Ano ang aking Kasaysayan?
Isang tala ang iyong ita mo ang petsa kung kailan mo huling pinuntahan ang katha at kung ilang beses mo itong pinuntahan. Kung ginamit mo ang katangian na "Mark for Later" (Markahan Para Mamaya), ipapakita rin ang komentaryo na "Mark for Later" (Markahan Para Mamaya) na nakapaloob sa panaklong. Mangyaring pumunta sa Ano ang ginagawa ng button na "Mark for Later"? para sa karagdagang impormasyon ukol sa katangiang ito.
Kusang gumagana ang Kasaysayan. Upang itigil ang paggana nito, mangyaring pumunta sa bahaging Miscellaneous (At Iba Pa) sa pahina ng iyong Preferences (Mga Kagustuhan), at tanggalin ang tsek sa checkbox sa tabi ng "Turn on Viewing History" (Paganahin ang Kasaysayan ng mga Kathang Napuntahan Na), at pagkatapos pindutin ang button ng "Update" (Baguhin) sa ibaba ng pahina. Hindi na maitatala ang anumang mga katha na iyong pupuntahan pagkatapos, at hindi na maaring makita ang mga nakalipas na kathang iyong pinuntahan sa iyong Kasaysayan. Tandaan na kasabay nito, hindi na rin magagamit ang katangiang "Mark for Later" (Markahan Para Mamaya) at hindi na rin maaring puntahan ang listahan ng mga kathang iyong minarkahan na Markahan Para Mamaya. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring sumangguni sa FAQ ng mga Kagustuhan.
Saan ko makikita ang aking Kasaysayan?
Kapag nakalagda ka na, piliin ang pagbati ("Hi (Mabuhay), [pangalang panlagda]!") at piliin ang "My History" (Aking Kasaysayan) mula sa menu. Kung nasa pahina ka ng iyong Dashboard (Dashboard), maaari mo ring piliin ang "History" sa sidebar ng nabigasyon (matatagpuan ito sa tuktok ng pahina kapag gamit ang mobile device). Kung mayroong mga katha na nasa listahan na "Marked for Later" (Minarkahan Para Mamaya), maaaring puntahan ang listahan na ito gamit ang button na "Marked for Later" sa pahina ng iyong Kasaysayan. Makikita din ang listahan ng mga kathang iyong minarkahan na Markahan Para Mamaya sa iyong Homepage, at gayundin ang kawing ng "My History". Mangyaring sumangguni sa Ano ang ginagawa ng button na "Mark for Later" (Markahan Para Mamaya)? at sa mga sumusunod na katanungan para sa karagdagang impormasyon ukol sa katangiang ito.
Paano ko mababago ang aking Kasaysayan?
Maaari mong tanggalin ang mga indibidwal na katha mula sa iyong Kasaysayan, ganap na burahin ang buong listahan, o huwag itong paganahin nang tuluyan.
Upang burahin ang listahan ng tuluyan, pumunta sa pahina ng iyong Kasaysayan at piliin ang button ng "Clear History" (Burahin ang Kasaysayan). Tandaan na kapag napindot na ang button hindi na ito maaaring bawiin at mabubura din ang mga katha na nakatala sa listahan ng Marked for Later (Markahan Para Mamaya).
Kusang gumagana ang Kasaysayan. Upang huwag itong paganahin, mangyaring pumunta sa bahaging Miscellaneous (At Iba Pa) sa pahina ng iyong Preferences (Mga Kagustuhan), at i-uncheck ang checkbox sa tabi ng "Turn on Viewing History" (Paganahin ang Kasaysayan ng mga Nakitang Katha), at pagkatapos pindutin ang button ng "Update" (Baguhin) sa ibaba ng pahina. Hindi na maitatala ang anumang mga katha na iyong pupuntahan pagkatapos, at hindi na maaring makita ang mga nakalipas na kathang iyong pinuntahan sa iyong Kasaysayan. Tandaan na kasabay nito, hindi na rin magagamit ang katangiang "Mark for Later" (Markahan Para Mamaya) at hindi na rin maaring puntahan ang listahan ng mga kathang iyong isinama sa Minarkahan Para Mamaya. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring sumangguni sa FAQ ng mga Kagustuhan.
Kung sakaling paganahin mo muli ang iyong Kasaysayan, muli mong makikita ang mga kathang iyong pinuntahan o Minarkahan Para Mamaya. Kung nais mong ganap na tanggalin ang lahat, mangyaring burahin mo muna ang listahan ng mga katha sa iyong Kasaysayan bago mo isara ang katangiang ito.
Paano ko tatanggalin ang mga partikular na katha lamang nang hindi ganap na binubura ang aking Kasaysayan?
Sa pahina ng History (Kasaysayan), hanapin ang katha na nais mong tanggalin at pindutin ang button na "Delete from History" (Burahin ang Kasaysayan) sa lagom ng katha. Kung idinagdag mo ang kathang ito sa iyong listahan ng Marked for Later (Minarkahan Para Mamaya), matatanggal din ito sa listahan kapag binura mo ito sa iyong Kasaysayan.
Maaari ka ring magtanggal ng mga katha mula sa iyong Kasaysayan at sa listahang Markahan Para Mamaya kung lalabas ito sa bahaging "Is it later already?" (Mamaya na ba?) ng iyong Homepage. Upang gawin ito, pindutin ang button na "Delete from History" sa ibaba ng lagom ng katha. Matatanggal ang katha mula sa iyong Kasaysayan at gayundin sa listahan ng Markahan Para Mamaya.
Maaari ba akong maghanap sa loob lamang ng aking Kasaysayan?
Sa ngayon, hindi maaring maghanap sa loob lamang ng iyong Kasaysayan at kasalukuyang walang plano upang magkaroon ng ganitong katangian. Sa halip, maari mong gamitin ang katangian ng iyong browser na maghanap upang makakita ng mga pangunahing salita sa pahina.
Ano ang ginagawa ng button na "Mark for Later" (Markahan Para Mamaya)?
Kapag ginamit mo ang button na "Mark for Later" sa pahina ng isang katha, maidaragdag ang kathang iyon sa iyong listahan ng Mark for Later (Markahan Para Mamaya). Kapag naidagdag na ang katha, mapapalitan ang button ng "Mark as Read" (Nabasa Na).
Isang bahagi ng iyong History (Kasaysayan) ang listahan ng "Marked for Later" na siyang nagbibigay-daan upang mamarkahan ang mga kathang nais mong balikan sa ibang pagkakataon. Tatlong kathang hindi pinili nang sadya ang itatampok sa iyong Homepage, kung nakalagda ka, o maaari ring puntahan ang listahan kung saan man maaring mapuntahan ang iyong Kasaysayan. Mangyaring sumangguni sa Paano ko mapupuntahan ang mga kathang minarkahan ko na Markahan Para Mamaya? para sa karagdagang impormasyon.
Sino ang maaaring pumunta sa aking Kasaysayan o sa listahan ng Markahan Para Mamaya?
Ikaw lamang ang nakakapagbukas ng iyong Kasaysayan at iyong listahan ng Minarkahan Para Mamaya. Walang ibang makakapunta dito, kabilang na ang mga admin.
Paano ko mapupuntahan ang mga kathang minarkahan ko na Markahan Para Mamaya?
Kapag nakalagda ka na, piliin ang pagbati ("Hi (Mabuhay), [pagsasalin ng lumagda]!") at piliin ang "My History" (Kasaysayan) mula sa menu. Kung nasa pahina ka ng iyong Dashboard (Dashboard), maaari mo ring piliin ang "History" sa sidebar ng nabigasyon (matatagpuan ito sa tuktok ng pahina kapag gamit ang mobile device). Mula sa iyong Homepage, maaari mong pindutin ang kawing na "My History" sa bahaging "Is it later already?" (Mamaya na ba ngayon?).
Kapag nasa pahina ka na ng iyong Kasaysayan, pindutin ang button na "Marked for Later" na nasa tuktok ng pahina.
Maari mo ring puntahan ang listahan ng mga kathang iyong minarkahan para basahin sa ibang pagkakataon mula sa iyong Homepage—kung kasali ito sa hindi sadyang pinili na listahan ng "Is it later already?"—sa pamamagitan ng pagpindot sa kawing na nandoon.
Bakit walang button na "Mark for Later" (Markahan Para Mamaya) sa isang katha?
Magagamit lamang ang katangiang markahan ang isang katha na Markahan Para Mamaya, kabilang na ang mga button na "Mark for Later" at "Mark as Read" (Nabasa Na), sa mga katha ng ibang tagagamit kapag nakalagda ka at gumagana ang iyong Kasaysayan (Paano ko papaganahin o hindi papaganahin ang aking Kasaysayan?).
Kapag nakalagda ka at gumagana ang iyong Kasaysayan, maaaring naidagdag mo na ito sa iyong listahan ng Markahan Para Mamaya. Isang madaling paraan upang malaman ito ang pagtingin sa kabanata o sa katha. Kung dati mo na itong idinagdag sa iyong listahan, magkakaroon ng button na "Mark as Read" sa itaas at ibaba ng kabanata/katha.
Bakit wala sa listahan ang isang katha na minarkahan ko para basahin sa ibang pagkakataon?
Hindi agad lilitaw ang mga pagbabago sa iyong listahang Marked for Later (Minarkahan Para Mamaya); maaari itong umabot ng hanggang sa kalahating oras. Balikan muli at maaring naisama na sa listahan ang mga katha.
Paano ko tatanggalin ang isang katha mula sa aking listahan ng Marked for Later (Minarkahan Para Mamaya)?
Upang tanggalin ang isang katha mula sa iyong listahan ng Marked for Later, pumunta sa pahina ng katha at pindutin ang button na "Mark as Read" (Markahang Nabasa Na) sa itaas o sa ibaba ng pahina. Matatanggal ang katha mula sa iyong listahan mula sa iyong listahang Markahan Para Mamaya Marked for Later, ngunit mananatili ito sa iyong Kasaysayan. Tandaan na maaaring abutin ng ilang sandali para baguhin ang iyong listahan.
Upang tanggalin ang katha mula sa listahan ng Markahan Para Mamaya atsa iyong Kasaysayan, maaari mong pindutin ang button ng "Delete from History" (Burahin ang Kasaysayan) sa lagom ng katha na nasa pahina ng Markahan Para Mamaya, o sa ibaba ng lagom ng katha sa bahaging "Is it later already?" (Huli na ba?) ng iyong Homepage. Tandaan na kapag tinanggal mo ang katha mula sa iyong listahan ng Markahan Para Mamaya, matatanggal din ito mula sa iyong Kasaysayan, gayundin ang kabaligtaran.
Paano ko buburahin ang Kasaysayan, ngunit pananatilihin ang aking listahan ng Marked for Later (Markahan Para Mamaya)?
Sa ngayon, hindi maaring burahin ang iyong History (Kasaysayan) nang hindi rin mabubura ang iyong listahang Marked for Later, dahil nakakawing ang mga ito sa isa’t isa.
Saan ako maaaring sumangguni kung sakaling hindi nasagot ang aking katanungan?
Ang mga malimit na katanungan ukol sa Archive of Our Own - AO3 (Ating Sariling Sisidlan) ay sinasagot sa mas malawak na AO3 FAQ at ang ibang karaniwang terminolohiya ay makikita sa Talahuluganan. Ang mga katanungan at kasagutan ukol sa aming mga Palatuntunan ay mahahanap sa Terms of Service FAQ. Maari mo ring basahin ang aming Known Issues. Kung kailangan mo ng karagdagang tulong, magsumite ng hiling para sa tulong .