Actions

Work Header

Tabloid Junkie

Summary:

Baekhyun reached the darkest peak of his life, and that is to work alone and live on his own. The thing is, how could he do that when all throughout his life, he never experienced to live work thus work on his own? 


Yet, no choice siya kundi gawin nalang. When he said that he wants to explore the world, baka ito na iyon.

Notes:

Hindi ko talaga dapat 'to isusulat pero laging pumapasok sa isip ko yung flow. Hindi ako nakatulog masyado kagabi kaya sinulat ko na. Thank you agad sa magbabasa!

Chapter 1: CHAPTER 01

Chapter Text

I.

 

“Kontra ka ng kontra! Putangina mo! Lagi ka na lang ganyan nakakasawa na!”

 

“Oh bakit ka nagagalit? Kasi totoo naman ‘di ba? Ilang beses na kitang sinabihang bawasan mo ‘yang pinagkaka-utangan mo pero ‘di ka nakinig!”

 

Baekhyun sighed deeply habang nakatayo lang sa harapan ng bukas nilang pinto. Nakayuko lang siya at walang imik. Hawak-hawak niya ngayon ang kapiraso ng dalawang papel na medyo lukot na sa higpit ng pagkakahawak niya mula pa kanina. Tinitigan niya muli iyon at nakaramdam ng pagkadismaya. He failed his major subject’s exam.

 

AGAIN.

 

This is his second retake to save his scholarship but he failed again. Ibig sabihin lang no'n ay hindi na siya karapatdapat sa scholarship because he failed to maintain such grade. Sumabay ang mabigat niyang paghinga sa mabigat niyang nadarama.

 

Paano na siya ngayon?

 

Nagitla siya ng makarinig ng kung ano mang nabasag. Sanay na siyang makita ang magulang niyang mag-away dahil sa problema sa utang at pera. Napapadalas ang away ng dalawa dahil sa sandamakmak na pinagkaka-utangan ng kaniyang ama.

 

“Tabi! Mga wala kayong kwenta! Isa ka pang bakla ka!” aniya ng kaniyang ama at binangga siya sa balikat no’ng madaanan siya nito.

 

Kinuyom niya ang sariling kamao at pinigilan ang sariling makipagsabayan sa init ng ulo ng ama. Gustuhin man niya itong sagutin pabalang ay hindi niya magawa.

 

His mother didn’t raised him that way.

 

Madali siyang pumasok sa loob at nadatnan ang inang nakaupo sa sahig. He runs fast towards her at agad na naluha sa awa at nginig sa galit na nadarama.

 

“Ma anong ginawa sa’yo ni Papa?!” histerikal niyang tanong at sinipat ang putok na labi ng matandang babae bago ito nilinisan.

 

”Hindi na pwede ‘yung ganito Ma, sobra na e, hanggang kailan ka magtitiis sa kaniya? Hanggang kailan tayo magtitiis sa ganito Ma?” aniya habang umiiyak na.

 

“Pagod lang ang Papa mo.”

 

“Mama naman e! Bakit ‘di na lang tayo umalis? Tutal ‘di naman niya nagagawa ‘yung responsibilidad bilang ama. Maawa ka sa sarili mo Ma.” Pagmamakaawa ni Baekhyun at niyakap ng mahigpit ang sariling ina.

 

“Umalis na tayo rito Ma, parang awa,” humihikbing sambit ng binata.

 

Pagod na ngumiti ang matanda, “Magiging maayos rin ang lahat. Babalik din tayo sa dati. Problemado lang talaga ang Papa mo. Intindihin nalang natin.”

 

Baekhyun did nothing but to nod in defeat, gano'n naman lagi. Gustuhin man nilang kumawala ay hindi nila magawa. Kahit ayaw niya, wala siyang magagawa. Kahit sawang-sawa na siya sa nakakapagod at paulit-ulit na eksena, he cannot just decide for himself.

 

Sana nga..hiling niya’y maging maayos din lahat.

 

Except that peace never happened.

 

Mas lumala pa ang pag-aaway ng dalawa. Umabot na sa puntong nagsabay-sabay pa ang mga taong naniningil ng utang sa kanilang bahay na madalas taguan ng ama kaya silang dalawa lagi ng kaniyang ina ang humaharap sa mga ito.

 

Tambak na ang mga bayarin nila, gaya ng buwanang singil sa renta sa apartment na halos sampung buwang tengga, bill ng kuryente no’ng nakaraan pang mga buwan at singil sa tubig.

 

Until one day, his father never came back home.

 

Kaparehas na araw kung kailan sila tuluyang pinalayas ng kaniyang ina sa dating tinirahang apartment. Ni katiting na palugit ay hindi manlang sila pinahintulutan. Pati ang singil sa sandamakmak na utang ay sakanila pa naiwan. Pakiramdam niya namanhid na ang buong pagkatao niya sa mga nangyayari.

 

“Kain muna tayo Ma?” anyaya niya sa ina ng madaanan ang isang karinderya.

 

Alanganin siyang nilingon ng ina pabalik sa nasabing karinderya. “Wala na tayong pera ‘nak.”

 

Umiling si Baekhyun at ngumiti, “Don’t worry Mama, mayro’n naman akong extra pa rito” panghikayat pa niya at tuluyang nagtungo papasok ng munting karinderya.

 

Sumunod naman sa kaniya ito at naupo sa isang mesa malapit sa bungad.

 

Nagpaalam naman agad siyang o-order na ng kanilang panghapunan at halos alas dies na rin ng gabi. Nang makapagbayad at tahimik na sinilip ni Baek ang laman ng kaniyang pitaka at bahagyang nakahinga ng maluwag.

 

May kaunting pera siyang na-ipon sa pagko- lalo na sa pagddrawing at pagtulong na rin sa pagsagot. Kakasya pa ito sa kanila ng dalawang-linggo pero alam niyang panandalian lamang iyon.

 

Kailangan niyang makahanap ng disenteng trabaho.

 

“Anong hindi ka sasama?” gulat na gulat na tanong sa kaniya ng ina ng pasakay na ito ng bus.

 

Inilingan niya ito at malungkot na nginitian. Doon dapat sila makikituloy sa kapatid ng kaniyang ina pero mas pinili na niyang hindi sumama.

 

“Hindi ko po pwedeng iwan ang pag-aaral ko rito..” pagsisinungaling niya.

 

That day, Baekhyun made a crucial decision in his life. And that is, to live separately with the only woman he loved.