Work Text:
Ngayon ay isa sa mga pangkaraniwang araw sa Korporasyong Lobotomy. Ata.
Ang manager ay nasa isang hallway hanggang sa lapitan siya ni Tiphereth na babae
Tiphereth na babae: Hoy, Manager, nakita mo ba si Netzach? Apat na araw na at di pa nagsusubmit ng form ang jeje na yan..
Manager: Si Netzach? Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Pero parang nakita ko siya kanina sa lugar ng Pangkat na Kapakanan
Tiphereth na babae: Kay Chesed? Sige, salamat Manager.
Lumakad si TIphereth na babae patungo sa lugar ng Pangkat na Kapakanan at nagtanong siya sa mga empleyado doon kung nasaan ang kanilang Sephirah. Nahanap na rin niya si Chesed na nakasandal sa isang pader habang umiinom ng kape
Tiphereth na babae: Chesed?
Lumingon si Chesed kay TIphereth na babae
Chesed: Ah, TIphereth! Bat ka ngayon dumapo dito?
TIphereth na babae: Hinahanap ko lang si Netzach, at ayon sa manager, nandito siya kanina sa lugar mo.
Chesed: Ahhhhh si Netzach. Oo, nandito siya kanina, naghiram lang ng aking gitara.
Tiphereth na babae: Gitara?
Chesed: Oo beh. Haharanahin niya yata daw si Yesod.
Tiphereth na babae: Ay gago? Marunong pala yan maggitara? At kumanta??
Chesed: Ewan ko nalang beh, hanapin mo nalang sa Departamento ng Impormasyon.
Tiphereth na babae: Sige, salamat nalang Chesed.
Tinaas nang onti ni Chesed ang kanyang baso habang paalis na si Tiphereth na babae
Habang malapit na si Tiphereth na babae sa lugar ng Departamento ng Impormasyon ay nakarinig siya ng tunog ng gitara kasama ang isang boses na napaka-pamilyar sa kanya. Sa huli ay nakita na rin niya si Netzach sa pangunahing lugar ng Departamento ng Impormasyon, hawak gitara at kumakanta. Sa kabilang kanto ng kwarto ay si Yesod, naka cross arms at nagsalubong ang mga kilay habang nanonood niya si Netzach. Nanonood rin si Malkuth sa isa pang kanto malapit sa pintuang pinasukan ni TIphereth na babae. Lumapit siya kay Malkuth habang nagnood rin.
Netzach: AKIN KA NA LAAAAAAAAAANGGGGGGGGGGGG
Mga empleyado ni Netzach: Akin ka na lang~
Netzach: IINGATAN KO ANG PUSO MO
AKIN KA NA LAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAANNNNNNNNNNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG
Sa pagkanta ni Netzach ay sinenyasan si Tiphereth na itakpan ang kanyang mga tenga
Tiphereth na babae: Tangina ano to???
Malkuth: Di mo pa alam? Crush ni Netzach si Yesod mula pa noong ikaunang araw. Hinaharanahin na niya ngayon upang mag-confess. Kahit na sobrang halata kay Yesod na gustong gusto siya ni Netzach...
TIphereth: (Sarcastiko) Sorry na di ako isang Itaas na Palapag na Sephirah at di rin ako nagkikilam sa inyo kung wala namang kaugnay sa trahabo.
Anyway, bat kasama rin mga empleyado niya dito?
Nagshrug nalang si Malkuth habang pinapakinggan ang harana ni Netzach. Pagkatapos ng kanta ay tumayo nalang doon si Netzach habang naghihintay sa ano mang sasabihin ni Yesod
Netzach: O, ano pre? Ano say mo?
Walang sinabi si Yesod, tumingin parin lamang kay Netzach.
Malkuth: UYYY NAGBLUSH SIYA YIEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE
Sumigaw nalang ang mga empleyado ni Netzach at empleyado ni Yesod
Yesod: PUTANGINA MO MALKUTH
Lumingon nang mabilis si Yesod kay Malkuth, mukhang puno ng galit, kahihiyahan at tintang pula. Walang maisabi si Tiphereth na babae dito, habang parehong ngumiti si Malkuth at si Netzach.
Netzach: Uyyyy kinikiling na yan~
Wag kang magaala pre, I love you too. Mwah~💚
Nag-flying kiss si Netzach at nawalan ng malay si Yesod dahil sa sobrang kilig.
Naalala na rin ni TIphereth na babae ang rason kung bakit niya hinahanap si Netzach
Tiphereth: HOOYYYYYY Netzach yung form mo, apat na araw na!
Netzach: Mamaya na beh, I have a princess to carry to bed~
At kinarga ni Netzach si Yesod na pa-princess style at lumakad patungo sa kuwarto niya. Umalis nalang si Tiphereth na babae mula sa bullshittery na ito habang kumikilig parin si Malkuth habang sumusulat sa kanyang clipboard, at mga ibang empleyado
Nakatayo ang Manager sa may pintuan, labis na nagfafacepalm.
Manager: Hindi sapat ang sahod ko para dito.
Angela: May sahod ka?
