamba. Bakit- may balak ba s'yang makipag-compete kay Pablo? Kung meron man- anong dahilan? At bakit si Pablo pa- wala s'yang kalaban-laban dito. Unlike that guy, hindi s'ya academic- at lalong hindi isang genius. Oo, naging cartoon editor s'ya at naging hilig rin ang pag-compose- pero ibang level ang talent ni Pablo.

Unreachable. Impossible. So kung-sino man ang ma-fall kay Pablo- sobrang taas din siguro ng standards nito kaya type n'ya yung unreachable star...

Type n'ya ang isang Pablo na impossible dream.     

Umurong si Stell para makaupo si Ken sa tabi n'ya. 

"Uh, Stell, baka may gusto kang iba-"

"Ha?"

"Uh- I- I mean-" Ken stuttered shamelessly. "Baka kasi sawa ka na sa sweet corn. Ito naman kasi si Jah, binibili parati yung gusto n'ya- 'di marunong magtanong. Walang konsiderasyon-"

Hinampas s'ya ni Josh. "Kapal muks- nambuburaot na nga lang, nanumbat pa?"

"Ah basta, bibilan ko si Stell nang gusto n'ya!"

"Wag na, 'di naman ako choosy. Okay lang 'to."

Tinitigan ni Ken si Stell. "Hindi dahil libre kelangan mong ipilit sa sarili mo."

Stell couldn't help but frown to that- kahit mas nagulat s'ya sa malambing na tono ni Ken. "Sabi ko nga, okay lang- hindi naman ako napipilitan. Buti pa mag-start na tayo. Kayo ni Justin, almost tapos na. Mauna na kayong umuwi, sabay naman kami ni Josh," sambit ni Stell while scribbling something in his notebook.   

Napasulyap sa malayo si Ken at hindi na kumibo. Si Josh at Justin naman ay tahimik na tinapos ang kanilang merienda nang hindi nagtatanong kung okay lang si Stell- gaya nang nakagawian 'pag ito'y walang kibo.                  

 

______________________________

 

"Hoy, ba't ba ang lalim nang iniisip mo d'yan?"

"Ha?"

"Ha ha? Mukha bang nagpapatawa ako?"

"Ewan ko. Hindi kasi ako taga-maisan eh. Ouch, oy, sobra ka na Jah, ha! Grabe ka, nanununtok ka na 'pag 'di ka pinapansin!"

"Ano 'kala mo sa 'kin, kulang sa pansin?"

Umiling si Ken. "Masama bang mag-isip?"

"Hindi- kung may isip!"

Napasimangot si Ken. "Sama nang ugali! Dapat talaga kay Stell na lang ako sumabay pauwi, eh!"

"Eh, bakit hindi? Lagi mo sinasabi 'di naman magawa- chicKen ba talaga?"

"Ba't naman ako maduduwag kay Stell?"

"Gusto mo talaga sagutin ko 'yang tanong mo?" tawa ni Justin.

"Bakit ikaw- palagi kang nang-aasar tapos sa 'kin ka naman sama nang sama. Ano ba trip mo, Jah?"

"Ikaw."

"Okay ka lang?"

"Ang tanong, Ken- okay lang ba?"

"Ha? Anong pinagtatatanong mo d'yan?""

"Tanong nga eh. Pa'no ba magtanong?"

"Jah... ano kaya meron kay sir Pablo?"

"Malay ko- wala namang napansin si Josh- parang nagtaka lang s'ya kasi quiet si Stell- baka nahiya lang kay sir."

"Hoy, hindi kaya madaling mahiya 'yung kagaya ni Stell, ano!"

"Sumbong kita!"

"Sige, Jah. Pagduldulan mo pa kung ga'no ka ka-close kay Stell."

"Hoy, daycare pa lang, kami na. Kulang na lang, mag-share kami nang diaper. Jelly ka?"

"Ba't kasi vanilla 'yung nasabi ko."

"Anong meron sa vanilla?"

"Bago kasi sumingit si sir, nagtanong si Stell kung alin mas masarap- vanilla o strawberry?"

Napataas ang kilay ni Justin. "What's wrong with vanilla?"

Nag-alangan si Ken bago sumagot. "Di ba... strawberry si Stell?"

"Alam mo pala- ba't 'di mo sinabi?"

"Ba't parang galit ka, Jah?"

"Ang mais galit talaga sa chicken- kasi ang takaw!"

"Hoy, may taste naman ako, ha- ang dami namang iba d'yan- nakakasawa 'pag palaging corn."

"Kahit sweet corn?"

"'Di ka naman sweet."

"Gusto mo ba si Stell?"

"Ha?" Napakamot nang batok si Ken. "Ba't naman napunta d'yan ang usapan?"

"Sagutin mo kaya? Gusto mo na ba si Stell? Yes or no?"

"Truth or dare na lang kaya?"

"Pa'no kung may ibang gusto si Stell?"

"Sino? Ikaw?"

"Ang sama mo! Pasimple pa- eh, crush mo rin naman ako. Okay lang- 'di naman ako choosy."

"Jah- kulang ka lang sa tulog. 'Di kita crush, ah."

"Hoy- buking ka na ni Stell. Pag nag-si-sleep over s'ya lagi n'yang tinatanong kung tayo na raw. Feel n'ya we're soulmates."

"Baka soybeans- 'di soulmates."

"Kala ko ako lang corny."

"Jah... masama kutob ko kay sir Pablo. Parang may alam s'ya tungkol kay Stell."

"Ako maraming alam tungkol sa 'yo. 'Di ka takot?"

"Seryoso, dre. Ayoko nung tingin n'ya kay Stell. Ngayon lang ako kinutuban nang ganito."

"Malay mo- baka true love?" pabirong tanong ni Justin sabay hataw sa braso ni Ken habang patakbong lumayo nang tumatawa.

Huminga nang malalim si Ken. "''Wag naman sana... kasi kung si Stell talaga 'yun, 'di ko alam ang gagawin ko sa sarili ko."

 

______________________________   

  

 

 

Notes:

Pablo is a bit "dark" here- well actually, his La Luna is really "dark" so it shouldn't be surprising. Expect Pablo to shock the wits out of Stell, Ken, Josh, and Justin- and to spout radical ideas, which as I said, should NOT be taken as FACT or TRUTH based on what we know about the real personalities behind this fic.

The real Pablo is open about his faith- but the Pablo in this fic is NOT strictly the same Pablo as we know him in real life. So expect some divergent views and opinions, which may even be antithetical to what we know about Paulo Nase as SB 19's leader.

Next chapter will be posted on June 23 or 24 (2-3 days from today). Hopefully there'll be no delays.

Hope you had fun. Thanks for reading, see you 'til then~~^_^