Ano ang koleksyon?
Ang koleksyon ay isang grupo ng mga katha at/o mga palatandaan na tinipon sa ilalim ng isang tema. Halimbawa, maaari itong maglaman ng mga kathang ginawa para sa hamon, lahat ng mga kathang iyong ipinaskil sa isang partikular na taon, o lahat ng iyong tinandaang rekomendasyon para sa isang partikular na relasyon, tauhan, o fandom. Maaari mo ring pagsamahin ang magkaugnay na mga koleksyon sa pamamagitan ng pagpapangkat-pangkat ng mga ito sa ilalim ng isang parent collection; tingnan ang Paano ako makakagawa ng isang sub-koleksyon? para sa mga panuto.
Pinangangalagaan sa loob ng mga koleksyon ang mga Prompt Meme at mga Palitan ng Handog. Maaari kang makahanap ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga ito sa aming FAQ para saPrompt Meme at Palitan ng Handog.
Para sa mga tagubilin kung paano gumawa ng isang koleksyon, sumangguni sa aming Tsutoryal sa Paggawa ng Isang Koleksyon.
Paano ako makakahanap ng mga koleksyon?
Para mahanap ang listahan ng lahat ng mga koleksyon, piliin ang "Browse" (Tumingin) at pagkatapos ang "Collections" (Mga Koleksyon) sa menu na nasa itaas ng pahina sa kasalukuyang anyo ng site (sa ibaba ng logo ng site). Maaari mo nang paikliin ang listahan gamit ang mga patlang sa form na "Sort and Filter" (Uriin at Salain) na matatagpuan sa kanang bahagi ng pahina sa kasalukuyang anyo ng site o sa pamamagitan ng pagpili sa pindutang "Filters" (Mga Salaan) sa mobile. Mayroon ding pindutang "Open Challenges" (Mga Bukas na Koleksyon) sa kanang itaas ng pahina sa desktop (o sa ibaba ng Mga Koleksyon sa ulunan ng site sa mobile) na maaari mong gamitin upang tingnan ang mga Prompt Meme at Mga Palitan ng Handog.
Kung naghahanap ka ng isang partikular na koleksyon, kabilang na ang mga pag-aari o pinangangasiwaan mo, sumangguni sa Paano ako makakahanap ng isang partikular na koleksyon?
Paano ko mahahanap ang aking mga kathang idinagdag sa isang koleksyon?
Maaari mong mahanap ang lahat ng iyong mga katha na nasa mga koleksyon sa iyong pahina ng "Collected Works" (Mga Nakolektang Katha). Kung nakalagda ka, ipapakita ng pahinang ito ang iyong mga hindi nakalahad at/o kathang anonimo, ngunit hindi ito ipapakita sa ibang mga tagagamit. Upang mapuntahan ang pahinang ito:
- Kapag nakalagda ka, piliin ang "My Works" (Aking Mga Katha) mula sa menu na "Hi, (Mabuhay) [panlagda]!" na nasa itaas ng pahina.
- Piliin ang pindutang "Works in Collections" (Mga Kathang Nasa Mga Koleksyon) na nasa kanang itaas ng pahina sa desktop (o sa ibaba ng heading na "1-20 of # Works by (ika-1 hanggang ika-20 ng # Mga Katha ni) [panlagda]" sa mobile).
Upang mahanap ang lahat ng iyong mga katha na idinagdag o inimbitahan sa mga koleksyon, kabilang na ang mga hindi mo pa naaaprubahan at iyong mga tinanggihan:
- Lumagda at pumunta sa iyong dashboard sa pamamagitan ng pagpili sa pagbating "Hi, (Mabuhay) [panlagda]!" at pagpili sa "My Dashboard" (Aking Dashboard) mula sa menu, o sa pagpili sa larawan ng iyong profile.
- Piliin ang "Collections (#)" (Mga Koleksyon [#]) mula sa menu na matatagpuan sa gilid ng pahina o sa itaas ng mobile device.
- Mula sa iyong pahina ng Collections (Mga Koleksyon), piliin ang pindutang "Manage Collected Works" (Pamahalaan ang mga Nakolektang Katha) sa kanang itaas ng pahina sa desktop (o sa ibaba ng heading na "Mga Koleksyon ni [panlagda]" sa mobile).
- Nakatala sa pahina ng "Awaiting Approval" (Naghihintay ng Pag-apruba) ang anumang mga katha na naimbitahan ngunit hindi pa naaaprubahan na maging bahagi ng isang koleksyon
- Upang mahanap ang mga kathang idinagdag sa isang koleksyon, piliin ang pindutang "Approved" (Naaprubahan). Inililista nito ang mga katha o mga palatandaan sa anumang (mga) koleksyon, kabilang na ang mga hindi nakalahad at/o anonimong mga koleksyon.
- Upang mahanap ang mga kathang iyong tinanggihan mula sa mga koleksyon, piliin ang pindutang "Rejected" (Tinanggihan). Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga tinanggihang mga katha, tingnan ang Ano ang kaibahan ng tinanggihan at tinanggal?
Para sa impormasyon kung paano tanggalin o tanggihan ang mga katha mula sa mga koleksyon, sumangguni sa:
- Paano ko aaprubahan o tatanggihan ang isang imbitasyong isali ang aking katha sa isang koleksyon?
- Paano ko matatanggal ang isang katha o palatandaan mula sa isang koleksyon?
Paano ko mahahanap ang aking mga palatandaan na idinagdag sa isang koleksyon?
Upang mahanap ang iyong mga palatandaan na idinagdag sa isang koleksyon:
- Lumagda at pumunta sa iyong dashboard sa pamamagitan ng pagpili sa pagbating "Hi, (Mabuhay) [panlagda]!" at pagpili sa "My Dashboard" (Aking Dashboard) mula sa menu, o sa pagpili sa larawan ng iyong profile.
- Piliin ang "Collections (#)" (Mga Koleksyon [#]) mula sa menu na matatagpuan sa gilid ng pahina o sa itaas ng mobile device.
- Mula sa iyong pahina ng Collections (Mga Koleksyon), piliin ang pindutang "Manage Collected Works" (Pamahalaan ang mga Nakolektang Katha) sa kanang itaas ng pahina sa desktop (o sa ibaba ng heading na "Mga Koleksyon ni [panlagda]" sa mobile).
- Upang mahanap ang mga palatandaan at kathang idinagdag sa isang koleksyon, piliin ang pindutang "Approved" (Naaprubahan).
- Upang mahanap ang mga palatandaan at kathang iyong tinanggihan mula sa mga koleksyon, piliin ang pindutang "Rejected" (Tinanggihan). Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga tinanggihang mga katha, tingnan ang Ano ang kaibahan ng tinanggihan at tinanggal?
Maaari mo ring makita ang iyong mga palatandaang idinagdag sa mga koleksyon, na nakalakip sa iba mo pang mga palatandaan, sa pagpunta sa pahina ng iyong mga palatandaan. Para sa mga tagubilin kung paano mahanap ang pahinang ito, sumangguni sa Paano ko makikita ang aking mga palatandaan?
Paano ko mahahanap ang isang partikular na koleksyon?
Kung sinusubukan mong buksan ang isang koleksyon na ikaw ang nagmamay-ari o namamahala:
- Lumagda at piliin ang "My Collections" (Aking Mga Koleksyon) mula sa "Hi, (Mabuhay) [panlagda]!" menu na nasa itaas ng pahina. Dadalhin ka nito sa isang listahan ng lahat ng mga koleksyon na iyong pagmamay-ari o pinangangasiwaan, kabilang ang anumang mga hamon at sub-koleksyon.
- Kung nasa iyong dashboard ka, maaari mo ring piliin ang "Collections (#)" (Mga Koleksyon [#]) mula sa menu na matatagpuan sa gilid ng pahina o sa itaas ng mobile device.
- Piliin ang koleksyon na nais mong buksan mula sa listahan.
Kung sinusubukan mong buksan ang isang koleksyon na hindi ikaw ang nagmamay-ari o namamahala:
- Piliin ang "Browse" (Tumingin) at pagkatapos ang "Collections" (Mga Koleksyon) sa menu na nasa itaas ng pahina sa kasalukuyang anyo ng site (sa ibaba ng logo ng site).
- Gamitin ang "Sort and Filter" (Uriin at Salain) form upang maghanap ng isang partikular na koleksyon o hamon. Mahahanap mo ito sa kanang bahagi ng screen sa kasalukuyang anyo ng site, o sa pamamagitan ng pagpili sa pindutang "Filters" (Mga Salaan) sa mobile device.
Maaari ka ring maghanap at tumingin ng partikular na mga hamon. Tingnan ang Saan ko mahahanap ang Mga Palitan ng Handog? o Saan ko mahahanap ang mga Prompt Meme? para sa karagdagang impormasyon.
Kung kabilang ang isang katha sa isang koleksyon, mayroon ding kawing para sa koleksyon sa lagom ng katha.
Paano ako makakapaghanap sa loob ng isang koleksyon?
Naglalaman ang dashboard ng isang koleksyon ng hindi lalagpas sa limang katha at limang mga palatandaan. Upang masuri ang iba pang mga katha o palatandaan, piliin ang "Works (#)" (Mga Katha [#]) o "Bookmarked Items (#)" (Mga Bagay na Naka-bookmark) mula sa menu na matatagpuan sa gilid ng pahina o sa itaas ng mobile device. Naglalaman ang mga pahinang ito ng hindi lalagpas sa 20 mga bagay, at maaari mong gamitin ang mga buton para sa paggalugad ng pahina na nasa itaas o ibaba upang maghanap ng iba pa.
Ano ang ibig sabihin kung Bukas o Sarado, Pinangangasiwaan o Hindi Pinangangasiwaan, Hindi Nakalahad, o Anonimo ang isang koleksyon?
- Open (Bukas)
- Bukas ang koleksyon para sa bagong nilalaman. Maaaring idagdag ng sinuman ang mga katha o mga palatandaan sa isang koleksyon.
- Closed (Sarado)
- Sarado ang koleksyon para sa bagong nilalaman. Hindi maaaring magdagdag ng mga katha o palatandaan sa isang koleksyon liban nalang sa mga may-ari o tagapamahala ng koleksyon.
- Moderated (Pinangangasiwaan)
- Tanging ang mga miyembro lamang ng isang koleksyon ang maaaring magdagdag ng mga katha o palatandaan na walang pag-aapruba ng may-ari o tagapamahala. Maaari pa ring magsumite ang kahit sinumang tagagamit ng Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan) ng katha o palatandaan, ngunit dapat itong aprubahan ng mga may-ari o tagapamahala bago ito maging bahagi ng koleksyon.
- Unmoderated (Hindi Pinangangasiwaan)
- Kaagad na isasali sa koleksyon ang nilalamang isinumite sa koleksyong ito.
- Unrevealed (Hindi Nakalahad)
- Nakatago mula sa lahat ng mga tagagamit ang lahat ng mga kathang idinagdag sa isang koleksyon gamit ang setting na ito liban nalang sa manlilikha, mga may-ari at tagapamahala ng koleksyon, at mga tagapamahala ng AO3 site. Madalas itong ginagamit para sa mga Palitan ng Handog kung saan mababasa ang mga handog na katha sa isang partikular na petsa, tulad ng Palitan ng Handog sa Holiday. Mangyaring tandaan na ang pagdaragdag ng isang katha sa isang hindi nakalahad na koleksyon ay nangangahulugan na itatago ang iyong katha hanggang sa mailahad ang koleksyon, at ipapakita sa AO3 na may pamagat na "Mystery Work" (Misteryong Katha), at ang paglalarawang "This is part of an ongoing challenge and will be revealed soon!" (Bahagi ito ng isang nagpapatuloy na hamon at malapit nang ilahad!)
- Anonymous (Anonimo)
- Nakatago mula sa lahat ng mga tagagamit ang mga manlilikha ng lahat ng mga katha na idinagdag sa isang koleksyon gamit ang setting na ito liban nalang sa manlilikha, mga may-ari at tagapamahala ng koleksyon, at mga tagapamahala ng AO3 site. Mangyaring tandaan na ang pagdaragdag ng isang katha sa isang anonimong koleksyon ay nangangahulugan na itatago ang iyong mga sagisag-panulat hanggang ilahad ng koleksyon ang mga manlilikha, at ipapakita sa AO3 na may byline na "Anonymous" (Anonimo). Para sa karagdagang impormasyon sa paghahanap ng mga anonimong katha, sumangguni sa Paano ko mahahanap ang aking mga katha na idinagdag sa isang koleksyon?
Kung binago ang mga setting na ito, tanging ang bagong mga setting lamang ang iiral sa mga kathang idinagdag sa koleksyon pagkatapos ng pagbabago. Walang bisa ang mga pagpipiliang "hindi nakalahad" at "anonimo" sa mga kathang tinandaan sa loob ng koleksyon.
Mangyaring tandaan na ang mga koleksyong anonimo at hindi nakalahad ay hindi nagbibigay ng tiyak na pagka-anonimo. Ang mga may-ari at tagapamahala ng mga koleksyon ay may kakayahang palitan ang kalagayan ng mga katha sa mga koleksyong anonimo at hindi nakalahad. Kung ang isang katha ay tinanggal ng may-ari ng koleksyon, tagapamahala ng koleksyon, o may-ari ng mismong katha mula sa koleksyong anonimo o hindi nakalahad, mawawala rin ang kalagayan nito. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang Paano ko ipapakita ang mga katha o tatanggalin ang pagka-anonimo nila mula sa aking koleksyon? or Paano ko tatanggalin ang isang katha o palatandaan mula sa aking koleksyon?
Paano ako makakagawa ng isang koleksyon?
Upang gumawa ng isang koleksyon:
- Kapag nakalagda ka, pumunta sa iyong dashboard sa pamamagitan ng pagpili sa pagbating "Hi, (Mabuhay) [panlagda]!" at pagpili sa "My Dashboard" (Aking Dashboard) mula sa menu, o sa pagpili sa larawan ng iyong profile.
- Piliin ang "Collections (#)" (Mga Koleksyon [#]) mula sa menu na nasa gilid ng pahina o sa itaas ng mobile device.
- Piliin ang pindutang "New Collection" (Bagong Koleksyon) na nasa kanang itaas ng pahina sa desktop (o sa ibaba ng heading na "Mga Koleksyon ni [panlagda]" sa mobile).
- Punan ang form ng lahat ng detalye ng iyong koleksyon.
- Sumangguni sa aming Tsutoryal sa Paggawa ng Isang Koleksyon para sa mga tagubilin.
- Piliin ang pindutang "Submit" (Isumite).
Maaari ka ring gumawa ng sub-koleksyon sa loob ng mga koleksyon na iyong pinagmamay-ari. Tingnan ang Paano ako makakagawa ng isang sub-koleksyon? para sa karagdagang impormasyon.
Mangyaring maging maingat sa paggawa ng iyong Anonimo o Hindi Nakalahad na koleksyon, at gamitin lamang ang mga setting na ito kung makatuwiran ito para sa layunin ng iyong koleksyon. Hindi lamang maaapektuhan ang anumang kathang idadagdag sa isang koleksyong anonimo o hindi nakalahad sa kung saan ito nakalista sa koleksyong iyon, ngunit sa buong Archive of our Own - AO3 (Ating Sariling Sisidlan). Sumangguni sa Ano ang ibig sabihin kung Bukas o Sarado, Pinangangasiwaan o Hindi Pinangangasiwaan, Hindi Nakalahad, o Anonimo ang isang koleksyon? para sa buong detalye ng mga pagpipiliang ito at ang kanilang mga kahihinatnan.
Paano ko mapapamatnugutan ang isang koleksyon?
Upang mapamatnugutan ang isang koleksyon, pumunta sa iyong pahina ng "Collection Settings" (Settings ng Koleksyon). Kung hindi ka sigurado kung paano makarating sa pahinang ito, sumangguni sa Paano ako makakabalik sa aking pahina ng Settings ng Koleksyon? Mula roon, maaari mong baguhin ang lahat ng mga detalye na iyong itinalaga noong ginawa mo ang koleksyon.
Tandaan na kahit na maaari mong baguhin ang pangalan ng koleksyon sa anumang oras, hindi na gagana ang anumang kawing para sa koleksyon na iyon, sapagkat bahagi ng URL ang pangalan.
Para sa karagdagang impormasyon sa bawat pagpipiliang nasa iyong Settings ng Koleksyon, tingnan ang Tsutoryal sa Paggawa ng Isang Koleksyon.
Paano ako makakabalik sa aking pahina ng "Collection Settings" (Settings ng Koleksyon)?
Upang makarating sa iyong pahina ng "Collection Settings" (Settings ng Koleksyon):
- Lumagda at piliin ang "My Collections" (Aking Mga Koleksyon) mula sa "Hi, (Mabuhay) [panlagda]!" menu na nasa itaas ng pahina. Kung nasa iyong dashboard ka, maaari mo ring piliin ang "Collections (#)" (Mga Koleksyon [#]) sa sidebar ng nabigasyon (na matatagpuan sa itaas ng pahina kapag gumagamit ka ng mobile device).
- Piliin ang koleksyon mula sa ibinigay na listahan upang makarating sa dashboard ng koleksyon na iyon.
- Piliin ang "Collection Settings" (Settings ng Koleksyon) mula sa menu na matatagpuan sa itaas ng pahina, o sa itaas ng mobile device.
Paano ako makakabalik sa aking pahina ng "Challenge Settings" (Settings ng Hamon)?
Upang makarating sa iyong pahina ng "Challenge Settings" (Settings ng Hamon):
- Lumagda at piliin ang "My Collections" (Aking Mga Koleksyon) mula sa "Hi, (Mabuhay) [panlagda]!" menu na nasa itaas ng pahina. Kung nasa iyong dashboard ka, maaari mo ring piliin ang "Collections (#)" (Mga Koleksyon [#]) sa sidebar ng nabigasyon (na matatagpuan sa itaas ng pahina kapag gumagamit ka ng mobile device).
- Piliin ang challenge (hamon) mula sa ibinigay na listahan.
- Piliin ang "Challenge Settings" (Settings ng Hamon) mula sa menu na matatagpuan sa gilid ng pahina, o sa itaas ng mobile device.
Paano ako makapagdaragdag ng mga larawan sa aking koleksyon?
Maaari kang magdagdag ng dalawang uri ng larawan mula sa iyong pahina ng "Collection Settings" (Settings ng Koleksyon): isang ulunan at isang icon.
Makikita ang ulunang larawan sa itaas ng iyong pahina ng koleksyon, tulad ng isang banner. Maaaring isang gif, jpg, jpeg or png ang larawan, ngunit hindi ito mapapangalagaan sa Archive of Our Own - AO3 (Ating Sariling Sisidlan). Samakatuwid, upang maglagay ng ulunan sa iyong koleksyon, kakailanganin mo munang pangalagaan ito sa saanmang site na namamahagi ng larawan. Upang magdagdag ng ulunan, ilagay ang URL ng larawan sa patlang ng "Custom header URL" (Pinasadyang URL ng ulunan). Dapat nagtatapos ang URL sa filetype extension na .jpg
, .jpeg
, .png
, o .gif
. Ipapakita ang larawan sa kung ano ito; puputulin ito kung mas maliit ang screen kaysa sa larawan, at maaaring maulit kung mas malaki ang matitirang puwang kaysa sa larawan.
Isang 100 by 100 pixel na larawang biswal ang icon na kumakatawan sa iyong koleksyon sa AO3. Lalabas ang icon sa iyong pahina ng koleksyon sa ibaba ng ulunang larawan, at sa tabi ng lagom ng iyong mga koleksyon sa tuwing naghahanap ng mga koleksyon ang mga tagagamit. Maaari kang mag-upload ng malalaki o maliliit na larawan, ngunit babaguhin ang laki nito sa 100 by 100 pixels, at mababaluktot ang mga larawang hindi parisukat. Dapat nasa jpg, jpeg, png, o gif na format ang mga larawan.
Upang maglagay ng isang icon, piliin ang buton na katabi, o nasa ibaba, ng pamagat na "Upload a new icon" (Mag-upload ng bagong icon). Nakasalalay ang pangalan ng buton na ito sa iyong browser; halimbawa, maaari itong maging "Browse" (Tumingin) o "Find file" (Maghanap ng file). Hanapin ang iyong ninanais na icon sa iyong device at piliin ito. Tandaan na dapat naka-imbak ang larawan sa iyong device; hindi ka maaaring mag-upload o magkawing ng isang icon na nasa ibang lugar.
Dapat ding sumunod sa Palatuntunan ng Aming Serbisyo patakaran sa Icons ng Tagagamit ang mga icon ng koleksyon, at maaari mong mahanap ang karagdagang impormasyon tungkol dito sa FAQ ng Palatuntunan ng Aming Serbisyo.
Maaari ka ring magdagdag ng alt text para sa iyong icon. Layunin ng alt text na magbigay ng alternatibong teksto para sa larawan. Ipinapaliwanag nito ang nilalaman ng larawan kung hindi nakikita ang larawan, o sa mga tagagamit ng assistive technology. Hanggang 250 simbolo lamang ang alt text ng icon. Mangyaring huwag gamitin ang alt text upang bigyang pagkilala ang manlilikha ng larawan, sapagkat ipapakita sa mga tagagamit ang alt text o ang icon, pero hindi ang dalawa.
Hindi mabibigyang bisa ang mga pagbabagong ito hanggang sa mapili mo ang "Submit" (Isumite) (tuwing gumagawa ng isang bagong koleksyon) o "Update" (Baguhin) (tuwing pinamamatnugutan ang isang umiiral na koleksyon). Nasa bandang ibaba ng pahina ang buton na ito.
Maaari ba akong gumawa ng isang koleksyon ng mga koleksyon?
Maaari kang gumawa ng isang antas ng sub-koleksyon sa loob ng mga koleksyon na iyong pagmamay-ari, ngunit hindi ka makakagawa ng mga sub-koleksyon ng mga sub-koleksyon. Ibig sabihin nito, maaari kang gumawa ng isang herarkiya ng koleksyon na katulad nito:
- Ace Attorney Holiday Fics
- Timeline ng Orihinal na Trilohiya - Araw ng mga Puso
- Timeline ng Orihinal na Trilohiya - Pasko
- Timeline ng Pangalawang Trilohiya - Araw ng mga Puso
- Timeline ng Pangalawang Trilohiya - Pasko
Hindi ka makakagawa ng isang herarkiya ng koleksyon na katulad nito:
- Ace Attorney Holiday Fics
- Timeline ng Orihinal na Trilohiya Holiday Fics
- Orihinal na Trilohiya Araw ng mga Puso
- Orihinal na Trilohiya Pasko
- Timeline ng Pangalawang Trilohiya Holiday Fics
- Pangalawang Trilohiya Araw ng mga Puso
- Pangalawang Trilohiya Pasko
- Timeline ng Orihinal na Trilohiya Holiday Fics
Sumangguni sa Paano ako makakagawa ng isang sub-koleksyon? para sa karagdagang impormasyon.
Paano ako makakagawa ng isang sub-koleksyon?
- Kapag naka-log in ka na, piliin ang "Browse" (Tumingin) at pagkatapos ang "Collections" (Mga Koleksyon) sa menu na nasa itaas ng pahina (sa ibaba ng logo ng site).
- Piliin ang buton ng "New Collection" (Bagong Koleksyon) na malapit sa taas ng pahina.
- Punan ang form ng lahat ng detalye ng iyong koleksyon at ilagay ang pangalan ng iyong punong-koleksyon sa patlang na "Parent collection (that you maintain)" (Punong-koleksyon (na iyong pinangangalagaan)).
- Sumangguni sa aming Tsutoryal: Paggawa ng Isang Koleksyon para sa mga tagubilin.
- Piliin ang buton ng "Submit" (Isumite).
Mangyaring tandaan na dapat kang maging may-ari o tagapangasiwa ng punong-koleksyon upang makagawa ng isang sub-koleksyon. Magiging may-ari at tagapamahala ng mga sub-koleksyon nito ang lahat ng mga may-ari at tagapamahala ng punong-koleksyon.
Kung iiwanan mong blangko ang mga patlang ng Pambungad, FAQ, at Mga Panuntunan kapag gumagawa ng sub-koleksyon, magmamana sila ng impormasyon mula sa punong-koleksyon. Kung hindi mo nais na mangyari ito, maglagay ng ibang impormasyon sa mga patlang na ito, o maglagay ng puwang na hindi nababali (
) upang mapanatiling blangko ang patlang.
Nakakawing ang punong-koleksyon sa menu na nasa dashboard ng koleksyon.
Sino ang maaaring magdagdag ng isang katha sa isang koleksyon?
Nakasalalay ang iyong kakayahang magdagdag ng mga katha sa isang koleksyon sa kung sino ang nagmamay-ari ng mga katha, ng koleksyon, at ng settings ng koleksyon. Maaari mong idagdag ang iyong mga katha sa iyong mga koleksyon, at hindi ka kailanman maaaring mag-imbita ng katha ninuman sa koleksyon na hindi mo pagmamay-ari o pinangangasiwaan. Gayunpaman, maaari mong idagdag ang kanilang mga katha bilang isang palatandaan. Tingnan ang Sino ang maaaring magdagdag ng palatandaan sa isang koleksyon? para sa karagdagang impormasyon.
Nakasalalay ang pagdaragdag ng iyong mga katha sa isang koleksyon na hindi mo pagmamay-ari o pinangangasiwaan sa settings ng koleksyon, na maaari mong mahanap sa lagom ng koleksyon o malapit sa itaas ng dashboard nito. Tingnan ang Ano ang ibig sabihin kung ang isang koleksyon ay Bukas o Sarado, Pinangangasiwaan o Hindi Pinangangasiwaan, Hindi Nakalahad, o Anonimo? para sa karagdagang impormasyon sa mga settings na ito.
Kung nagmamay-ari o nangangasiwa ka ng isang koleksyon:
Maaari kang mag-imbita ng mga katha sa isang koleksyong iyong pagmamay-ari o pinangangasiwaan, kahit na sarado ang koleksyon. Hindi ka maaaring magdagdag ng mga kathang hindi mo pagmamay-ari sa mga anonimo at/o hindi nakalahad na koleksyon.
Kung pagmamay-ari mo ang mga katha, kaagad na idadagdag sila sa koleksyon.
Kung pagmamay-ari ng ibang tao ang mga katha at pinagana ng kanilang manlilikha ang kagustuhang "Automatically agree to your work being collected by others in the Archive" (Awtomatikong sumang-ayon na kokolektahin ng tagagamit ng Sisidlan ang iyong katha) ay kaagad din silang idadagdag sa isang koleksyon. Kung hindi nila pinagana ang kagustuhang ito, makakatanggap sila ng email tungkol sa imbitasyon at maaari nilang aprubahan o tanggihan ito.
Kung hindi ka nagmamay-ari o nangangasiwa ng isang koleksyon:
Maaaring magdagdag ng kanilang mga katha ang kahit sino sa anumang bukas na koleksyon. Kung pinangangasiwaan ang koleksyon at hindi ka isang aprubadong miyembro ng koleksyon na iyon, mangangailangan ng pag-apruba ng tagapangasiwa ang mga katha. Maaaring maisali sa isang koleksyon ang iyong mga katha kung inimbitahan sila ng may-ari o tagapangasiwa ng isang koleksyon. Sumangguni sa Paano ko aaprubahan o tatanggihan ang isang imbitasyong isali ang aking katha sa isang koleksyon
Maaari mo ring payagang awtomatikong aprubahan ang pagdagdag sa mga katha sa mga koleksyon. Para sa impormasyon kung paano paganahin o huwag paganahin ang kagustuhang ito, sumangguni sa Paano ko mapapayagan ang iba na idagdag ang aking mga katha sa isang koleksyon nang hindi laging kailangan ng kumpirmasyon? Mangyaring tandaan na gagana lamang ito sa mga koleksyong hindi anonimo o hindi nakalahad. Ikaw lamang ang maaaring magdagdag ng iyong mga katha sa mga anonimo at/o hindi nakalahad na koleksyon.
Maaaring magtanggal ng isang katha mula sa isang koleksyon sa anumang oras ang manlilikha ng katha at ang tagapangasiwa ng koleksyon. Sumangguni sa Paano ko matatanggal ang isang katha o palatandaan mula sa isang koleksyon? para sa karagdagang impormasyon.
Paano ako makakapagdagdag ng katha sa isang koleksyon?
Upang madagdag ang iyong sariling katha sa isang koleksyong iyong pagmamay-ari o pinangangasiwaan:
- Piliin ang buton ng "Edit" (Pamatnugutan) mula sa pahina ng katha, at mag-scroll pababa sa seksyong "Associations" (Mga Kaugnayan).
- Ilagay ang pangalan ng koleksyon sa patlang ng "Post to Collections / Challenges" (Magpaskil sa Mga Koleksyon / Mga Hamon). Maaari mong simulang ilagay ang pangalan ng koleksyon, at mapupuno ng mga koleksyon na maaari mong pagpilian ang autocomplete na listahan. Maaari mong idagdag ang katha sa maraming mga koleksyon
- Piliin ang "Post" (Magpaskil) upang mapabisa ang mga pagbabago. Awtomatikong idadagdag sa koleksyon ang iyong katha.
Upang madagdag ang iyong sariling katha sa koleksyon ng iba:
- Piliin ang buton ng "Edit" (Pamatnugutan) mula sa pahina ng katha, at mag-scroll pababa sa seksyong "Associations" (Mga Kaugnayan).
- Ilagay ang pangalan ng koleksyon sa patlang ng "Post to Collections / Challenges" (Magpaskil sa Mga Koleksyon / Mga Hamon). Maaari mong simulang ilagay ang pangalan ng koleksyon, at mapupuno ng mga koleksyon na maaari mong pagpilian ang autocomplete na listahan. Maaari mong idagdag ang parehong katha sa maraming mga koleksyon
- Piliin ang "Post" (Magpaskil) upang mapabisa ang mga pagbabago.
- Kung hindi pinangangasiwaan ang koleksyon o miyembro ka ng koleksyon, awtomatikong idadagdag dito ang iyong katha.
- Kung pinangangasiwaan ang koleksyon at hindi ka isang miyembro, kailangang maaprubahan ang iyong katha bago maidagdag sa koleksyon.
Upang madagdag ang katha ng ibang tao sa isang koleksyong iyong pagmamay-ari o pinangangasiwaan:
- Mag-scroll sa dulo ng katha o kabanata, at piliin ang buton "Add To Collections" (Idagdag sa Mga Koleksyon).
- Ilagay ang pangalan ng koleksyon sa patlang ng "Collection name(s)" (Mga pangalan ng koleksyon). Maaari mong simulang ilagay ang pangalan ng koleksyon, at mapupuno ng mga koleksyon na maaari mong pagpilian ang autocomplete na listahan.
- Piliin ang (mga) koleksyong gusto mo, pagkatapos ay piliin ang buton ng "Add" (Idagdag). Magre-refresh ang pahina at may mensaheng lalabas upang kumpirmahin na naimbitahan o naidagdag sa iyong koleksyon ang iyong katha.
- Kung pinayagan ng manlilikha ng katha na awtomatikong idagdag ang kanilang mga katha sa mga koleksyon, kaagad na idadagdag ang katha.
- Kung hindi, makakatanggap sila ng isang email na magpapaalam sa kanila na inimbitahan mo ang kanilang katha sa iyong koleksyon, at kakailanganing aprubahan o tanggihan ang imbitasyong ito mula sa kanilang pahina ng "Collection Items" (Mga Bagay sa Koleksyon).
Mangyaring tandaan na hindi ka maaaring magdagdag ng mga katha na hindi mo pagmamay-ari sa mga anonimo at/o hindi nakalahad na koleksyon. Tingnan ang Ano ang ibig sabihin kung ang isang koleksyon ay Bukas o Sarado, Pinangangasiwaan o Hindi Pinangangasiwaan, Hindi Nakalahad, o Anonimo? para sa karagdagang impormasyon sa mga settings na ito.
Hindi mo rin maaaring imbitahan ang katha ninuman sa koleksyong hindi mo pagmamay-ari o pinangangasiwaan. Gayunpaman, maaari mong idagdag ang kanilang mga katha bilang isang palatandaan. Tingnan ang Sino ang maaaring magdagdag ng palatandaan sa isang koleksyon? para sa karagdagang impormasyon.
Para makakuha ng tulong sa pamamahala ng mga imbitasyon para sa pagsali ng iyong katha sa mga koleksyon, sumangguni sa Paano ko mapapayagan ang iba na idagdag ang aking mga katha sa isang koleksyon nang hindi laging kailangan ng kumpirmasyon? at Paano ko aaprubahan o tatanggihan ang isang imbitasyong isali ang aking katha sa isang koleksyon?
Sino ang maaaring magdagdag ng palatandaan sa isang koleksyon?
Maaaring magdagdag ang kahit sino ng sariling mga palatandaan sa anumang bukas na koleksyon. Kung pinangangasiwaan ang koleksyon at hindi ka isang aprubadong miyembro ng koleksyon, kailangan munang payagan ng tagapangasiwa ang palatandaang iyong idinagdag. Awtomatikong idadagdag ang isinumiteng palatandaan ng isang may-ari o tagapangasiwa, kahit na pinangangasiwaan o sarado ang koleksyon. Sumangguni sa Ano ang ibig sabihin kung ang isang koleksyon ay Bukas o Sarado, Pinangangasiwaan o Hindi Pinangangasiwaan, Hindi Nakalahad, o Anonimo? para sa mga kahulugan ng iba't ibang settings ng koleksyon.
Minamana ng mga palatandaan ang settings ng katha, hindi ng koleksyon. Halimbawa, makikita pa rin bilang isang misteryong katha na gawa ni Anonimo ang palatandaan ng isang hindi nakalahad at anonimong katha sa isang nakalahad na koleksyon, at ang isang nailahad na katha sa isang hindi nakalahad at anonimong koleksyon ay nagpapakita ng manlilikha at pamagat ng katha.
Maaaring para sa mga kathang pinapangalagaan sa loob o sa labas ng Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan) ang mga palatandaan, at hindi nangangailangan ng pag-apruba mula sa manlilikha ng katha upang makasali.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga palatandaan, mangyaring sumangguni sa FAQ ng mga Palatandaan.
Paano ako makakapagdagdag ng palatandaan sa isang koleksyon?
Maaari kang magdagdag ng palatandaan sa isang koleksyon kung gumagawa ka o namamatnugot ng palatandaan. Maaari ka ring magdagdag ng kahit anong palatandaan mula sa iyong pahina ng "My Bookmarks" (Aking Mga Palatandaan) para sa isang koleksyon sa pamamagitan ng pagpili sa buton ng "Add to Collection" (Idagdag sa Koleksyon).
Simulang ilagay ang pangalan ng (mga) koleksyon sa patlang ng "Add to Collection" (Idagdag sa Koleksyon) at lilitaw ang isang autocomplete na listahan ng mga pangalan ng koleksyon na maaari mong pagpilian. Piliin ang ninanais mong (mga) koleksyon mula sa listahan, at pagkatapos ay piliin ang "Edit" (Pamatnugutan), "Create" (Gumawa), o "Add" (Idagdag).
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga palatandaan, mangyaring sumangguni sa FAQ ng mga Palatandaan.
Paano ko aaprubahan o tatanggihan ang isang imbitasyong isali ang aking katha sa isang koleksyon?
Kakailanganin mong piliing mag-apruba o tumanggi sa tuwing may mag-iimbita sa iyong katha sa isang koleksyong kanilang pagmamay-ari o pinangangasiwaan. Maaari kang mamili kung awtomatiko mong papayagang idagdag o hindi ang iyong mga katha sa mga koleksyon ayon sa iyong kagustuhan. Tingnan ang Paano ko mapapayagan ang iba na idagdag ang aking mga katha sa isang koleksyon nang hindi laging kailangan ng kumpirmasyon? para sa karagdagang impormasyon.
Kung inimbitahan ng may-ari o tagapangasiwa ng isang koleksyon ang iyong katha na mapabilang sa isang koleksyon at hindi mo itinakda ang awtomatikong pag-apruba, makakatanggap ka ng isang email na magpapaalam sa iyo tungkol sa imbitasyon, maliban na lang kung hindi mo pinagana ang pag-abiso sa pamamagitan ng email sa iyong mga kagustuhan. Para sa karagdagang impormasyon kung paano baguhin ang iyong mga kagustuhan sa pag-aabiso, sumangguni sa Paano ko babaguhin ang paraan ng pagtanggap ko ng mga abiso ukol sa komento?
Upang suriin at tanggapin o tanggihan ang mga imbitasyon sa mga koleksyon,
- Mag-log in at pumunta sa iyong dashboard sa pamamagitan ng pagpili sa pagbating "Hi, (Mabuhay) [panlagda]!" at pagpili sa "My Dashboard" (Aking Dashboard) mula sa menu, o sa pagpili sa iyong profile image.
- Piliin ang "Collections (#)" (Mga Koleksyon [#]) mula sa menu na nasa gilid ng pahina o sa itaas ng mobile device.
- Piliin ang buton ng "Manage Collected Works" (Pamahalaan ang Nakolektang mga Katha) na nasa kanang itaas ng pahina sa desktop (o sa ibaba ng heading na "Mga Koleksyon ni [panlagda]" sa mobile). Nakalista ang anumang kathang naimbitahan ngunit hindi pa naaprubahan sa pahina ng "Awaiting Approval" (Naghihintay ng Pag-apruba).
- Piliin ang "Details" (Mga Detalye) upang maipakita ang kumpletong lagom ng katha.
- Piliin ang menu at piliin ang "Approved" (Naaprubahan) o "Rejected" (Tinanggihan), ayon sa iyong desisyon, at pagkatapos piliin ang buton ng "Submit" (Isumite) na nasa ibaba ng pahina.
Upang baguhin ang isang nakaraang desisyon tungkol sa setting ng pag-aapruba ng isang katha:
- Mag-log in at pumunta sa iyong dashboard sa pamamagitan ng pagpili sa pagbating "Hi, (Mabuhay) [panlagda]!" at pagpili sa "My Dashboard" (Aking Dashboard) mula sa menu, o sa pagpili sa iyong profile image.
- Piliin ang "Collections (#)" (Mga Koleksyon [#]) mula sa menu na nasa gilid ng pahina o sa itaas ng mobile device.
- Piliin ang buton ng "Manage Collected Works" (Pamahalaan ang Nakolektang mga Katha) na nasa kanang itaas ng pahina sa desktop (o sa ibaba ng heading na "Mga Koleksyon ni [panlagda]" sa mobile).
- Piliin ang buton ng "Rejected" (Tinanggihan) o "Approved" (Naaprubahan) na nasa kanang itaas ng pahina sa desktop (o sa ibaba ng heading na "Mga Koleksyon ni [panlagda]" sa mobile).
- Mag-scroll sa kathang nais mong baguhin at piliin ang bago nitong estado mula sa menu na nasa kanan ng buton ng "Details" sa ibaba ng pamagat ng katha, o lagyan ng tsek ang "Remove" (Tanggalin) checkbox at piliin ang "Submit".
Sumangguni sa Ano ang kaibahan ng tinanggihan at tinanggal? para sa karagdagang impormasyon.
Paano ko matatanggal ang isang katha o palatandaan mula sa isang koleksyon?
Kung ikaw ang may-ari o tagapangasiwa ng koleksyon:
- Kapag naka-log in ka, piliin ang "My Collections" (Aking Mga Koleksyon) mula sa "Hi, (Mabuhay) [panlagda]!" menu na nasa itaas ng pahina. Kung nasa iyong dashboard ka, maaari mo ring piliin ang "Collections (#)" (Mga Koleksyon [#]) sa sidebar ng panggagalugad (na matatagpuan sa itaas ng pahina kapag gumagamit ka ng mobile device)
- Piliin ang koleksyon na nais mong pamahalaan mula sa listahan.
- Piliin ang "Manage items" (Pamahalaan ang mga bagay) mula sa menu na nasa gilid ng pahina o sa itaas ng mobile device.
- Gamitin ang mga buton na nasa kanang itaas ng pahina sa desktop (o sa ibaba ng heading na "Items in [Mga Bagay sa] [pangalan ng koleksyon]" sa mobile) upang suriin ang mga bagay na naghihintay ng pag-abruba, naaprubahan na, o tinanggihan.
- Kung nahanap mo na ang katha o palatandaan na nais mong tanggalin sa listahan, piliin ang "Remove" (Tanggalin) checkbox.
- Piliin ang buton ng "Submit" (Isumite) upang mapabisa ang iyong mga pagbabago. Ang (mga) bagay ay kaagad na tatanggalin mula sa koleksyon.
Maaari kang magtanggal ng maraming bagay nang sabay-sabay.
Kung ikaw ang manlilikha ng katha:
- Piliin ang buton ng "Edit" (Pamatnugutan) mula sa pahina ng katha at mag-scroll pababa sa seksyong "Associations" (Mga Kaugnayan).
- Piliin ang pulang (×) sa tabi ng pangalan ng koleksyon na nais mong tanggalin sa tabi ng "Post to Collections / Challenges" (Magpaskil sa Mga Koleksyon / Mga Hamon).
- Piliin ang "Post" (Magpaskil) upang mapabisa ang pagbabago. Kaagad na tatanggalin ang iyong katha mula sa koleksyon.
Kung ikaw ang manlilikha ng palatandaan
- Kapag naka-log in ka, piliin ang "My Bookmarks" (Aking Mga Palatandaan) mula sa "Hi, (Mabuhay) [panlagda]!" menu na nasa itaas ng pahina. Kung nasa iyong dashboard ka, maaari mo ring piliin ang "Bookmarks" (Mga Palatandaan) sa sidebar ng panggagalugad (na matatagpuan sa itaas ng pahina kapag gumagamit ka ng mobile device)
- Piliin ang buton ng "Edit" (Pamatnugutan) sa ibaba ng lagomng katha. Piliin ang pulang (×) sa tabi ng pangalan ng koleksyon kung saan nais mong tanggalin ang palatandaan.
- Piliin ang "Update" (Baguhin) upang mapabisa ang pagbabago. Kaagad na tatanggalin ang palatandaan mula sa koleksyon.
Paano ko ilalahad ang mga katha o tatanggalin ang kanilang pagiging anonimo sa koleksyong pagmamay-ari ko?
Maaari mong ilahad ang mga katha o mga manlilikha para sa buong koleksyon nang sabay-sabay o paisa-isa para sa bawat katha.
Upang ilahad ang lahat ng mga katha sa iyong koleksyon:
- Pumunta sa iyong pahina ng "Collection Settings" (Settings ng Koleksyon) at mag-scroll sa dulo ng seksyong Preferences (Mga Kagustuhan). Kung hindi ka sigurado kung paano makarating sa pahinang ito, sumangguni saPaano ako makakabalik sa aking pahina ng Settings ng Koleksyon?
- Alisin ang tsek sa "This collection is unrevealed" (Hindi nakalahad ang koleksyong ito) at/o "This collection is anonymous" (Anonimo ang koleksyong ito) at pagkatapos piliin ang buton ng "Update" (Baguhin).
Tandaan na kung babalik ka sa iyong pahina ng "Collection Settings" at muling lalagyan ng tsek ang mga pagpipiliang ito, mananatiling nakalahad at hindi anonimo ang lahat ng mga katha na nasa iyong koleksyon. Tanging ang mga bagong katha lamang na idinagdag sa koleksyon pagkatapos paganahin ang setting ang awtomatikong hindi ilalahad o magiging anonimo.
Upang ilahad paisa-isa ang bawat katha:
- Maglog-in at piliin ang "My Collections" (Aking Mga Koleksyon) mula sa "Hi, (Mabuhay) [panlagda]!" menu na nasa itaas ng pahina. Kung nasa iyong dashboard ka, maaari mo ring piliin ang "Collections (#)" (Mga Koleksyon [#]) sa sidebar ng panggagalugad (na matatagpuan sa itaas ng pahina kapag gumagamit ka ng mobile device)
- Piliin ang koleksyon mula sa ibinigay na listahan.
- Piliin ang "Manage items" (Pamahalaan ang mga bagay) mula sa dashboard ng koleksyon na matatagpuan sa gilid ng pahina, o sa itaas ng mobile device.
- Piliin ang buton ng "Approved" (Naaprubahan) na nasa kanang itaas ng pahina sa desktop (o sa ibaba ng heading na "Items in [Mga Bagay sa] [pangalan ng koleksyon]" sa mobile).
- Hanapin ang kathang nais mong baguhin, at lagyan ng tsek o alisin ang tsek sa "Unrevealed" (Hindi Nakalahad) at/o "Anonymous" (Anonimo) checkbox. Maaari mo itong gawin sa maraming mga katha nang sabay-sabay.
- Kung tapos ka na, piliin ang buton ng "Submit" (Isumite) upang mapabisa ang mga pagbabago.
Ano ang kaibahan ng tinanggihan at tinanggal?
Hindi makikita bilang bahagi ng koleksyon at hindi maaaring isumite ulit sa koleksyon ang isang kathang tinanggihan mula sa isang koleksyon. Gayunpaman, maaaring mabago ng taong tumanggi nito (siya man ay ang manlilikha ng katha o ang may-ari o tagapangasiwa ng koleksyon) ang estado nito.
Hindi na nauugnay sa isang koleksyon ang isang kathang tinanggal mula rito at maaaring isumite ulit.
Kung ikaw ang may-ari o tagapangasiwa ng isang koleksyon at gusto mong masuri ang mga tinanggihang katha, tingnan ang Paano ko pamamahalaan ang mga katha o palatandaan na nasa koleksyong pagmamay-ari o pinangangasiwaan ko?
Kung manlilikha ka ng isang katha at gusto mong masuri ang mga imbitasyong iyong tinanggihan, tingnan ang Paano ko aaprubahan o tatanggihan ang isang imbitasyong isali ang aking katha sa isang koleksyon?
Anong mga antas ng pagiging kaanib ang mayroon para sa mga koleksyon?
- Owner (May-ari):
- Mayroong buong akses sa lahat ng aspeto ng koleksyon.
- Moderator (Tagapamahala):
- Mayroong ilang akses sa mga setting ng koleksyon, kasama na ang pag-apruba ng mga bagay na isinumite sa koleksyon.
- Member (Miyembro):
- Walang akses sa mga setting ng koleksyon, ngunit maaaring makapagsumite ng kanilang mga katha sa koleksyon nang walang pag-apruba ng tagapamahala.
- Invited (Inanyayahan):
- Sa kasalukuyan, walang paraan ang isang tagagamit na tumanggap ng paanyaya sa isang koleksyon, kung kaya't ang antas na ito ay kapareho ng wala.
- None (Wala):
- Hindi miyembro ng koleksyon. Ito ang kinikilalang antas ng pagkakaanib para sa sinumang pumili ng "Join" (Sumali) sa isang pinangangasiwaang koleksyon.
Kung nais mong umalis sa isang koleksyong iyong sinalihan, ngunit hindi mo pagmamay-ari o pinamamahalaan, piliin ang "Leave" (Umalis) na pindutan sa dashboard ng koleksyon, na nasa kanang itaas ng pahina sa desktop (o sa ibaba ng ulunan ng [pangalan ng koleksyon] sa mobile). Tingnan ang Paano ko mababago ang aking kaaniban sa koleksyon? para sa karagdagang impormasyon.
Para sa tiyak na impormasyon ukol sa mga pahintulot ng may-ari at tagapamahala, sumangguni sa Ano ang pagkakaiba ng may-ari at tagapamahala?
Paano ako makakapagdagdag ng mga miyembro sa aking koleksyon?
Upang magdagdag ng mga miyembro sa iyong koleksyon:
- Pumunta sa dashboard ng iyong koleksyon:
- Kapag nakalagda ka na, piliin ang "My Collections" (Aking Koleksyon) mula sa "Hi, (Mabuhay) [panlagda]!" na menu sa itaas ng pahina. Kung ika'y nasa iyong dashboard, maaari mo ring piliin ang "Collections (#)" (Mga Koleksyon (#)) sa sidebar ng panggagalugad (na matatagpuan sa itaas ng pahina kapag gumamit ka ng mobile device).
- Piliin ang koleksyon na nais mong dagdagan ng mga miyembro.
- Piliin ang "Membership" (Kaaniban) na buton na nasa kanang itaas ng pahina sa desktop (o sa ibaba ng ulunan ng "Items in (Mga bagay na nasa) [pangalan ng koleksyon]" sa mobile).
- Simulang ilagay ang mga panlagda o sagisag-panulat ng iyong mga bagong miyembro sa patlang na nasa ibaba ng ulunan ng pahina. Maaari mong piliin ang wastong tagagamit mula sa autocomplete, o manu-manong ilagay ang kanilang buong panlagda/sagisag-panulat.
- Maaari kang maglagay ng ilang mga tagagamit sa bawat pagkakataon.
- Piliin ang "Submit" (Isumite). Idaragdag ang mga tagagamit bilang mga miyembro ng koleksyon.
Kapag naging miyembro na ang isang tao, maaari mong puntahan ang kanilang pangalan at baguhin ang kanilang permiso sa pag-akses. Piliin ang tungkuling nais mong ilapat mula sa menu na nasa tabi o ibaba ng kanilang pangalan, at piliin ang "Update" (Baguhin) pagkatapos upang pairalin ang pagbabago.
Partikular na kapaki-pakinabang ang pagdaragdag sa isang tao bilang miyembro sa pinangangasiwaang koleksyon, sapagkat hinahayaan nito ang mga miyembro na idagdag ang kanilang mga katha sa koleksyon nang hindi nangangailangan ng pag-apruba ng tagapamahala. Maaari ring idagdag ng mga tagagamit na interesadong maging miyembro ng iyong pinangangasiwaang koleksyon ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagpili sa "Join" (Sumali) na pindutan sa dashboard ng koleksyon. Kapag sumali ang isang tagagamit sa ganitong paraan, inisyal silang bibigyan ng antas ng pag-akses na "Wala" at ang kanilang permiso ay magiging kapareho sa taong hindi miyembro ng koleksyon. Upang maaprubahan silang maging miyembro ng iyong koleksyon, dapat mong baguhin ang kanilang permiso sa pag-akses sa "Miyembro", "Tagapamahala", or "May-ari".
Sumangguni sa Anong mga antas ng pagiging kaanib ang mayroon para sa mga koleksyon? o Ano ang pagkakaiba ng may-ari at tagapamahala? para sa karagdagang impormasyon.
Paano ako makapagdaragdag o makapagtatanggal ng mga tagapamahala o may-ari sa aking koleksyon?
Kailangang maging mga miyembro muna ng iyong koleksyon ang sinumang bagong mga may-ari o tagapamahala. Sumangguni sa Paano ako makakapagdagdag ng mga miyembro sa aking koleksyon? para sa tulong ukol sa pagdaragdag sa kanila.
Kapag naidagdag mo na sila bilang miyembro, maaari kang pumunta sa kanilang pangalan at baguhin ang kanilang permiso sa pag-akses. Piliin ang "Owner" (May-ari) o "Moderator" (Tagapamahala) mula sa menu sa tabi o ibaba ng kanilang pangalan, at piliin ang "Update" (Baguhin) pagkatapos upang pairalin ang pagbabago.
Tanging mga may-ari lamang ang makakapagdagdag ng mga bagong may-ari o tagapamahala. Maaari ring tanggalin ng mga may-ari ang ibang mga may-ari o tagapamahala, kabilang na ang orihinal na may-ari. Maaaring pababain ng tagamapahala ang kanilang mga ranggo, ngunit hindi sila maaaring makapagdagdag ng iba pang mga tagapamahala. Para sa buong listahan ng mga pagkakaiba ng bawat tungkulin, sumangguni sa Ano ang pagkakaiba ng may-ari at tagapamahala?
Ano ang pagkakaiba ng may-ari at tagapamahala?
Ang sinumang mayroong antas na tagapamahala sa pag-akses sa koleksyon ay maaaring:
- magdagdag ng mga miyembro
- magtanggal ng mga miyembro na may akses bilang tagapamahala o pababa
- magpababa ng ranggo ng mga tagapamahala (ngunit hindi magpataas ng ranggo)
- magbigay paanyaya ng mga katha sa koleksyon
- magsuri (tumanggap, tumanggi, magtanggal) ng mga isinumite
Ang sinumang mayroong antas na may-ari sa pag-akses ay mayroong kaparehong permiso nang sa tagapamahala at maaari ring:
- patnugutan ang mga setting ng koleksyon (kabilang na ang paglalahad ng mga katha at ng mga manlilikha, at mga setting para sa anumang hamon na pinangangalagaan sa loob ng koleksyon)
- magdagdag, magtanggal, at magtakda ng mga permiso sa pag-akses para sa lahat ng mga miyembro (kabilang na ang orihinal na may-ari)
- burahin ang koleksyon
Sumangguni sa Paano ako makakapagdagdag ng mga miyembro sa aking koleksyon? para sa impormasyon ukol sa pagbabago ng mga permiso sa pag-akses.
Paano ko mapapatnugutan ang antas ng pag-akses ng isang miyembro, o tanggalin sila mula sa aking kolekston?
Upang mapatnugutan ang antas ng pag-akses ng isang miyembro, o tanggalin sila mula sa isang koleksyon:
- Pumunta sa dashboard ng koleksyon:
- Kapag nakapaglagda ka na, piliin ang "My Collections" (Aking Koleksyon) mula sa "Hi, (Mabuhay) [panlagda]!" na menu sa itaas ng pahina. Kung ika'y nasa iyong dashboard, maaari mo ring piliin ang "Collections (#)" (Mga Koleksyon (#)) sa sidebar ng panggalugad (na matatagpuan sa itaas ng pahina kapag gumamit ka ng mobile device).
- Piliin ang koleksyon na nais mong pamatnugutan ang mga miyembro.
- Piliin ang "Membership" (Kaaniban) na pindutan na nasa kanang itaas ng pahina sa desktop (o sa ibaba ng ulunan ng "Items in (Mga bagay na nasa) [pangalan ng koleksyon]" sa mobile).
- Kung nais mong baguhin ang kanilang permiso sa pag-akses sa ibang antas, hanapin ang kanilang pangalan at piliin ang tungkuling nais mong ilapat mula sa menu sa tabi o ibaba nito. Piliin ang "Update" (Baguhin) upang pairalin ang pagbabago. Sumangguni sa Anong mga antas ng pagiging kaanib ang mayroon para sa mga koleksyon? para sa karagdagang impormasyon ukol sa mga antas ng pag-akses.
- Kung nais mo silang tanggalin mula sa koleksyon nang tuluyan, piliin ang "Remove" (Tanggalin) na buton katabi ng kanilang pangalan at piliin ang "OK" pagkatapos mula sa kahon ng kumpirmasyon.
- Hindi mo maaaring tanggalin ang natatanging may-ari ng koleksyon.
Paano ko mababago ang aking kaaniban sa koleksyon?
Upang sumali sa isang pinangangasiwaang koleksyon, pumunta sa dashboard na pahina ng koleksyon at piliin ang "Join" (Sumali) na buton na nasa kanang itaas ng pahina sa desktop (o sa ibaba ng ulunan ng "Items in (Mga bagay na nasa) [pangalan ng koleksyon]" sa mobile). Isasapubliko ang iyong mga sagisag-panulat sa Mga Tao na pahina, na nakakawing mula sa dashbard ng koleksyon; gayunpaman, upang magkaroon ka ng mga pribilehiyo sa pagpapaskil sa loob ng koleksyon, kailangangang baguhin ng may-ari o tagapamahala ang iyong antas ng pag-akses sa "Member" (Miyembro). Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga antas ng pag-akses, sumangguni sa Anong mga antas ng pagiging kaanib ang mayroon para sa mga koleksyon?
Nabibigyan lamang ng mga pribilehiyo ang pagiging miyembro ng isang koleksyon kung isa kang may-ari o tagapamahala, o kung pinangangasiwaan ang koleksyon. Hindi ka maaaring sumali sa isang hindi pinangangasiwaang koleksyon, ngunit maaari kang anyayahan ng may-ari ng koleksyon na pamahalaan ito.
Kung isa kang miyembro, maaari mong iwanan ang isang koleksyon sa pagpili sa "Leave" (Umalis) na buton sa dashboard ng koleksyon, na nasa kanang itaas ng pahina sa desktop (o sa ibaba ng ulunan ng [pangalan ng koleksyon] sa mobile).
Kung isa kang may-ari o tagapamahala, maaari kang umalis sa koleksyon anumang oras o baguhin ang iyong pang-kaaniban na akses sa isang mababang antas, maliban na lamang kung ikaw ang tanging may-ari ng koleksyon. Sumangguni sa Paano ko mapapatnugutan ang antas ng pag-akses ng isang miyembro, o tanggalin sila mula sa aking koleksyon? para sa karagdagang impormasyon
Paano ko pangangasiwaan ang mga katha o palatandaan sa isang koleksyon na aking pagmamay-ari o pinamamahalaan?
Upang pangasiwaan ang mga katha at/o palatandaan na nasa iyong koleksyon:
- Lumagda at piliin ang "My Collections" (Aking Koleksyon) mula sa "Hi, (Mabuhay) [panlagda]!" na menu sa itaas ng pahina. Kung ika'y nasa iyong dashboard, maaari mo ring piliin ang "Collections (#)" (Mga Koleksyon (#)) sa sidebar ng panggalugad (na matatagpuan sa itaas ng pahina kapag gumamit ka ng mobile device).
- Piliin ang koleksyon mula sa ibinigay na listahan.
- Piliin ang "Manage Items" (Pangasiwaan ang mga Bagay) mula sa dashboard ng koleksyon na matatagpuan sa gilid ng pahina, o sa itaas kung nasa mobile device. Karaniwang dadalhin ka nito sa isang pahina na inililista ang lahat ng mga bagay na naghihintay ng pag-aapruba ng tagapamahala upang makasali sa koleksyon.
- Piliin ang "Invited" (Inanyayahan) na buton na nasa kanang itaas ng pahina sa desktop (o sa ibaba ng ulunan ng "Items in (Mga bagay na nasa) [pangalan ng koleksyon]" sa mobile) para sa listahan ng lahat ng kathang inanyayahan sa koleksyon at kasalukuyang naghihintay ng pag-aapruba ng manlilikha.
- Maaari mo ring piliin ang mga "Rejected" (Tinanggihan) at "Approved" (Tinanggap) na buton upang suriin ang mga bagay na iyo nang napagdesisyunan.
- Hanapin ang bagay na nais mong ibahin at piliin ang panibago nitong estado. Maaari mo itong gawin sa maramihang katha sa bawat pagkakataon.
- Upang tanggapin o tanggihan ang isang katha, piliin ang bago nitong estado mula sa menu na nasa kanan ng "Details" (Mga Detalye) na pindutan sa ilalim ng pamagat ng katha.
- Upang tanggalin ang isang katha mula sa koleksyon, lagyan ng tsek ang kahon ng "Remove" (Tanggalin).
- Upang baguhin ang estado ng isang katha sa isang hindi inilahad o anonimong koleksyon, lagyan o alisin ang tsek sa mga kahon ng "Unrevealed" (Hindi Inilahad) o "Anonymous" (Anonimo).
- Piliin ang "Submit" (Isumite) upang pairalin ang iyong mga pagbabago.
Para sa karagdagang impormasyon sa kung tatanggihan o tatanggalin ang isang bagay sa koleksyon, sumangguni sa Ano ang pagkakaiba ng tinanggihan at tinanggal?
Paano ko malalaman kung mayroong idinagdag na bagay ang isang tao sa isang koleksyon na aking pagmamay-ari o pinamamahalaan?
Maaari mong itakda ang iyong koleksyon upang bigyan ka ng abiso sa tuwing mayroong bagong katha o may palatandaan na nadagdag dito:
- Pumunta sa iyong pahina ng "Collection Settings" (Mga Setting ng Koleksyon). Kung hindi ka sigurado kung paano pumunta sa pahinang ito, sumangguni sa Paano ako makababalik sa aking pahina ng Mga Setting ng Koleksyon?
- Sa Ulunan na bahagi, ilagay ang email address sa patlang para sa "Collection email" (Email ng koleksyon).
- Mangyaring tandaan na anumang email address na ilalagay mo rito ay ipapakita sa publiko sa mga pahina ng koleksyon, kaya mangyaring iwasan ang paggamit ng iyong personal na email address. Kung nais mong makatanggap ng mga abiso ang iba't ibang tao, kailangan mong lumikha ng pangkalahatang email address o listahan ng koreo at ilagay ang address na iyon dito.
- Pumunta sa bahagi ng Preferences (Mga Kagustuhan) at lagyan ng tsek ang kahon para sa "Send a message to the collection email when a work is added" (Magpadala ng mensahe sa email ng koleksyon kapag may nadagdag na katha) na opsyon.
- Piliin ang "Update" (Baguhin) na buton malapit sa ibaba ng pahina.
Tandaan na kailangan mong magdagdag ng email at lagyan ng tsek ang kahon para sa "Send a message to the collection email when a work is added". Ang paggawa ng isa lamang sa kanila ay hindi magkakaroon ng epekto sa mga abiso ng koleksyon.
Ipinapadala ang mga email para sa Palitan ng Handog, may binigay man na email o wala. Upang malaman ang higit pa tungkol dito, sumangguni sa Anong mangyayari kung hindi ako magbibigay ng email kapag magbubukas ako ng bagong Palitan ng Handog?
Paano ko matitigil ang pagtanggap ng mga abiso tungkol sa mga bagay na idinagdag sa aking koleksyon?
Kung hindi mo na nais makatanggap ng abiso sa tuwing may magdadagdag ng isang katha o palatandaan sa iyong koleksyon:
- Pumunta sa iyong pahina ng "Collection Settings" (Mga Setting ng Koleksyon). Kung hindi ka sigurado kung paano pumunta sa pahinang ito, sumangguni sa Paano ako makababalik sa aking pahina ng Mga Setting ng Koleksyon?
- Pumunta sa bahagi ng Preferences (Mga Kagustuhan) at alisin ang tsek sa kahon para sa "Send a message to the collection email when a work is added" (Magpadala ng mensahe sa email ng koleksyon kapag may nadagdag na katha) na opsyon.
- Piliin ang "Update" (Baguhin) na buton na nasa ibaba ng pahina.
Kung buburahin mo ang email address na nasa patlang para sa "Collection email" (Email ng koleksyon) ng iyong pahina ng Mga Setting ng Koleksyon, matitigil din ang pagtanggap mo ng mga email, nalagyan man ng tsek ang "Send a message to the collection email when a work is added" na opsyon o hindi.
Tandan na magkaiba ang mga abiso para sa koleksyon at sa hamon. Kung isa ring Palitan ng Handog ang iyong koleksyon, makatatanggap ka pa rin ng email sa tuwing nalilikha ang mga potensyal na takda, sa tuwing ipinapadala ang mga takda, at sa tuwing nagde-default ang isang tagagamit sa kanilang mga takda.
Paano ko buburahin ang isang koleksyon?
Upang mabura ang isang koleksyong iyong pagmamay-ari:
- Pumunta sa iyong pahina ng "Collection Settings" (Mga Setting ng Koleksyon). Kung hindi ka sigurado kung paano pumunta sa pahinang ito, sumangguni sa Paano ako makababalik sa aking pahina ng Mga Setting ng Koleksyon?
- Piliin ang "Delete Collection" (Burahin ang Koleksyon) na buton na nasa kanang itaas ng pahina sa desktop (o sa ibaba ng ulunan na "Edit Collection" (Patnugutan ang Koleksyon) sa mobile).
- May lalabas na kahon na magsasabing "Are you sure you want to delete this collection? All collection settings will be lost. (Works will not be deleted.)" (Sigurado ka bang nais mong burahin ang koleksyong ito? Mawawala ang lahat ng mga setting ng koleksyon. (Hindi mabubura ang mga katha)) Piliin ang "OK" para magpatuloy.
Mangyaring tandaan na isa itong permanenteng aksyon. Walang paraan upang maibalik sa dati ang isang naburang koleksyon.
Kung nangangalaga ang iyong koleksyon ng isang Prompt Meme o Palitan ng Handog, kailangan mo munang burahin iyon. Sumangguni sa Paano ko mabubura ang isang Prompt Meme? o Paano ko mabubura ang isang Palitan ng Handog? upang malaman kung paano ito gawin.
Ang pagbura sa parent collection ay hindi bubura ng anumang sub-koleksyon; gayunpaman, hindi na mapagsasama-sama ang mga sub-koleksyon. Ang pagbura sa isang koleksyon ay hindi rin bubura ng anumang mga kaugnay na katha o palatandaan.
Saan ako maaaring sumangguni kung sakaling hindi nasagot ang aking katanungan?
Kung nangangailangan ka ng gabay sa isang tiyak na bahagi ng paglikha ng koleksyon o hamon, mangyaring tingnan ang:
- Tsutoryal: Paglikha ng Isang Koleksyon
- FAQ ng Palitan ng Handog
- Tsutoryal: Pagpapatakbo ng Palitan ng Handog sa AO3
- FAQ ng Prompt Meme
- Tsutoryal: Pagpapatakbo ng Prompt Meme sa AO3
- FAQ ng mga Hanay ng Tag
Sinasagot ang mga madalas na katanungan ukol sa Archive of Our Own - AO3 (Ating Sariling Sisidlan) sa mas malawak na FAQ ng AO3, at makikita ang iba pang karaniwang terminolohiya sa Talahuluganan. Mahahanap sa FAQ ng Palatuntunan ng Aming Serbisyo ang mga katanungan at kasagutan tungkol sa aming mga Palatuntunan. Maaari mo ring basahin ang aming Mga Kilalang Isyu. Para matulungan ka sa iyong hamon na hindi nabanggit dito sa mga FAQ o sa mga Tsutoryal, mangyaring idagdag ang AO3_Support bilang kapwa may-ari at makipag-ugnayan sa amin pagkatapos, at gagawin namin ang aming makakaya upang matulungan ka.