AO3 News

Post Header

Published:
2024-08-20 01:16:52 UTC
Original:
2024 OTW Election Results
Tags:

Balita Ukol sa Halalan ng OTW

Nais pasalamatan ng Komite ng Halalan ang lahat ng mga kandidato para sa kanilang pagsusumikap sa halalan ngayong taon. Kaya, ikinagagalak naming ibahagi sa inyo ang kinalabasan ng halalan para sa taong 2024.

Opisyal na nahalal ang mga sumusunod na kandidato (na nasa alpabetikal na pagkakaayos) sa Lupon ng mga Tagapangasiwa:

  • Erica Frank
  • Rachel Linton

Pormal na magsisimula ang paglilipat ng tungkulin sa mga bagong miyembro ng Lupon sa ika-1 ng Oktubre. Hangad namin ang kanilang matagumpay na panunungkulan.

Dito nagtatapos ang panahon ng halalan. Maraming salamat sa lahat ng nakibahagi sa pamamagitan ng pagpapakalat ng balita, pagtatanong sa mga kandidato at, siyempre, sa pagboto! Umaasa kami sa inyong muling pakikibahagi sa susunod na taon.


Isang organisasyong di-pangkalakal ang OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) na sumasaklaw sa ilang mga proyekto, tulad ng AO3, Fanlore, Open Doors, TWC, at Ligal na Pagtataguyod ng OTW. Pinapatakbo ang buong organisasyon ng mga boluntaryo at dumepende lamang sa mga donasyon. Maaari niyong alamin ang higit pa tungkol sa amin sa pagbisita sa website ng OTW. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa aming mga boluntaryong tagasalin, na siyang nagsalin ng paskil na ito, maaaring tumungo sa pahina ng Komite ng Pagsasalin.