Ano ang isang paanyaya?
Kinakailangan ang mga paanyaya upang makagawa ng isang account sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan). Mayroon itong dalawang anyo: ang isa ay isang kawing, at ang isa ay isang hanay ng mga titik at numero (na kilala bilang token).
Para sa tulong sa kawing na paanyaya, pumunta sa Nakatanggap ako ng isang kawing ng paanyaya. Paano ko ito gagamitin upang makagawa ng account?
Para sa tulong sa token na paanyaya, pumunta sa Paano ko magagamit ang isang paanyaya na hindi isang kawing?
Kung wala kang paanyaya at nais magkaroon ng isa, pumunta sa Paano ako makakakuha ng isang paanyaya?
Bakit hindi ako makagagawa ng isang account nang walang paanyaya?
Gumagamit kami ng sistema ng code sa paanyaya upang lumaki ang Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan) sa isang kontroladong pamamaraan. Kailangan naming dahan-dahanin ang pagdagdag ng bagong mga tagagamit upang hindi lumaki ang bilang ng aming account na lampas sa kung ano ang makakaya ng aming hardware, bandwidth, at pangkat ng tulong. Tinutulungan nito kaming siguruhing nakakakuha ng pinakaposibleng maayos na karanasan ang lahat ng gumagamit ng AO3.
Paano ako makakakuha ng isang paanyaya?
Maaari kang makatanggap ng isang paanyaya mula sa aming awtomatikong pila, o mula sa isang kasalukuyang tagagamit ng Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan) kung mayroon silang maibibigay.
Upang makatanggap ng paanyaya mula sa aming awtomatikong pila, piliin ang "Get Invited!" (Maging Imbitado!) na pindutan sa ibaba ng Maligayang Pagdating na mensahe na nasa aming homepage. Pagkatapos, maaari mo nang ilagay ang iyong email sa listahan ng Kahilingan para sa mga Paanyaya. Ipinapadala ang mga paanyaya base sa unang-makarating, unang-pagsisilbihan na batayan. Para sa karagdagang impormasyon ukol sa estado ng iyong kahilingan ng paanyaya, sumangguni sa Gaano katagal bago ako makatanggap ng isang paanyaya?
Hindi na maaaring humiling ng mga panibagong paanyaya ang mga tagagamit ng AO3 ngunit maaari silang magpadala ng isa mula sa kung anong mayroon sila. Ang bukod dito ay ang mga tagagamit na nagpapatakbo ng isang hamon (sumangguni sa Paano ako makahihiling ng mga paanyaya para sa isang hamon na aking pinapatakbo?).
Dapat lamang mabatid na maaaring makita ng taong magpapadala ng isang paanyaya para sa account ang iyong panlagda sa AO3, maging ang iyong email address. Kung hindi mo nais ibahagi ang impormasyong ito, maaaring mas gugustuhin mong gamitin sa halip ang awtomatikong pila.
Para sa karagdagang impormasyon kung paano makapagpapadala ang isang kasalukuyang tagagamit ng isang paanyaya, sumangguni sa Mayroon na akong account. Paano ko maibibigay ang isang paanyaya sa ibang tao?
Gaano katagal bago ako makatanggap ng isang paanyaya?
Maaari mong mahanap ang impormasyon tungkol sa kasalukuyang bilang ng taong nasa listahan ng naghihintay at kung ilang mga paanyaya ang ipinapadala kada araw sa pahina ng Invite Requests (Kahilingan para sa mga Paanyaya). Matutulungan ka ng impormasyong ito na tantiyahin kung kailan ka makatatanggap ng paanyaya. Dumedepende sa ilang mga kondisyon ang bilang ng ipinapadala naming paanyaya kada araw, kaya maaaring magbago ang pagtatantiya. Upang makapunta sa pahinang ito, buksan ang homepage ng Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan) habang naka-log out, at piliin ang "Get Invited!" (Maging Imbitado!) na pindutan sa ibaba ng Maligayang Pagdating na mensahe.
Maaari mo ring tingnan kung nasaan ka sa listahan. Mula sa pahina ng Kahilingan para sa mga Paanyaya, piliin ang "check your position on the waiting list" (tingnan ang iyong posisyon sa listahan ng naghihintay), ilagay ang email address na iyong ginamit para humiling ng account, at pagkatapos, piliin ang "Look me up" (Hanapin mo ako) na button. Makatatanggap ka ng pagtatantiya sa kung kailan mo matatanggap ang iyong paanyaya ayon sa bilang ng ipinapadala naming mga paanyaya at kung nasaan ka sa pila.
Maaari ba akong gumawa ng donasyon upang makakuha ng paanyaya nang mas mabilis?
Hindi, hindi kami nagbibigay ng mga paanyaya para sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan) kapalit ng mga donasyon. Nakatuon kami sa pagbibigay ng libreng serbisyo sa AO3 para sa sinumang tagahangang nagnanais na gamitin ito, anuman ang kanilang pinansyal na sitwasyon. Kung kaya, kahit na labis kaming nagpapasalamat sa pinansyal na suporta ng mga tagahangang nagbigay ng donasyon sa OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha), hindi ka mas mabilis na makakakuha ng paanyaya sa paggawa nito.
Nakatanggap ako ng isang kawing ng paanyaya. Paano ko ito gagamitin upang makagawa ng account?
Kung nakatanggap ka ng isang kawing ng paanyaya, maaari mong pindutin ang kawing o kopyahin at ipaskil ang buong kawing sa address bar ng iyong browser upang makapunta sa pahina ng Bagong Rehistro.
Kung nakatanggap ka ng paanyaya na hindi isang kawing, pumunta sa Paano ko magagamit ang isang paanyaya na hindi isang kawing?
Paano ko magagamit ang isang paanyaya na hindi isang kawing?
Kung binigyan ka ng isang tagagamit ng isang hanay ng mga titik at numero ngunit hindi isang kawing, pumunta sa address bar ng iyong browser at ilagay ang https://archiveofourown.org/signup/####, papalitan ang "####" ng hanay ng mga titik at numero na ibinigay sa iyo. Dadalhin ka nito sa pahina ng Bagong Rehistro. Para sa karagdagang impormasyon kung paano magpatuloy mula rito, bisitahin ang Paano ako gagawa ng account?
Paano ako makahihiling ng mga paanyaya para sa isang hamon na aking pinapatakbo?
Kailangan ng isang account upang makalahok sa mga palitan ng handog at mga prompt meme na pinapatakbo sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan).
Kung nais mong humiling ng mga account para sa isang hamon na iyong pinapatakbo, mangyaring makipag-ugnayan sa Tulong kalakip ang pangalan ng iyong hamon, ang mga petsa ng pagbubukas at pagsasara ng pagsali, ang account ng may-ari ng hamon upang maipadala ang mga paanyaya, at ang bilang ng mga paanyayang kailangan. Tutugon ang Tulong sa iyong kahilingan kapag nadagdag na ang mga paanyaya sa iyong account. Maaari mo nang maipadala ang mga ito sa iyong mga kalahok sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubilin na nasa Mayroon na akong account. Paano ko maibibigay ang isang paanyaya sa ibang tao?
Mayroon na akong account. Paano ko maibibigay ang isang paanyaya sa ibang tao?
Kung mayroong hindi pa ipinapadalang mga paanyaya ang iyong account, maaari mong ibigay ang mga paanyayang iyon sa ibang tao sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang na nasa ibaba.
Upang magbigay ng isang paanyaya sa ibang tao, kailangan mong:
Lumagda at pumunta sa iyong Dashboard sa pamamagitan ng pagpili sa bati na "Hi, [username]!" (Mabuhay, (panlagda)!) at pagpili sa "My Dashboard" (Aking Dashboard) mula sa menu, o sa pagpili sa iyong larawan ng profile.
Piliin ang "Invitations" (Mga Paanyaya) na pindutan na nasa kanang itaas ng pahina sa desktop (o sa ibaba ng ulunan kasama ng iyong panlagda sa mobile). Dadalhin ka nito sa pahina ng Mga Paanyaya, na magbibigay sa iyo ng buod sa kung gaano karaming mga paanyaya ang mayroon ka.
Mula sa pahina ng Mga Paanyaya, mayroong ilang mga pagpipilian:
- Ilagay ang email address ng taong iyong nais anyayahan, piliin ang code ng paanyaya na inilista sa ibaba (hanggang lima sa iyong mga magagamit na paanyaya ang ililista), at piliin ang "Send Invitation" (Ipadala ang Paanyaya) na pindutan.
- Kopyahin ang URL ng paanyaya at direkta itong ipadala sa taong iyon. Upang magawa ito:
- Piliin ang "Manage Invitations" (Pangasiwaan ang mga Paanyaya) na pindutan na nasa kanang itaas ng pahina sa desktop (o sa ibaba ng ulunan na "Invite a friend" (Anyayahan ang isang kaibigan) sa mobile). Dadalhin ka nito sa isang pahina na magpapakita sa iyo ng estado ng lahat ng mga paanyayang nasa iyong account, kasama na ang mga nagamit na.
- Kopyahin (huwag buksan) ang URL ng anumang hindi nagamit na paanyaya mula sa "copy and use" (kopyahin at gamitin) na bahagi ng teksto. Dedepende sa iyong kompyuter o device kung paano mo ito gagawin:
- Sa Windows na desktop: i-right click ang kawing at piliin ang "copy link" (kopyahin ang kawing) na opsyon (magkakaiba ang pagkakasabi depende sa iyong browser).
- Sa MacOS: mag-ctrl-click sa kawing at piliin ang "kopyahin ang kawing" na opsyon (magkakaiba ang eksaktong salita depende sa iyong browser).
- Sa mobile device: pindutin nang matagal ang kawing at piliin ang "kopyahin ang kawing" na opsyon (magkakaiba ang eksaktong salita depende sa iyong browser).
- Ipaskil ang kawing sa isang chat o pang-teksto na window, email, o ibang kaparaanan para sa komunikasyon, at ipadala ito sa taong iyong aanyayahan. Maaari nilang sundin ang kawing upang sumali para sa isang account.
Bilang alternatibo, maaari mong kopyahin ang token ng paanyaya (ang hanay ng mga titik at numero) at ipadala ito sa taong iyong aanyayahan. Pagkatapos, kailangan nilang sundin ang mga tagubilin sa Paano ko magagamit ang isang paanyaya na hindi isang kawing?
Maaari mong ipadalang muli ang mga paanyaya at baguhin ang nakalakip na email address hangga't hindi pa nagagamit ang paanyaya. Sa pagbabago sa email address, hinahayaan ka nitong gamiting muli ang mga hindi na-angkin na mga paanyaya at ipadala itong muli sa ibang mga tagagamit. Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa Isa akong tagagamit ng AO3. Paano ko mapangangasiwaan ang aking mga paanyaya?
Kung wala kang anumang mga paanyayang magagamit, kailangang humiling ng isang paanyaya ang sinumang nais mong anyayahan sa pahina ng Kahilingan para sa mga Paanyaya. Kahit na may "Request Invitations" (Humiling ng mga Paanyaya) na pindutan sa mga pahina ng Mga Paanyaya at Pangasiwaan ang mga Paanyaya, ang pagpili sa pindutan na iyon ay hindi na magpapasimula ng proseso ng paghiling ng paanyaya. Kung kailangan mong humiling ng mga account para sa isang palitan ng handog o prompt meme na iyong pinapatakbo, pumunta sa Paano ako makahihiling ng mga paanyaya para sa isang hamon na aking pinapatakbo? para sa karagdagang detalye.
Isa akong tagagamit ng AO3. Paano ko mapangangasiwaan ang aking mga paanyaya?
- Lumagda at pumunta sa iyong Dashboard sa pamamagitan ng pagpili sa bati na "Hi, [username]!" (Mabuhay, (panlagda)!) at pagpili sa "My Dashboard" (Aking Dashboard) mula sa menu, o sa pagpili sa iyong larawan ng profile.
- Piliin ang pindutang "Invitations" (Mga Paanyaya) na nasa kanang itaas ng pahina sa desktop (o sa ibaba ng ulunan kasama ng iyong panlagda sa mobile). Dadalhin ka nito sa pahina ng Mga Paanyaya, na magbibigay sa iyo ng buod sa kung gaano karaming mga paanyaya ang mayroon ka.
- Piliin ang pindutang "Manage Invitations" (Pangasiwaan ang mga Paanyaya) na nasa kanang itaas ng pahina sa desktop (o sa ibaba ng ulunan na "Invite a friend" (Anyayahan ang isang kaibigan) sa mobile). Dadalhin ka nito sa isang pahina na magpapakita sa iyo ng estado ng lahat ng mga paanyayang nasa iyong account, kasama na ang mga nagamit na.
Mula sa pahina ng Pangasiwaan ang mga Paanyaya, maaari mong salain ang iyong mga paanyaya ayon sa kanilang kalagayan. Upang magawa ito, piliin ang anuman sa "Unsent (#)" (Hindi Naipadala (#)), "Sent But Unused (#)" (Naipadala Ngunit Hindi Nagamit (#)), "Used (#)" (Nagamit (#)), or "All" (Lahat (#)) na mga pindutan sa itaas na hilera.
Magagamit at maaaring ipamigay ang mga paanyayang inilista sa iyong Hindi Naipadala (#) na pahina. Naglalaman ang Nagamit (#) na pahina ng panlagda, at ang potensyal na email address, ng taong gumawa ng account mula sa paanyaya. Kapag nagamit na ang paanyaya para makagawa ng isang account, hindi na ito magagamit pang muli.
Sa "Sent But Unused (#)" (Naipadala Pero Di Nagamit) na kategorya, maaari mong masuri ang mga hindi nagamit na mga paanyaya at, kung kinakailangan, ibahin o baguhin ang email address ng tatanggap ng paanyaya. Sa pagpili ng token sa kaliwang hanay, dadalhin ka nito sa pahina ng Ipakita ang Paanyaya, na nagpapakita ng impormasyon tungkol sa paanyaya. Upang mabago ang email address, maglagay ng panibagong email sa ibinigay na pang-tekstong kahon at piliin ang "Update Invitation" (Baguhin ang Paanyaya) na pindutan sa kanang ibaba. Maaari mo ring kopyahin ang paanyaya at ipadala itong muli sa tatanggap. Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa Mayroon na akong account. Paano ko maibibigay ang isang paanyaya sa ibang tao?
Saan ako maaaring sumangguni kung sakaling hindi nasagot ang aking katanungan?
Sinasagot ang mga kadalasang katanungan ukol sa Archive of Our Own - AO3 (Ating Sariling Sisidlan) sa mas malawak na FAQ ng AO3, at makikita ang iba pang karaniwang terminolohiya sa Talahuluganan. Mahahanap sa FAQ ng Palatuntunan ng Aming Serbisyo ang mga katanungan at kasagutan tungkol sa aming mga Palatuntunan. Maaari mo ring basahin ang aming Mga Kilalang Isyu. Kung kailangan mo ng karagdagang tulong, mangyaring magsumite ng kahilingan ng tulong.