Actions

Work Header

Kung ano man ang mayroon tayo, matatawag ba iyon na pagibig?

Summary:

Madalas sa minsan, naiisip na lamang ni Calligos na walang pinagkaiba ang pagmamahal sa pagkamuhi. Madalas sa minsan, pinapatunayan iyon ni Aylin von Valancius.

Notes:

binabayo ng bagyo ang katagalugan pero pagbabayo pa rin naiisip ko ❤️

Work Text:

Kung napadaan ka kagabi sa isang kalsada sa Dargonus, iyong papunta ng palasyo ng punong capitan mula sa karatig na aplaya, baka nakita mo kagabi ang isang itim na Shiiv Luxor na nakaparada malapit sa talahib. Nung gabing iyon, madulas ang kalsada at halos wala nang makita pwera na lang sa naninilaw na liwanag ng mga lumen sa sa daan. 

Tuloy ang buhos ng ulan. Dinig sa loob ng sasakyan ang dumadagundong na alingawngaw ng bawat patak sa bintana, sa bubong. Nanunuot din ang lamig, pumapasok sa bawat bukang patlang ng mga pinto. Sa loob ng sasakyang iyon, inaninag ng isang lalaki ang isang babae sa salaming pumapagitan sa kanila.

“Wala ka ba talagang sasabihin? Ipagkikibit balikat mo na lang?” 

“Anong gusto mong sabihin ko?” Halos idura ng babae ang tanong, “Na hindi kami nagkikita ni Heinrix? Na hindi ko siya kinakausap? Pwede naman.”

“Putangina.” Hinataw nya ng malakas ang manibela. Binasag ng busina ang katahimikan ng gabi, “Anong klaseng sagot yan?”

“Sagot na totoo. Diba yun naman ang gusto mong mangyari? Kanina ka pa parinig ng parinig, edi ito. Tinatanong na kita kung anong gusto mong marinig sa akin.”

“Ikatutuwa ko ba yan? Ang galing din ng takbo ng utak mo kahit kailan. Parang pabor pa sa akin na pagsinungalingan mo ko.”

“Kahit kailan hindi ako nagsinungaling.”

“Nung pumunta ka sa kaniya, hindi ka nagsinungaling?”

“Ay, pasensya ka na at hindi ako nakapagpaalam.” Inirapan siya ng babae, “Pero kung tutuusin, wala ka rin namang karapatang mag-demanda ng paalam.” 

Ayun. Nabuko din ang matagal na niyang hini-hinala.

Napakapit ng mahigpit ang lalaki sa manibela. Nanginig ang bawat kalamnan niya.

“Para sayo wala akong karapatang humingi ng paalam? Ng konsiderasyon? Ng konting pag-intindi?”

“Wala naman akong sinabing ganyan.” Tumingin din sa salamin ang babae na parang hinahanap ang sarili sa mga mata ni Calligos. Napakalaking kasalanan ng diyos kay Calligos na binigyan niya ang babaeng ito ng mapupungay na mga mata at isang maamong mukha na hindi tugma sa ugali nitong tuso. “Ang sabi ko lang hindi ko kailangang ipaalam sayo kung magkikita man kami ni Heinrix o hindi.” Nagpalit ng pwesto ang babae at hinarap sya, “Dahil hindi naman tayo. Kung makapag-demanda ka, akala mo naman tayo.”

Ang dami niyang pwedeng isagot. Kung wala ba talaga para kay Aylin ang lahat ng oras at pagaaruga na iginugol niya rito matapos siyang iwan ni Heinrix para gampanan ang responsibilidad niya bilang punong inquisidor. Kung kahit kailan ba ay hindi man lang si Aylin nakaramdam ng konting amor sa kaniya. Kung ni minsan ba, sa dami daming beses na na nagkantutan sila, ay sumagi sa isip nito na oo, siguro nga kaya naman niyang mahalin si Calligos.

Kasi siya oo. 

Pero ganito kasi yan, ang unang umamin, talo.

“Hindi naman sa nagdedemanda ako. Ang akin lang, ikaw naman ulit ang talo diyan diba?” Inilapat ni Calligos ang ulo niya sa upuan, “Para kang kumuha ng bato na ipupukpok sa sarili mong ulo. Di ka rin talaga nadadala, no? Bakit, sa tingin mo ba pipiliin ka niya kaysa sa trabajo niya? Pumili na siya, at wala siya dito.”

Napatutulala sa kaniya si Aylin. Napatahimik. Sa hinaba haba ng panahon, alam na ni Calligos na walang magandang dulot ang katahimikan ni Aylin.

“Bakit,” Simula nito, “Sa tingin mo ba pipiliin kita kung hindi niya ko pipiliin?” 

Natahimik siya. Sa matagal na panahon, tanging ulan lang naririnig sa loob ng sasakyan.

“Psh.” Inirapan siya ni Calligos, “Huwag mo kong pipiliin. Ayoko sa lahat, yung babaeng tira-tira ng ibang lalake.”

“Mh, ayaw mo. Gusto mo yung tinitira lang. Sige, copy. Ganon lang ako para sayo.”

Napatulala si Calligos, “Hindi ko naman sinabing—”

“Pinaramdam mo.” Sambit ni Aylin, “Biro lang. Eto naman, di mabiro. Kailan ka pa natutong magsorry? Iyan nga ang gusto ko sa iyo eh. Hindi ka nagpapapaalam at hindi ka humihingi ng tawad. Hindi mo ko pinapangakuan. Wala kang sinasabi na hindi mo ibig sabihin.”

“Hindi ko rin laging sinasabi lahat ng ibig kong sabihin.” 

“Maniwala. Kilala kang hindi matahimik.”

“Paano ako matatahimik kung lagi mong ginagambala ang isipan ko?” 

“Tarantado. Huwag kang nagbibiro ng hindi maganda.” Itinulak sya ni Aylin sa braso. Tumalikod ito. Inilapat ang noo sa bintana ng sasakyan. Maya maya ay naririnig na niya ang humihikbing hininga ni Aylin.

“Hindi ako nagbibiro.” Ang seryosong sagot niya, “Pagod na ko. Pagod na ko sa kung ano mang pinaggagawa natin at sa mga pinaggagawa mo. Hanggang kailan ba tayo magpapasikot-sikot? Alam mo na rin naman. Kanina mo pa binubuko. Tapos iiyak ka.”

Kakaibang kalaban talaga ang babae.

“Nung lumapit ako sayo… ang hanap ko lang naman, pampawi ng sakit.”

“Kaya ginamit mo ko?”

“Nagpagamit ka naman.” 

Nagpantig ang tenga ni Calligos. Hinila niya si Aylin papalapit hanggang halos mahulog ito sa kinauupuan, “Ikaw din! Walang hiya ka. Sabihin ko kaya sa kaniya, ha? Sa tingin mo masisikmura ka pang kitain ng Heinrix na iyon kung malaman niya kung paano kita inangkin? Sa tingin mo hindi ka niya isusuka kung sasabihin ko sa kaniya kung paano kita binaboy?” 

“Hayop ka!”

Dinampot ni Calligos si Aylin at inilapag sa kaniyang binti habang tuloy ang pagalpas nito. Aakma itong sasampalin siya, ngunit kinuha niya ang mga kamay ni Aylin at pilit na itinabi.

“Mas hayop ka!” Sinigawan niya sa mukha si Aylin, “Mas hayop ka! Demonyita! Ang tagal mo na palang alam pero sige ka pa rin. Talagang gagawa at gagawa ka ng mga bagay na ikasasakit ko at ikasasakit mo — kahit na alam mong masasaktan din ako pag nasaktan ka!”

Bumagsak ang katawan ni Aylin sa manibela. Umungol ang busina pero nakatulala lang ang babae na parang walang naririnig. 

Pinatay ni Calligos ang busina at makina ng sasakyan.

“Mh. Natahimik ka rin.”

“Ano ba kasing isasagot ko diyan? Gago.” 

Tumawa na lang siya. Sa harap ng isang taong hindi niya kailanman maiitindihan ng lubos, sa gitna ng isang sitwasyong kahit kailan ay hindi maiintidihan ng sino man, wala nang ibang pwedeng gawin kundi ang tumawa. Tumawa sa absurdidad ng buhay.

“Alam mo, kung porn pict to, hinipuan na kita.”

“At kung romcom to, anong mangyayari?” Tanong ni Aylin.

“Hahalikan mo ko. Sasabihin mo sakin na kaya ka lang naman ganiyan ay dahil takot ka pa. Sasabihin mo nakakatakot kasing sumugal ulit. Pero ang totoo, hindi mo na kaya. Mahal mo na ko. Hindi mo maisip kung kailan nagsimula pero mahal mo na ko.” Inabot nya ang mukha nito. Marahan na hinaplos ang pisngi.

“Anong gusto mo?”

“Ikaw.” Tumango sa kaniya ang lalaki.

Itinukod ni Aylin ang siko nya sa manibela. Inilapit ang mukha kay Calligos hanggang nagpangabot ang kanilang mga labi. At nang magabot ang mga labi nila ay alam na ni Calligos ang sagot. Agad-agad niyang hinila ang butones ng damit ng babae. Ihinagis ang blusang puti sa likod ng sasakyan. Sa bawat sagot ng kanilang mga dila ay inihihimod nya ang kamay sa binti nito, papalapit sa dulo ng palda niyang lila na si Calligos pa ang bumili. Punyeta. Siguro hanggang ito planado din nya, pero di bale. Ang importante, andito na sila. Dali dali rin siyang nagtanggal ng pantaas. Habang ginagawa niya iyon ay dumaop ang palad ni Aylin sa ari niya. 

Hinablot niya ang kamay ng babae at inatras ang upuan. Ng magawa nya iyon, inikot niya si Aylin para ito ang nakahiga sa upuan at sya ang nakapatong rito, “Pucha naman. Manahimik ka na lang diyan at bumukaka ka ng maayos.” 

Hinalikhalikan niya ang binti nito, mula tuhod hanggang hita. Dahan dahan na pagsalakay papunta sa panty nito. Ng kaharap na nya ang ari ng babae, ibinaon niya ang kaniyang ilong doon at linanghap ang mamasamasa nitong puke. Ilinapat niya ang dila niya sa tela at nagsimulang dilaan ito. Napahiyaw si Aylin. Rinig ang paghampas ng kamay niya sa salamin ng bintanang malapit sa kaniya habang tuloy ang pagkain niya rito. Basang basa na ito, naglalawa na rin ang tela ng panty nya, kaya naman itinabi na ni Calligos ang kakapirangot na piraso ng telang naghihiwalay sa kanila at bahagyang dinilaan ito. Ramdam niya ang panginginig ng mga binti ni Aylin. Paano, eh isinampay ba naman sa balikat niya. 

Hindi niya pinalampas ang babae. Hinigop at dinilaan niya ang hiwa ni Aylin hanggang sa maghihiyaw ito at hablutin ang buhok sa ulo niya. Tuwing umuusod si Aylin paatras ay hihilain niya ang babae pabalik, pabalik sa kaniya at sa piling niya. Hindi niya tinigilan kahit anong hila ang gawin nito, hanggang sa nalasahan ang matamis niyang katas. 

Itinaas niya ang ulo niya upang huminga, “Tingnan mo ko. Putangina, tumungin ka sakin. Wag mo kong iwasan.”

Tumingin naman. Gago din ang Diyos Emperador at hinayaan niyang mabuhay ang nagiisang tao na nakapagpabagsak kay Calligos sa kaniyang mga tuhod. Nagaapoy ang tingin nito sa kaniya. Inaalab ng pagnaasa at ng isa pang damdaming hindi alam ni Calligos kung may lakas ito ng loob upang aminin sa ngayon.

Matagal rin siguro silang nagtitigan.

“Calligos? Ayos ka lang?” Inabot ni Aylin ang kamay niya at hinawakan ito. Pinisil ng mahigpit na para bang ayaw rin nitong bumitaw. Sana nga.

“Ayos lang.”

“Malalim yata ang iniisip mo.” Napatawa ito ng bahagya.

“Ang iniisip ko.” Binuksan nya ang kanyang pantalon at linabas ang kaniyang ari, sabay patong kay Aylin. Ang liit niyang tignan sa ilalim ni Calligos at naisip niya na masarap sigurong piritin ito na parang kuto. O alagan sa haula na parang mumunting ibon, “Gusto kitang laspagin ngayon.”

“Mhh. Parang porn pict nga. Gusto mong patunayan na sayo lang ako?” Tanong ni Aylin. May ngiting naglalaro sa labi nito na para bang inaasar siya.

Ipinasok niya ng marahan ang ulo ng ari niya, “Hindi ko kailangang patunayan dahil wala ka nang kawala.” 

Nagsimula siyang gumalaw, ibinayo ang kaniyang baiwang hanggang sa magtama ang buto ng mga balakang nila. Kahit na naguumupugan at masakit. Kahit na parehas na silang umuungol na parang mga hayop na hayok na hayok sa pagnanasa. Ibinaon ni Calligos ang kaniyang mukha sa buhok ni Aylin at inamoy ito, “Ang bango mo talaga. Kaya lagi akong tinitigasan sayo eh.” 

“Pa-para san b-ba ko nagpapabango kung hindi para doon?” Kumaskas ang kuko ni Aylin sa likod niya.

“Baka sa ibang lalaki.” Nakasinghal na sagot niya. Inilapat niya ang noo nya sa noo ni Aylin, “Pero wala na iyon. Paglabas mo dito, sisiguraduhin kong kahit na anong ligo ang gawin mo, maamoy niya ko sa loob mo.”

“Bastos.”

“Ginusto mo naman.”

Linakasan ni Calligos ang pagbayo. Ibinuhos na niya ang lahat — ang galit, ang poot, ang pagaalala, ang pangungulila niya kay Aylin. Lahat ng iyon para kay Aylin.

Paminsan-minsan ay matagal na iniiwang nakabaon ang ari nya sa puke nito. Basang basa na sila ng pawis. Akala mo inuulan din sa loob ng sasakyan. Sumigaw si Aylin, sinabihan siyang huwag tumigil at sige pa, iyan, putangina— iyan! Kahit na hindi naman talaga ito nagmumura. Alam niyang nakarating na ito sa rurok ng bigla itong mangatog at manlambot sa upuan. Tuloy pa rin siya, tinitira ang babae hanggang maabot din niya ang dulo ng ligaya. Nang matapos ay hindi siya gumalaw o umalis, nanatiling nakapasok ang ari niya kay Aylin habang marahan niyang binalot ito ng kaniyang mga braso.

Nakatulala si Aylin sa kisame ng sasakyan at tila naghahabol pa rin ng hininga.

Si Calligos rin naman.

Maya-maya ay hinahaplos na ni Aylin ang braso niya at inaakap ito. Hindi si Calligos kumibo.

“May iniisip ka?”

Tumango siya, “Mh. Ikaw.”

“Gusto mo na ulit agad?” Napasimangot si Aylin, “Sa totoo lang masakit yung ginawa mo sa akin.”

“Mas masakit yung ginawa mo. Puta ka.” Pero sinusuklay niya ng daliri ang buhok ni Aylin, “Naisip ko lang na… di bale. Basta.” 

“Ano nga? Dali na. Hirap naman kausap nito.” 

Umubo siya ng konti, “Huwag kang magagalit. Pero minsan, pag-kasama kita hindi ako sigurado kung may pinagkaiba ba ang pagibig sa pagkamuhi.”

Biglang umupo si Aylin at tinignan siya sa mga mata. Ang tagal nitong nakatitig sa kaniya na para bang ninanamnam ang hitsura niya, “Parehas lang yan.”