Archive FAQ > Pag-access ng Mga Hangang-Katha

Anong mga browser ang katuwang sa AO3?

Layunin naming panatilihin ang Archive of Our Own -- AO3 (Ating Sariling Sisidlan) na katuwang sa mga bagong release ng mga karaniwang ginagamit na desktop browser, e-reader, screen reader at mga karaniwang browser ng karamihan sa iOS, Android at Windows na mobile device.

Kung nakikita mong hindi pangkaraniwan ang kilos ng site sa iyong browser, huwag mag atubiling makipag-ugnayan sa Tulong.

May kailangan bang anumang plugin, extension at iba pang kagamitan para maka-browse sa AO3?

Ang ilan sa mga katangian ng Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan) ay hindi gumagana kapag hindi walang JavaScript. Kapag may dinadanas kang paghihirap, kailangan mong tignan kung gumagana ba ang JavaScript. Isa sa mga pangunahing prayoridad namin ay ang pagniniguradong ang mga taong walang JavaScript ay makakagamit pa rin ng mahahalagang katangian ng AO3; gayunpaman, dapat mabatid na sa ilang hindi-gaanong kahalagang katangian, hindi ito posible. Kung gumagana ang JavaScript pero nakikita mong hindi pangkaraniwan ang kilos ng site sa iyong browser, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa Tulong.

Makakagamit ka parin naman ng AO3 nang maayos kahit walang JavaScript, pero may mga tanging katangian--tulad ng Rich text editor--na nangangailangan ng JavaScript ay maaaring hindi gumana nang tama.

Maari ding gamitin ang ilang mga script na nilikha ng mga tagagamit at iba pang kagamitan para baguhin ang iyong karanasan sa site. Nakalista ang mga ito sa FAQ ukol sa mga di-opisyal na Browser Tool.

Paano ko mabubuksan ang mga katha sa AO3?

Upang makita ang mga katha mula sa tiyak na fandom, pumunta sa Works (Mga Katha) na pahina ng fandom na iyon. Sa pahina ng Works ng fandom, maaari mong salain ang mga resulta para makakita ng mga kathang makakakuha sa iyong interes. Sa kabilang dako, gamitin ang search box para manaliksik ng mga tiyak na katha. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pananaliksik, pagsala, at pag-browse ng mga katha sa Archive of Our Own - AO3 (Ating Sariling Sisidlan), sumangguni sa FAQ ukol sa paghanap at pag-browse ng mga Hangang-katha.

Kung makakakita ka ng mga kathang magpapa-interes sa iyo, maaari mo silang buksan sa pamamagitan ng pagpili sa pamagat ng katha, na isang kawing na magdadala sa iyo sa pahina ng katha. Maaari mong buksan ang mga katha direkta mula sa iyong web browser o maaari mo ring i-download ang mga ito para sa pagbasa nito mayamaya. Para sa mga tagubilin kung paano mag-download ng mga katha mula sa AO3, sumangguni sa FAQ ukol sa mga Download.

Paano ko mabubuksan ang mga katha na bahagi ng isang serye? Paano ako magpapalipat-lipat sa maramihang katha ng isang serye?

Ang serye ay isang kabuuan ng mga katha na iniugnay ng lumikha, kadalasan dahil sila’y magkakasunud-sunod o bahagi ng isang karaniwang mundo. Buksan mo ang katha sa serye sa parehong paraan na binubuksan mo ang kathang hindi bahagi ng isang serye. (pumunta sa "How do I access works on AO3?" (Paano ko mabubuksan ang mga katha sa AO3?) para sa karagdagang impormasyon). Gayunpaman, mga katha na bahagi ng isang serye ay may kawing sa pahina ng talatuntunan ng serye, pati na rin ang mga kawing para sa nakaraan o susunod na katha sa serye.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga serye at ang paglipat-lipat sa pagitan ng mga katha sa serye, sumangguni sa aming FAQ ukol sa mga Serye.

Maaari ko bang buksan ang mga kathang may ilang kabanata bilang isang mahabang dokumento?

Oo! Kung ang katha ay nakabukas sa bawat kabanata, piliin ang “Entire Work” (Buong Katha) para makita ang lahat ng kabanata sa isang pahina. Sa pangkaraniwang anyo ng site, makikita ito bilang isang button sa pinakataas ng pahina. Maaari mo ring itakda ang “Entire Work” bilang default view sa iyong Mga Kagustuhan. Para sa mga tagubilin kung paano itakda ito sa iyong kagustuhan, sumangguni saHow can I load entire works rather than going chapter by chapter? (Paano ko maipapakita ang kabuuan ng mga katha sa halip na bawat isang kabanata?)

Maaari bang isa-isa kong basahin ang bawat kabanata ng kathang may ilang kabanata?

Oo! Ang opsyon na ito ang karaniwang nakatakda. Kung ang buong katha ang nasa isang pahina, piliin ang “Chapter by Chapter” (Bawat Kabanata) para makita ang bawat kabanata para sa kathang iyon lamang. Sa karaniwang anyo, ang button na ito ay nasa itaas na bahagi ng katha. Kapag pinili mo ang opsyon na ito, kusang kang dadalhin sa unang kabanata ng katha.

Pagkatapos piliin ang “Chapter by Chapter”, may karagdagang pagpipilian para ma-kontrol ang paglilipat. Ito ay ang "Previous/Next Chapter" (Nakaraan/Susunod na Kabanata) at "Chapter Index" (Indeks ng mga Kabanata). Sa karaniwang anyo ng site, makikita ang dalawa bilang mga button sa itaas ng katha. Ang “Chapter Index” ay isang listahan ng mga kabanata na kasalukuyang nasa katha. Sa karaniwang anyo ng site na gumagamit ng JavaScript, ang “Chapter Index” ay makikita bilang drop-down menu.

Ang Kabuuang Indeks ng mga Kabanata ay maaari ring gamitin, na siyang Indeks ng mga Kabanata na nasa isang pahina. Para makuha ang kabuuang talatuntunan ng mga kabanata, piliin ang “Chapter Index” button, at piliin ang “Full-page Index” (Kabuuang Indeks ng mga Kabanata) button na nasa tabi ng Chapter Index” menu. Alalahanin na ang menu ng Indeks ng mga Kabanata at ang button ng Kabuuang Indeks ng mga Kabanata ay maaari lamang gamitin kung mayroon kang JavaScript. Kung binuksan mo ang site na walang JavaScript, ang button ng Indeks ng mga Kabanata ay magdadala sa iyo sa Kabuuang Indeks ng mga Kabanata imbis na magpakita ng menu.

Para itakda ang “Chapter by Chapter” bilang karaniwang paraan ng pagbasa ng isang katha, pumunta sa iyong Mga Kagustuhan (na inilalarawan sa FAQ ukol sa mga Kagustuhan), pumunta sa seksyon na Display (Ipakita), at alisin ang tsek sa opsyon na "Show the whole work by default" (Kusang ipakita ang Buong Katha), at piliin ang "Update" (Baguhin).

Maaari ko bang alisin ang pasadyang pag-aayos (mga anyo ng katha) sa mga katha?

Oo! Limitado man ang katangiang ito, pinapayagan ang manu-manong pag-code nang limitadong pag-aayos sa kanilang mga katha gamit ang HTML, pero ang mas komplikadong pag-aayos at estilo (iba-ibang font, makulay na teksto, atbp.) ay maaaring gamitin sa pamamagitan ng CSS mula sa anyo ng katha. Para sa impormasyon tungkol sa paglilikha at paggamit ng mga anyo, sumangguni sa FAQ ukol sa mga Anyo at interface ng AO3.

Kung may pasadyang anyo ang katha, maaari itong alisin sa pamamagitan ng pagpili ng "Hide Creator's Style" (Itago ang Estilo ng Manlilikha), na magpapakita ng katha ayon sa itinakdang anyo ayon sa iyong kagustuhan. Sa karaniwang anyo ng site, ang button na "Hide Creator's Style" ay nasa itaas ng pahina. Para alisin ang lahat ng pasadyang CSS anyo, pumunta sa iyong Mga Kagustuhan at piliin ang "Hide work skins (you can still choose to show them)" (Itago ang mga anyo ng katha (maaari pa ring piliing ipakita sila)”.

Kung iyong pipiliin ang "Hide work skins (you can still choose to show them)" (Itago ang mga anyo ng katha (maaari mo pa rin silang ipakita)), kaya mo pa ring ipakita ang mga pasadyang anyo sa isang katha, sa mga iba-ibang katha. Sa isang katha kung saan napawalang-gana ang pasadyang anyo, maaaring piliin ang "Show Creator's Style" (Ipakita ang Estilo ng Manlilikha). Sa karaniwang anyo ng site, makikita ang button na ito sa itaas ng pahina. Kapag pinili ito, ipapakita ang pasadyang anyo ng kathang iyon.

Paano ko masusubaybayan ang mga kathang nais kong buksan sa hinaharap?

Kung ikaw ay lumagda sa iyong account sa Archive of Our Own - AO3 (Ating Sariling Sisidlan), maaari kang magdagdag ng mga katha sa listahan para sa pagbubukas ng mga katha sa hinaharap gamit ang katangiang "Mark for Later" (Markahan para sa Hinaharap). Sumangguni sa FAQ ukol sa Nakaraan at Pagsangmamaya para sa karagdagang impormasyon tungkol dito.

Maaari mo ring gamitin ang Mga Palatandaan para markahan ang mga katha para sa pagbubukas ng mga ito sa hinaharap. Sumangguni sa FAQ ukol sa Mga Palatandaan para sa karagdagang impormasyon tungkol dito.

Para sa karagdagang impormasyon para sa pagkuha ng AO3 account, sumangguni sa aming FAQ ukol sa mga Paanyaya.

Maaari ba akong mag-print mula sa AO3?

Oo! Awtomatikong inaayos ng Archive of Our Own - AO3 (Ating Sariling Sisidlan) ang pahina ng katha para sa pag-print. Pindutin lang ang print function mula sa iyong browser at ang printer-friendly na kaayusan ay awtomatikong gagamitin.

Maaari ba akong mag-download ng mga kathang makikita sa portable device?

Oo! Sumangguni sa aming FAQ ukol sa mga Download.

Paano ako makakakita ng mga kathang nasa ibang wika maliban sa Ingles sa AO3?

Maaari mong salain ang mga katha ayon sa wika na makikita sa pahinang Works para sa partikular na fandom o tag. Maaari mo ring gamitin ang wika bilang kriterion sa paghahanap sa pahina ng Advanced Search. Sumangguni sa FAQ ukol sa paghanap at pag-browse para sa mga detalye.

Saan ako maaaring sumangguni kung sakaling hindi nasagot ang aking katanungan?

Ang mga suliraning kalimitang itinatanong ukol sa Archive of Our Own - AO3 (Ating Sariling Sisidlan) ay sinasagot sa mas malawak na AO3 FAQ at ang ibang karaniwang terminolohiya ay makikita sa Talahuluganan. Ang mga tanong at sagot ukol sa aming mga Palatuntunan ay mahahanap sa Terms of Service FAQ. Maaring naisin mo ring basahin ang aming Known Issues. Kung kailangan mo ng karagdagang tulong, ipaalam lamang sa Support (Tulong).