Chapter Text
Working at a famous and well-established publication company has always been my dream but I’m currently stuck at a famous yet problematic digital news company. Ang hirap maging mediocre. I graduated from a local state university. As much as I wanted to study sa UP, hindi ko kaya – I have bigger priorities. Maaga kaming naulila ng kapatid kong si Sheena. Wala rin kaming mga kamag-anak na malalapitan. I had to juggle my time working three jobs and studying noon para mabuhay kami ng kapatid ko. Ngayon isa akong Investigative Journalist. What I'm earning is barely enough to sustain our living expenses, Sheena stopped studying too. She's living in a small apartment in Laguna and is working as a barista sa cafe na pagmamay-ari ng kaibigan naming si Gwen.
This is not the life I dreamed of. At 29, my apartment is a small, one-bedroom unit in an aging building, and I can always hear the floors creak beneath me. The living room is cluttered with stacks of books and magazines, my desk piled high with notepads and half-finished articles. A small window lets in just enough light to illuminate the worn-out couch, which has definitely seen better days. It’s nearly the end of the month, which means two things: deadlines and payday. As the new month approaches, I have to come up with a story that will truly grab our readers' attention. Our company is struggling, and my bosses only add to the stress—constantly pushing us while keeping our salaries painfully low. Every day, I find myself worrying if my earnings are enough to support Sheena and my five-year-old son. I think about their needs and how much I want to provide for them, and that weight can be overwhelming. The thought of letting them down haunts me. I’ve thought about leaving this job, but luck hasn’t been on my side. Opportunities at larger companies seem completely out of reach, primarily because I graduated from a no-name community college.
I feel trapped in this cycle, desperately trying to make ends meet while my heart aches at the thought of what might happen if things don’t change. I want to give Sheena and my son a better life, and the constant worry about how to do that keeps me up at night. My thoughts were interrupted when Maloi, our Creative Director, slammed her hands at my table, startling me.
“Hoy, Jho. Tara na. Nakasubsob ka na naman diyan sa table mo anong oras na.”
“Busog pa ako, Ate. Ikaw na lang, uuwi na ako,” tinraydor naman ako ng tiyan ko nang bigla itong kumalam.
“Anong busog? Halika na, tara. Libre ko na.”
“Huwag na, Ate. Madami pa nga akong utang sa’yo eh. May stocks pa naman ako sa bahay.” Ate Maloi, despite being born with a silver spoon, remains so humble. Simula nung nagkakilala kami five years ago, she's been nothing but helpful. Kaya hiyang hiya na ako sa kanya.
“Anong utang wala akong maalala? Tara na!” Kinaladkad na ako nito bago pa ako makasagot. Totoo naman, madami na akong utang sa kanya. Mula sa mga pagkain, pambayad ng bills ko sa apartment, at ultimong pinapadala ko sa Laguna.
“Ate naman, sa mura lang tayo ha. Pwede bang sa paresan na lang tayo kumain? Wala akong pera.”
“Niyaya kitang kumain, hindi kita tinanong kung may pera ka. Tara sa Dillinger's!”
Hay nako. Sobrang bait ni Ate Maloi sa akin. Sabay lang kaming pumasok sa kumpanyang ‘to pero na-promote na siya. She started as a photojournalist and now she's managing the Creative Media department. Deserve naman niya ‘yun kasi magaling talaga siya.
“Umorder ka ng kahit ano, Jho. Ako bahala,” she said with a huge smile on her face. Nakakakain lang ako sa mga ganitong lugar kapag may interview ako or dinadala ako ni Ate Maloi. Hindi naman kasi ako para gumastos ng malaki sa pagkain. Napalaki naman ang mata ko sa presyo ng mga pagkain dito.
“Pumpkin Soup lang sa akin, Ate.” ‘Yon na kasi ang pinaka-murang nakita ko sa menu.
“Anong Pumpkin Soup? Hindi nakakabusog yan. Sir, can we have that Pumpkin Soup, Caesar Salad, Truffle Pasta, and Prime Ribeye Steak?” Inilista naman ng waiter ang mga order at umalis na.
“Ate naman, ang mahal mahal! Ang dami mo pang inorder. Kaya ba natin ubusin yun?”
“Jho, kailangan mong kumain ng madami. Nangangayayat ka na oh. At huwag kang mag-alala, pwede naman nating itake-out.”
I can never win against her. I know she's coming from a place of love and genuine care. Basta talaga si Ate Maloi, nararamdaman ko pagiging bunso eh. Kaya rin nababalance ko ang emotions ko kasi may nag-aalaga rin sa akin.
“Kamusta naman, Jho?”
“Okay naman, Ate. Nahihirapan ako mag-isip ng bagong issue. Malapit na mag-June so kailangan may malaking scoop akong mailabas. Tahimik kasi ang bansa ngayon kaya wala akong maisip na scoop.” Totoo naman eh. The country has been thriving and a lot of corrupt politicians have been taken down two years into President Robredo’s term.
“Enough about work for now, Jho. How are you ?” I know Ate Maloi is asking about my overall well-being.
“Okay naman, Ate. Palagi namang okay.” Tipid akong ngumiti sa kanya.
“Hay nako, when it comes to you, I have to spell it out pa talaga. Kamusta si Sheena? Ang paborito kong inaanak? Ikaw, kaya mo pa ba?” Ayan na nga, naging specific na siya. Iniiwasan ko rin kasing mag-kwento ng sobra kasi alam kong tutulungan na naman niya ako. Nakakahiya naman na palagi na lang niya akong tinutulungan. Two weeks ago lang, siya ang nagbayad ng kuryente nina Sheena kasi walang-wala ako.
“Okay lang nga, Ate. Malapit na naman ang sweldo, makakapag-padala na ako kina Shee. Okay lang sila, binabantayan naman din sila ni Gwen. Makakapag-bayad na din ako sa renta.”
“Sabi ko naman sa’yo dun ka na lang sa condo ko. Meron naman akong spare room. Oh bago mo sabihing ayaw mo ng libre, ikaw na magbayad ng Association Fees sa condo.”
“Ate naman, sobra sobra na tulong mo sakin. At anong association fees? Wala pang dalawang libo ‘yun!”
“Ano ba yan, akala ko mauuto na kita. Kapag nagbago isip mo ha, laging bukas ang pinto ng condo ko para sayo. Si Argus ba mag-school na?” Magpa-pasukan na nga pala. Kinder na dapat si Argus.
“Hindi pa, Ate eh. Hindi pa kaya ng budget tsaka walang mag-aasikaso. Nakakahiya naman kay Gwen kung siya pa rin maghahatid-sundo kay Argus.” Si Gwen kasi ang nag-aalaga kay Argus tuwing may pasok si Sheena sa Cafe. Paminsan-minsan, isinasama niya ito sa mga lakad niya, or sa Cafe rin sila tumatambay. Nag-offer naman ang mga magulang ni Gwen na sila muna ang mag-aasikaso kay Argus kasi nga hindi rin healthy para sa kanya na laging nasa Cafe lang. Hindi ako pumayag kasi sobra sobra na rin ang tulong ng pamilya nila sa amin.
“Sabi ko naman sa’yo, ako na ang magpapa-aral kay Argus. Pwede mo rin siyang dalhin dito, para tulungan tayo sa pag-aalaga sa kanya. Flexible naman ang oras natin sa trabaho, tapos ako madalas work from home, pwede.”
“Ate naman. Sobra sobra na ‘yun. ‘Yung naitulong mo samin parang higit sa kalahati ng buhay ni Argus. Nakaka–” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang sumabat siya.
“Tigilan mo ako sa nakakahiya at sa pag-kwenta ng mga naitulong ko sa inyo. Para na kitang kapatid, Jho, Ninang ako ni Argus. Ano bang duties ng Ninang? ‘Di ba maging pangalawang magulang?” Naiiyak na naman ako. Sobrang daming gustong tumulong sa amin, napapaligiran ako ng mga mababait na tao. Pero hindi ko pa rin magawang tanggapin palagi. Nakakahiya, ang hirap maging pabigat sa mga kaibigan ko. Baka iwanan lang din nila ako.
“A-ate naman eh.. sobra sobra na nga ‘yung tulong mo sa amin. Magagawan ko naman siguro ng paraan.”
“Jho, just seriously think about it, please. Kahit si Sheena dalhin mo na din dito, may mahahanap naman siyang trabaho.” Udyok pa nito. Ang hirap, baka hindi ko kayang sustentuhan sila. Pero I know that Ate Maloi won't let this go easily.
“Please, Jho. Wala rin naman akong pinag-gagamitan ng extra kong pera. Bukod sa passive income ko, binibigyan din ako ng girlfriend ko.” Dagdag pa nito. Five years of friendship and I have not met her girlfriend even once. Ang alam ko lang she's working abroad at bihira itong umuwi kaya si Ate Maloi ang bumibisita sa kanya madalas .
“Speaking of girlfriend, kailan ko ba siya mame-meet? Ang tagal tagal na nating magkaibigan.” Please, take the hint, I am trying to divert your attention.
“Hay nako, ayan ka na naman. Pero she's coming home next week, but she's here for business, let's see if I can arrange dinner for the three of us.” She timidly said and lazily slumped her shoulders. Thank God, she let it go.
Ate Maloi dropped me off and as expected, hindi namin naubos ang pagkain. I just know na she's purposely ordering too much food para lang may mai-take out ako. She knows that I won't agree na mag-take out pa kami ng ibang pagkain. I slumped onto the worn-out couch, its frayed fabric familiar yet heavy with the weight of my exhaustion. The cushions cradled me, shaped by countless late nights spent chasing deadlines and searching for extra jobs. As I sank deeper, the echoes of my restless thoughts filled the dim light, a stark reminder of the family I left behind in Laguna. I longed for their laughter, feeling the solitude press in around me. This couch, with its stains and creaks, was my only companion through another sleepless night. It's almost 10pm when I received a call from Sheena.
“Hello? Late na ah, bakit ka napatawag?”
“Kamusta, Ate? Hindi kasi makatulog si Argus. Namimiss ka na daw niya. Heto oh.”
“Hi, Nanay! I miss you! Kailan ka po uuwi?” I heard my son's soft and excited voice, washing away all the exhaustion in my body.
“I miss you too, anak. Kamusta? Baka uuwi si Nanay sa sunod na linggo.” Hindi pa naman sigurado, pero I know na hindi ito makakatulog nang hindi nabibigyan nang maayos na sagot.
“Okay naman po, Nanay. Dinala po ako ni Mama Gwen kanina sa Enchanted Kingdom. Ang ganda po doon! Pwede po ba tayong bumalik doon pag-uwi mo? Tatlong tulog lang ba ‘yun?” I chuckled at my son's antics, he’s very well-spoken for a five year-old.
“Eight na tulog pa, anak. Alam mo naman ‘yun, ‘di ba? Subukan ni Nanay ha, kapag may pera tayo. Sige na, matulog ka na, mahal ka ni Nanay.” My chest clenched as I told him na susubukan. Hindi kasi talaga kaya ng budget.
“I love you, Nanay! Excited na ako!” I sighed and heard him pass the phone to Sheena.
“Ate? Nasa kwarto na si Argus. Sabi ni Gwen, tinanong daw siya ni Argus kanina kung mag-aaral daw ba siya. Nakakita daw sa Mall ng mga batang namimili ng gamit.” I sighed for the nth time tonight, tension building up in my chest.
“Hindi ko pa kaya, Shee. At tsaka wala namang mag-aasikaso sa kanya.”
“Ate naman.. kaya naman namin ni Gwen ‘yun, maayos din naman ang kita ko ngayon kasi malaki na talaga kitaan sa Cafe ngayon.”
“Shee, ipunin mo na lang ‘yan. Para makabalik ka na sa school next year. Bata pa naman si Argus, at tinuturuan niyo naman siya ni Gwen ng mga basics.” Sobrang selfless ng kapatid ko. I never heard her complain and she loves her nephew so much.
“Kaya naman, Ate. At hindi ko pa rin iniisip ang school, ang sarap sarap kumita ng pera eh! Tsaka ganda-gandahan lang ako rito.” Nakuha pa talagang magbiro ng batang ‘to.
“We already talked about this. Kailangan mong tapusin ang pag-aaral mo. Pasensya ka na kung hindi ganoon ang kinikita ko.” Nalulungkot na naman ako. Hindi ‘to deserve ng pamilya ko. Ano bang ginawa ko sa past life ko at ganito ako kapabigat sa mga tao sa paligid ko?
“Oo na, oo na. Ay ate, nga pala, nagpaplano sina Bebe na mag-open ng panibagong branch diyan sa Makati. Inalok niya akong mag-manage noon. Tatanggihan ko sana kasi paano si Argus, sabi naman niya, walang magbabago. Pwede rin naming isama si Argus, para daw malapit na kami sayo. Kumuha sila ng three-bedroom condo para sa amin, staff house daw pero kilala ko si Tita Gerlie, kinuha niya ‘yun para sa atin.” Ha? Sandali, napakaraming nangyayari. Hindi ko na napigilang umiyak. Kanina lang ay inaalok ako ni Ate Maloi na pag-aralin si Argus at kupkupin kami. Ngayon naman ay ang pamilya ni Gwen ang gumagawa ng paraan.
“Ate, umiiyak ka na naman. Sabi ko naman sayo, okay lang tumanggap ng tulong. Hindi man tayo pinagpala sa sarili nating pamilya, pero ang mga kaibigan natin, higit pa sa pamilya ang turing sa atin. Hindi muna kita pipilitin pero pag-isipan mo. Miss na miss ka na namin ni Argus.”
“Sige, pag-usapan natin pag-uwi ko, pilitin ko umuwi next week.”
My heart is so full. Our friends have been nothing but very kind and helpful pero what's happening lately is on a different level. Maybe it's not so bad living this life after all.
It’s just ten in the morning at napatawag na agad ako ng boss ko.
“Robles. Ano na? May naisip ka na bang bagong scoop?” His tone is so serious, almost threatening, not that this is new to me.
“Sir, wala pa po eh. Baka po by Friday.”
“Friday? Two weeks na lang kailangan na nating mag-release ng new issue! Kung wala kang makuha sa mga politiko, mag-entertainment ka!”
“Sir? Hindi ko po ‘yun specialty, wala rin po akong alam sa mga sikat ngayon.” True enough, despite working in a media company, hindi ako aware sa latest trends. Between juggling my time in between commission jobs and running after politicians for an investigation or interview, wala akong time.
“Mamili ka – gagawin mo o mawawalan ka ng trabaho?” I felt my knees go weak as he threatened my position, I can't lose this job.
“S-sir, wag po.. sige po. I will do my best.” Naiiyak kong sabi sa kanya.
“Good, there's a famous model coming home for the first time in three years, I need you to secure an interview with her and feature her story. Everything you need to know is in this folder. And for Pete’s sake, do your research.”
Halos ibato niya na ang folder sakin. Nanghihina pa rin ako. Nakakatakot, hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho. Paano na si Argus? Nakatulala akong bumalik sa table ko. My mind went into a spiral thinking how I could support my family.
I opened the folder mindlessly, and in that instant, my world came crashing down. The model’s name leapt out at me, and I felt a gut-wrenching jolt. It was someone I hadn’t seen in six long years—my rock, my confidant, and the only person I’ve ever truly loved. Memories flooded back, each one sharper than the last. I could almost hear her laughter, feel the warmth of her presence beside me. We had shared everything—dreams, fears, and an unspoken bond that lingered in the air, heavy and unfulfilled. Seeing that name now felt like a cruel twist of fate, a reminder of a love that had always been just out of reach. The ache in my chest deepened as I realized how profoundly her absence affected me, the ghost of what could have been rising to the surface like a wave I couldn’t escape, threatening to drown me in a sea of longing and unreciprocated affection.
Aiah Arceta.
