Ano ang pag-ulila?
Isang alternatibo sa pagtanggal ng isang hangang-katha na hindi mo na nais i-ugnay sa iyong account ang pag-ulila.
Sa pamamagitan ng pag-ulila,
permanenteng maaalis ang lahat ng mga kaugnay na data mula sa napiling (mga) katha. Inaalis ang datos mula sa mismong (mga) katha, at pati na rin ang kanilang mga kabanata, nauugnay na serye, at anumang mga katugunan na maaaring iniwan mo sa katha, na siya namang malilipat sa account ng orphan_account na nilikha ng Archive of Our Own - AO3 (Ating Sariling Sisidlan) para sa layuning ito. Pakitandaan na permanente at hindi na ito maibabalik pa—na ipinapaubaya mo ang pamamahala sa katha, kabilang ang kakayahang i-edit o tanggalin ito, at hindi mo na ito mababawi pa.
Isang paraan ang pag-ulila upang alisin ang ilan o lahat ng iyong mga katha mula sa iyong account nang hindi inaalis ang mga ito mula sa fandom. Umaasa kami na gagamitin mo ang account na orphan_account upang pahintulutang manatili sa AO3 ang iyong mga katha kahit na hindi mo na nais na maugnay sa mga ito, o maiugnay ang mga ito sa iyong account. Papanatilihin ng AO3 ang
mga naulilang katha upang matangkilik pa ito ng mga tagahanga sa hinaharap; hindi tatanggalin ang mga umiiral nang bookmark at mga link.
Para sa karagdagang impormasyon sa pagtanggal ng iyong katha, maaaring pumunta sa < Paano ko tatanggalin ang isang katha?
O para sa impormasyon sa pag-edit ng iyong serye, pumunta sa Paano ako mag-e-edit ng isang serye?
Anong impormasyon ang tinatanggal kapag naulila ang isang katha?
- Aalisin ang iyong lagda at/o sagisag-panulat mula sa byline ng katha at lahat ng mga kabanata nito. li>
- Aalisin ang iyong lagda at/o sagisag-panulat mula sa anumang mga komento na iyong naiwan sa katha. li> ul>
Paano i-ulila ang aking (mga) katha?
Bago ka magpasya na i-ulila ang iyong (mga) katha, mangyaring siguraduhin na alam mo ang mga kahihinatnan ng paggawa nito. Sumangguni sa Ano ang Pag-ulila? para sa karagdagang impormasyon.
Maaari mong:
- I-ulila ang isang solong katha gamit ang buton ng "Orphan Work" (I-ulila ang Katha) mula sa pahina ng Edit (I-edit) ng katha. Para sa karagdagang impormasyon kung paano ito gawin, maaaring pumunta sa Paano ako mag-e-edit ng katha?
- I-ulila ang lahat ng mga katha na naipaskil sa isang serye mula sa pahina ng talatuntunan ng Series (Serye) o pahina ng Edit Series (I-edit ang Serye) gamit ang "Orphan Series" (I-ulila ang Serye) na buton. Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa FAQ sa Serye.
- I-ulila ang lahat ng iyong mga katha gamit ang buton ng "Orphan My Works" (I-ulila ang Aking Mga Katha) sa pahina ng Preferences (Mga Kagustuhan) na nasa iyong Dashboard (Dashboard). Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa FAQ sa Dashboard .
- I-ulila ang lahat ng mga katha na naipaskil sa ilalim ng isang partikular na sagisag-panulat gamit ang buton ng "Ophan Works" (I-ulila ang mga Katha) sa pahina ng Pseuds (Sagisag-Panulat) na nasa iyong Dashboard. Para sa karagdagang impormasyon sumangguni sa FAQ ng Sagisag-Panulat .
Matapos mong piliin kung alin sa iyong (mga) katha ang nais mong i-ulila, mayroon kang dalawang pagpipilian:
- "Take my pseud off as well" (Tanggalin din ang aking sagisag-panulat)
- Ililipat ang katha sa account ng orphan_account, na pinananatili ng Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan), at sa kinikilalang sagisag-panulat na orphan_account. Papalitan ang byline sa katha ng "orphan_account".
- "Leave a copy of my pseud on" (Iwanan ang kopya ng aking sagisag-panulat)
- Ililipat ang katha sa account ng orphan_account, na pinananatili ng AO3, ngunit maglilikha ng isang bagong sagisag-panulat na kaparehas ng sagisag-panulat na ginamit mo upang likhain ang katha. Kung ang orihinal na kinikilalang sagisag-panulat lamang ang ginagamit mo, tutugma ang malilikhang sagisag-panulat sa iyong lagda. Halimbawa: kung nilikha mo ang katha gamit ang sagisag-panulat o lagda na "awesomefangirl", pagkatapos mong i-ulila ito, mapapalitan ang byline ng "awesomefangirl (orphan_account)". Bagama't hindi na nakakawing pabalik sa iyong AO3 account ang nalikhang sagisag-panulat, maaari pa ring makilala ng isang tagagamit ang iyong katha kung mayroon kang natatanging sagisag-panulat.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga sagisag-panulat, mangyaring pumunta sa FAQ ng Sagisag-Panulat.
Paano ko i-ulila ang isang katha na aking ini-akda or nilikha kasama ang ibang tao?
Bago ka magpasya na i-ulila ang iyong (mga) katha, mangyaring siguraduhin na alam mo ang mga kahihinatnan ng paggawa nito. Sumangguni sa Ano ang Pag-ulila? para sa karagdagang impormasyon.
Maaari mong alisin ang iyong sarili bilang isang manlilikha o i-ulila ang katha upang alisin ang kaugnayan nito sa iyong account. Alinman ang iyong pipiliin, hindi maapektuhan ang iyong kapwa manlilikha at mananatili silang kapwa manlilikha ng katha.
Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa Paano i-ulila ang aking mga katha?
Paano i-ulila ang isang katha sa isang serye?
Bago ka magpasya na i-ulila ang iyong (mga) katha, mangyaring siguraduhin na alam mo ang mga kahihinatnan ng paggawa nito. Sumangguni sa Ano ang Pag-ulila? para sa karagdagang impormasyon.
Maaari mong i-ulila ang isang katha ayon sa mga tagubilin sa Paano i-ulila ang aking (mga) katha? —mapapalitan ang byline ng katha ng "orphan_account" o "ang iyong sagisag-panulat (orphan_account) ".
Pakitandaan na hindi matatanggal ang katha mula sa serye—upang gawin ito, dapat mong i-edit ang katha upang alisin ito mula sa serye bago mo ito i-ulila. Sa sandaling naulila na ang iyong katha, hindi mo na maaaring i-edit ito. Kung papanatilihin mong maging bahagi pa rin ng serye ang katha, ililista ang account na orphan_account bilang isa sa mga manlilikhang serye.
Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa Paano ako mag-e-edit ng isang serye?
Paano mababawi ang aking (mga) katha kung sakaling magbago ang aking isipan matapos itong maulila?
Hindi na maari—permanente at hindi na mababawi pa ang pag-ulila. Wala nang paraan para muling ikawing ang iyong katha sa iyong account, at hindi namin ito magagawa para sa iyo. Nananatili ang isang katha na naulila sa Archive of Our Own - AO3 (Ating Sariling Sisidlan) na nakakabit sa account ng orphan_account, at hindi ito maaaring i-edit o tanggalin.
Saan ako maaaring sumangguni kung sakaling hindi nasagot ang aking katanungan?
Ang mga suliraning kalimitang tinatanong ukol sa Archive of Our Own - AO3 (Ating Sariling Sisidlan) ay sinasagot sa mas malawak na FAQ ng AO3 at ang ibang karaniwang terminolohiya ay makikita sa Talahuluganan. Ang mga katanungan at kasagutan ukol sa aming mga Palatuntunan ay mahahanap sa FAQ ng Palatuntunan ng Aming Serbisyo. Maaari mo ring basahin ang aming Mga Known Issues. Kung kailangan mo ng karagdagang tulong, mangyari lamang namagsabi sa Support (Tulong).