AO3 News

Post Header

Published:
2020-09-01 19:24:05 UTC
Original:
Problems logging in to your account?
Tags:

Upang paghusayin ang seguridad at kakayahang panatilihin ang Sisidlan, binago namin ang code para sa sistema ng paglagda sa Archive of Our Own - AO3 (Ating Sariling Sisidlan). Gaya ng aming naunang pahayag, dahil sa pagbabagong ito, natanggal sa pagkakalagda ang lahat ng mga tagagamit. Kung alam mo ang inyong lagda at password, makakalagda kayong muli tulad ng dati. Gayunpaman, narito ang ilang bagay na dapat tingnan kung ikaw ay nahihirapan.

Ginawa mo bang aktibo ang iyong account gamit ang kawing na kasama sa inyong registration confirmation email?

Kung ikaw ay sumali sa AO3 kamakailan at nahihirapang lumagda, siguraduhing ginawa mo nang akitbo ang iyong account! Sa loob ng 24 na oras matapos ang iyong pagsali, dapat kang makatanggap ng email na nagpapatotoo ng rehistrasyon mula sa [email protected], nagbibigay-abiso na gawin mong aktibo ang iyong account gamit ang nakasamang kawing. Karaniwang dumarating kaagad ang email na ito matapos mong likhain ang inyong account, bagama’t maaaring lubhang maantala ang pagdating nito mula sa ilang mga tagapaghatid ng email.

Kapag nagawa mo nang aktibo ang iyong account, makakatanggap ka ng email na nagpapatotoo ng pagiging aktibo mula sa parehong email address: [email protected]. Minsan, naliligaw ang mga email na ito sa pagsasala ng spam o sa awtomatikong pag-uuri ng inbox, kaya siguraduhing binabantayan mo rin ito! Kung hindi ninyo mahanap ang inyong hiling para sa pagiging aktibo o ang inyong email na nagpapatotoo ng pagiging aktibo, at mahigit na sa 24 oras ang nakalipas mula sa iyong pagsali, maaari kayong makipag-ugnayan sa aming komite para sa Tulong upang gawing aktibo ng tagapangasiwa ang iyong account.

Kung sinusubukan ninyong lumagda gamit ang inyong pangalang panlagda, tama ba ito?

Para matiyak kung matatagpuan ang isang lagda at kung ito ay iyo, pumunta sa address bar ng inyong browser at ilagay ang https://archiveofourown.org/users/USERNAME, at palitan ang "USERNAME" gamit ang iyong lagda. Kung matatagpuan ang account, dadalhin ka sa Dashboard (Dashboard) nito. Maaari mo nang siguraduhin na sa iyo ang icon, impormasyon sa profile, o ang mga pampublikong katha o palantandaan sa account na iyon.

Pakitandaan na mga maliliit at malalaking titik mula A hanggang Z, mga numero, at mga salungguhit lamang ang maaaring gamitin sa mga pangalang panlagda.

Kung sinusubukan ninyong lumagda gamit ang inyong email, tama ba ito?

Kung mayroon kayong higit sa isang email address, maaaring makatulong ang pagpunta sa pahina para sa New Password (Bagong Password), ilagay ang inyong email address, at pindutin ang "Reset Password" (Baguhin ang Password). Kung ang hindi nauugnay and email na inyong inilagay sa isang account, makakakita ka ng error message at walang email na ipapadala. Makakatulong ang paggamit ng hakbang na ito sa lahat ng inyong mga email address sa pagtukoy sa email na inyong ginamit para sa inyong AO3 account.

Tama ba ang iyong password?

Kung natiyak mo na tama ang lagda o email na iyong ginagamit para lumagda, maaaring ang password ang problema. Punan ang form sa pahina para sa New Password at papadalhan ka ng kawing para mapalitan ang iyong password.

Kung hindi mo natanggap ang email sa loob ng 24 oras, tingnan ang inyong spam folder o awtomatikong pag-uuri ng inbox. "[AO3] Reset your password" ([AO3] Palitan ang Iyong Password) ang paksa ng email.

Patnugot (28 December, 10:43 UTC): Dahil sa pagbabago sa paraan ng paglilinis ng mga password, kakailanganin mong palitan ang iyong password kung gumamit ito ng simbolong < o >. (Maaari pa ring gamitin ang < at > sa iyong password; kailangan lang itong baguhin para sa aming bagong sistema.)

Kusang inilalagda ba ng iyong browser o password manager ang iyong pangalang panlagda at password?

Kung ginagamit mo ang auto-complete o password manager ng inyong browser upang lumagda sa AO3, maaaring hindi tama ang nakatalagang kombinasyon ng iyong username at password. Para tingnan ito, burahin ang kusang ipinasok na impormasyon at manu-manong ipasok muli ang iyong username at password. Tandaang ipasok ang tamang kombinasyon sa iyong auto-complete o password manager, para maiwasang maulit ang problemang ito.

Nasubukan mo na bang burahin ang mga cookie sa iyong browser?

Minsan, ang mga cookie na may sira o mali ang dahilan ng problema sa paglagda. Maaaring magdulot ang ganitong problema ng error message na nagsasabing hindi tumutugma sa aming mga talaan ang iyong password o username, kahit na tama ito, o ng kalagayan kung saan makakatanggap kayo ng mensahe na matagumpay ang iyong paglagda, ngunit hindi ka tunay na nakalagda.

Para makasigurong hindi nakakasagabal ang inyong mga cookie settings sa pag-akses sa AO3, tiyakin na handang tumanggap ang iyong browser ng mga cookie mula sa AO3 at burahin ang iyong mga cookie bago muling subukang i-akses ang AO3. Bagama’t nag-iiba ang mga panuto para sa pamamahala ng cookie ayon sa browser at browser version, narito ang ilang kawing na makakatulong:

Nasubukan mo na bang ihinto ang iyong mga browser extension at add-on?

Minsan, nakakasagabal sa paglalagda ang mga browser extension o add-on. Para makasigurong hindi hinahadlangan ng iyong mga browser setting ang iyong paglalagda, ihinto ang anumang kaugnay na software na kasama sa iyong browser, gamit ang mga sumusunod na kawing:

Nasubukan mo na bang lumagda gamit ang ibang browser o device?

Kung matagumpay kang nakakalagda gamit ang ibang paraan, marahil may kinalaman ang problemang iyong narararanasan sa iyong browser or device, imbis na sa iyong account. Kung ito ang sitwasyon, hinihikayat kang ipaalam sa amin ang iyong isyu sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Tulong, upang masuri namin ito nang mabuti. Pakitandaang magsama ng detalye tungkol sa (mga) browser at device na iyong sinubukan, pati na sa mismong problema.

Nasubukan mo na ba lahat nang nakalagay sa itaas, ngunit hindi ka pa rin makalagda?

Kung sinubukan mo na ang lahat ng mga hakbang at nahihirapan ka pa ring lumagda, mangyaring gamitin ang form na ito sa pakikipag-ugnayan para direktang makipag-ugnayan sa Tulong.

Huwag ilagay sa mga komento sa paskil na ito ang anumang impormasyon ukol sa iyong account, dahil pampubliko ang lahat ng komentaryo at maaaring makita ng sinumang nakakabasa ng pahinang ito. Tatanggalin ang mga komentong naglalaman ng impormasyon tungkol sa isang account.

Gaya ng dati, pakitandaang magsama ng pinakamaraming posibleng detalye tungkol sa iyong mga partikular na problema, tulad ng mga natanggap na error message at ang pagkakaayos ng iyong browser/device, para sa mabisang pag-troubleshoot. Pakisama rin kung alin sa mga nakalagay sa itaas na hakbang ang inyong nasubukan, para maaari na naming laktawan ang mga iyon.