Ano ang sagisag-panulat?
Ang Pseud (Sagisag-Panulat) ay ang pinaikling salita para sa pseudonym, o sagisag-panulat. Sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan), ang sagisag-panulat ay alinmang pangalang nauugnay sa iyong account dagdag pa sa iyong panlagda.
May ilang manlilikha na nagpapaskil ng hangang-katha gamit ang iba't ibang pangalan. Hinahayaan ng sagisag-panulat na lipunin ang mga katha nila sa iisang account habang ginagamit pa rin ang orihinal na pangalang kaugnay sa mga kathang iyon. Kaya ring pag-ugnayin ng sagisag-panulat ang iyong mga katha sa AO3 sa pangalang maaaring mas kilala sa ibang mga site, tulad ng iyong Tumblr URL, pangalang panlagda sa Discord o sa Weibo.
Halimbawa: may ilang buwan nang nagpapaskil ng podfic si pat_smith_1996 sa AO3. Ngayon, nais nilang kunin ang kanilang mga hangang-katha mula sa kanilang 14th_doctor_lover na LiveJournal, pati na rin ang ilang mga hangang-katha nila na ipinaskil gamit ang pangalang high_school_drawer_fic sa FanFiction.net. Imbes na gumawa ng dalawa o higit pang mga account upang paglagyan ng kanilang mga katha, maaari silang gumawa ng magkakaibang sagisag-panulat na kaugnay ng kanilang pat_smith_1996 na account. Matapos gawin ang 14th_doctor_lover at high_school_drawer_fic na mga sagisag-panulat, maaaring itakda ng tagagamit na ito na ipakita ang pangalang orihinal na kaugnay ng katha. Kung mayroon mang nais maghanap ng kathang likha ni 14th_doctor_lover sa AO3, maaari nila itong makita kahit pa hindi ito ang pangalang panglada ni pat_smith_1996.
'Di gaya ng pangalang panlagda, hindi kinakailangang maging katangi-tangi ang sagisag-panulat. Maaari mong gamitin ang kahit anong pangalang gusto mo, kahit na pareho ito sa panlagda o sagisag-panulat ng ibang manggagamit ng AO3. Maaari mong piliin kung anong sagisag-panulat ang lalabas sa iyong mga katha, serye, palatandaan, at mga komento. Ang mga pangalan na ito ay magkakaugnay—lahat ng sagisag-panulat mo ay makikita sa iyong profile page. Dagdag pa rito, ang iyong panlagda ay laging makikita sa tabi ng pseud sa ganitong paraan:
Sagisag-Panulat (Panlagda)
Para sa karagdagang impormasyon kung paano pinapakita ang iyong sagisag-panulat Bakit nakikita ko ang aking panlagda sa panaklong sa tabi ng aking sagisag-panulat?
Paano ako magdadagdag ng bagong sagisag-panulat?
Para magdagdag ng bagong sagisag-panulat:
- Mag-log in at pumunta sa iyongdashboard sa pamamagitan ng pagpili ng pagbating "Hi (Mabuhay), [panlagda]" at ng "My Dashboard" (Aking Dashboard) mula sa menu, o sa pamamagitan ng pagpili ng iyong larawang pang-profile.
- Pumunta sa pahina ng iyong mga sagisag-panulat. May dalawang paraan kung paano mo mahahanap ng pahina ng mga sagisag-panulat, depende kung nakagawa ka na ng sagisag-panulat dati:
- Kung ito ang iyong unang sagisag-panulat, piliin ang "Profile" (Profile) mula sa menu na makikita sa gilid ng pahina o sa taas ng mobile device. Matapos nito, piliin ang "Manage My Pseuds" (Pamahalaan ang aking mga Sagisag-Panulat) na makikita sa ilalim ng impormasyon sa iyong profile
- Kung nakagawa ka na ng sagisag-panulat dati, maaari mo ring makita ang pahina ng Sagisag-Panulat sa pamamagitan ng pagpili ng "Pseuds" (Sagisag-Panulat) mula sa menu na mahahanap sa gilid ng pahina o sa taas ng mobile device. May lilitaw na listahan. Piliin ang "All Pseuds (#)" (Lahat ng Sagisag-Panulat) mula sa listahan.
- Piliin ang "New Pseud" (Bagong Sagisag-Panulat) na button, na makikita sa kanang-itaas ng desktop or sa ilalim ng heading na "Pseuds for [your username]" (Sagisag-Panulat para kay [iyong panlagda]) sa mobile. Dadalhin ka sa form para sa Bagong Sagisag-Panulat.
- Tapusin ang form para magawa ang iyong bagong sagisag-panulat:
- Sa form para sa Bagong Sagisag-Panulat, ang kinakailangang sagutin ay ang "Name" (Pangalan) lamang, kung saan mo ilalagay ang pangalan ng iyong bagong sagisag-panulat. Ang sagisag-panulat ay maaaring humigit-kumulang sa 1-40 na titik. Para sa karagdagang impormasyon kung anong titik ang pinapayagan para sa mga sagisag-panulat, sumangguni saAnong mga titik ang maaari kong gamitin sa aking sagisag-panulat?
- Maaari mong piliin ang "Make this name default" (Gawing default ang pangalang ito) na checkbox kung ginugusto mong gamitin ang ginagawa mong sagisag-panulat bilang iyong default na sagisag-panulat. (Sumangguni sa Ano ang default na sagisag-panulat? para sa karagdagang impormasyon.)
- Matapos nito, sa ilalim ng "Description" (Paglalarawan), maaari kang dumagdag ng paglalarawan ng sagisag-panulat para sa iyong bagong sagisag-panulat.
- Huli, maaari kang magdagdag ng icon sa ilalim ng "Upload a new icon" (Mag-upload ng bagong icon). Karagdagang impormasyon ukol sa mga icon ay mahahanap sa FAQ ng Profile, kasama ang Ano ang icon?, Ano ang mga limitasyon ng mga icons?, at Paano mag-upload at mag-iba ng icon?
- Piliin ang "Create" (Gumawa) na button matapos ilagay lahat ng impormasyong nais ibigay sa form.
Anong mga titik ang maaari kong gamitin sa aking sagisag-panulat?
Ang mga sagisag-panulat ay maaaring gumamit ng karamihan sa mga titik at karakter mula sa kahit anong wika, numero, mga underscore, mga space, o mga dash. Ang mga titik at karakter ay maaaring magsama ng dyakritiko tulad ng å, ç, ñ, ȑ, ώ, ӵ. Halimbawa lamang ang mga ito; kahit anong tipo ng dyakritiko ay puwedeng gamitin. Ang mga sagisag-panulat ay dapat may isang titik, karakter, o numero.
Ano ang default na sagisag-panulat?
Ang iyong default na sagisag-panulat ay ang awtomatikong i-uugnay sa iyong mga hangang-katha, komento, at palatandaan, maliban na lang kung pipiliin mong hindi i-ugnay habang pino-post ang mga ito. Kapag gumawa ka ng isang account, ang iyong pangalang panlagda ay ang iyong default na sagisag-panulat, ngunit maaari mong piliin ang anuman sa iyong mga sagisag-panulat bilang default. Sumangguni sa Paano ako magtatalaga ng default na sagisag-panulat? para sa tagubilin.
Ang kahit anong sagisag-panulat na 'di mo paglagda ay makikita sa iyong mga hangang-katha, komento, at palatandaan sa ganitong pamamaraan:
Sagisag-Panulat (Panlagda)
Para sa karagdagang impormasyon kung papaano makikita ang iyong sagisag-panulat, sumangguni sa Bakit nakikita ang aking panlagda sa panaklong sa tabi ng aking sagisag-panulat?
Paano ako magtatalaga ng default na sagisag-panulat?
Kapag gumawa ka ng account, ang iyong panlagda ang iyong magiging sagisag-panulat, ngunit maaari mong piliing gamitin ang kahit na anong sagisag-panulat mo bilang default. Maaari mo itong gawin kapag gumawa ka ng bagong sagisag-panulat (sumangguni sa Paano ako magdadagdag ng bagong sagisag-panulat? para sa karagdagang impormasyon) o sa anumang oras matapos kang gumawa ng mga sagisag-panulat.
Kung gumawa ka na ng sagisag-panulat na nais mong gamitin bilang default, mangyaring gawin ang sumusunod:
- Mag-log in at pumunta sa iyong dashboard sa pamamagitan ng pagpili ng saludong "Hi, (Mabuhay), [panglangda]!" at pagpili ng "My Dashboard" (Aking Dashboard) mula sa menu, o sa pagpili ng iyong larawang pang-profile.
- Piliin ang "Pseuds" (Sagisag-Panulat) mula sa menu na makikita sa gilid ng pahina, o sa taas ng mobile device. May makikita kang listahan matapos nito. Piliin ang "All Pseuds (#)" (Lahat ng mga Sagisag-Panulat) mula sa listahan. Ito ay nagpapakita ng listahan ng lahat ng mga sagisag-panulat na ginawa mo sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan).
- Piliin ang "Edit" (Baguhin) na button para sa sagisag-panulat na nais mong gamitin bilang default. Dadalhin ka nito sa parehong form na ginamit mo noong gumawa ka ng sagisag-panulat.
- Ang pangalawang opsyon sa form ay isang checkbox na "Make this name default" (Gawing default ang pangalang ito). I-tsek ito at piliin ang "Update" (Baguhin) sa ibaba ng pahina.
Ang lahat ng hangang-katha, komento, at palatandaan na nasa ilalim ng dating default na sagisag-panulat ay mananatili sa pangalan na iyon maliban kung manu-mano mong papalitan sa pamamagitan ng pagbago ng hangang-katha, pagbago ng komento, o pagbago ng palatandaan.
Paano ko pipiliin kung anong sagisag-panulat ang gagamitin sa pagpaskil?
Kailangan mong gumawa ng isa o mahigit pang sagisag-panulat bago ka makakapili kung aling sagisag-panulat ang gagamitin mo sa pagpaskil. Kung wala ka pang sagisag-panulat ngunit ninanais mong magpaskil gamit ang isa, sumangguni sa Paano ako magdadagdag ng bagong sagisag-panulat? bago ka magpatuloy. Kung ang gamit mo lang ay ang iyong panlagda, ang lahat ng hangang-katha mo may maipopost sa ilalim nito.
Kapag ikaw ay nagpaskil o nagbago ng hangang-katha, maaari mong piliin ang "Creator/Pseud(s)" (Manlilikha/Sagisag-Panulat) sa "Preface" (Paunang Salita) na bahagi ng Post or Edit Work (Magpaskil o Pamatnugutan ang Hangang-Katha) na pahina. Piliin ang sagisag-panulat na nais mong gamitin at magpaskil gaya ng nakasanayan. Maaari mo ring piliin ang maramihang sagisag-panulat bilang mga manlilikha ng hangang-katha sa pamamagitan ng pagpindot ng "Ctrl" o "control" na buton sa iyong keyboard habang pinipili ang mga sagisag-panulat. Kung nasa mobile, piliin ang menu sa tabi ng "Creator/Pseud(s)" na kahon upang pumili ng mahigit sa isang pseud. Para sa karagdagang impormasyon kung paano mag-post ng hangang-katha sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan), sumangguni sa FAQ ng Pagpaskil at Pamamatnugot at ang tsutoryal na Pagpapaskil ng Hangang-Katha sa AO3.
Paano ako pipili kung anong sagisag-panulat ang gagamitin upang mag-iwan ng komento o palatandaan sa isang hangang-katha?
Kapag nag-iwan ka ng komento o palatandaan sa isang hangang-katha, maaari mong piliin ang sagisag-panulat na gagamitin. Piliin ang menu na nagpapakita ng iyong default na sagisag-panulat, piliin ang ibang sagisag-panulat na nais mong gamitin, at matapos nito, magpaskil gaya ng dati. Hindi ka pwedeng gumawa ng palatandaan ng isang hangang-katha sa ilalim ng maramihang sagisag-panulat. Ngunit maaari mong baguhin ang komento o palatandaan upang palitan ang sagisag-panulat na ginamit para rito sa pamamagitan ng pagpili ng ibang sagisag-panulat mula sa listahan. Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa a href="faq/comments-and-kudos#editdelete">Maaari ko bang baguhin o burahin ang aking komento? o Paano magbago ng palatandaan? Para sa karagdagang impormasyon kung paano mag-iwan ng komento o gumawa ng palatandaan sa hangang-katha sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan), sumangguni saFAQ ng Komento at Pugay o FAQ ng Palatandaan.
'Di gaya ng komento at palatandaan, ang pugay ay laging nakapost gamit ang iyong panlagda, at hindi puwedeng iugnay sa isang sagisag-panulat. Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa Ano ang pugay?
Paano ako makakapagbago ng sagisag-panulat?
Kapag nagbago ng sagisag-panulat, may kakayahan kang palitan ng deskripsyon o larawan nito, at gawin itong default na sagisag-panulat. Upang magbago ng sagisag-panulat:
- Mag-log in at pumunta sa iyongdashboard sa pamamagitan ng pagpili ng "Hi, (Mabuhay), [panlagda]!" at pagpili ng "My Dashboard" (Aking Dashboard) mula sa menu, o sa pagpili ng iyong larawang pang-profile.
- Piliin ang "Pseuds" (Mga Sagisag-Panulat) sa menu na makikita sa gilid ng pahina, o sa taas ng mobile device. May makikita kang listahan at piliin ang "All Pseuds (#)" (Lahat ng mga Sagisag-Panulat) mula rito. May makikita kang listahan ng lahat ng mga sagisag-panulat na ginawa mo sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan).
- Piliin ang "Edit" (Baguhin) na button para sa sagisag-panulat na nais mong baguhin. Dadalhin ka sa parehong form na ginamit mo upang gumawa ng sagisag-panulat.
- Baguhin ang ninanais na baguhin, gaya ng pagpalit ng larawan ng sagisag-panulat. Ang opsyon sa form na ito ay pareho sa New Pseuds (Bagong Sagisag-Panulat) na pahina, kaya para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa Paano ako magdadagdag ng bagong sagisag-panulat? Tandaan na hindi mo maaaring palitan ang pangalan ng sagisag-panulat na pareho sa iyong panlagda.
- Kapag natapos magbago, piliin ang "Update" (Baguhin) sa ibaba ng pahina.
Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang na ito, maaari mong baguhin ang pangalan ng lahat ng mga sagisag-panulat mo maliban sa iyong panlagda. Para sa tulong kung paano gawin iyon, sumangguni sa Paano ko palitan ang aking panlagda? sa FAQ ng Account.
Tandaan na sa pagpalit ng sagisag-panulat magbabago ang lahat ng paggamit sa sagisag-panulat na iyon sa inilathalang hangang-katha komento, at palatandaan.
May taong pareho ang sagisag-panulat sa akin! Paano ito nangyari?
'Di katulad ng panlagda, ang mga sagisag-panulat ay hindi bukod-tangi. Sa halip, ang sagisag-panulat ay nagpapahintulot sa iyo na i-ugnay ang iyong pagkakakilanlan sa fandom sa iyong mga hangang-katha sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan), kahit na may ibang gumamit o gumagamit ng parehong pangalan. Para sa isang halimbawa kung papaano mo maaring gamitin ang sagisag-panulat, sumangguni sa Ano ang sagisag-panulat?
Para sa karagdagang impormasyon kung paano ipapakita ang iyong sagisag-panulat, sumangguni sa Bakit nakikita ko ang aking panlagda sa panaklong sa tabi ng aking sagisag-panulat?
Bakit nakikita ko ang aking panlagda sa panaklong sa tabi ng aking sagisag-panulat?
'Di gaya ng panlagda, ang mga sagisag-panulat ay hindi bukod-tangi. Para masigurong hindi mapagkamalan ang isang tagagamit sa iba na may parehong sagisag-panulat, ang mga panlagda ay ipapakita sa panaklong sa tabi ng sagisag-panulat.
Sa kaso ng inulilang hangang-katha, ang mga tagagamit ay maaaring piliing iwanang naka-ugnay ang kanilang sagisag-panulat sa hangang-katha o alisin ito. Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa Paano ko ulilain ang aking hangang-katha? sa FAQ ng Pag-Uulila.
Paano ko buburahin ang isang sagisag-panulat?
Para makapagbura ng sagisag-panulat:
- Mag-log in at pumunta sa iyong dashboard sa pamamagitan ng pagpili ng saludong "Hi, (Mabuhay), [panlagda]!" at pagpili ng "My Dashboard" (Aking Dashboard) mula sa menu, o pagpili ng iyong larawang pang-profile.
- Piliin ang "Pseuds" (Mga Sagisag-Panulat) mula sa menu sa tabi ng pahina, o sa taas ng mobile device. May makikita kang listahan. Piliin ang "All Pseuds (#)" (Lahat ng mga Sagisag-Panulat). Ipapakita nito ang lahat ng mga sagisag-panulat na ginawa mo sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan).
- Piliin ang "Delete" (Burahin) na button para sa sagisag-panulat na nais mong burahin.
- May pop-up na lalabas na magtatanong ng "Are you sure?" (Sigurado ka ba?) Piliin ang "OK" (Oo) para magpatuloy. Ang sagisag-panulat na ito may mabubura mula sa iyong account at sa AO3. Para sa karagdagang impormasyon kung anong mangyayari sa iyong mga hangang-katha, komento at palatandaan, sumangguni sa Anong mangyayari kung nagbura ako ng sagisag-panulat?
Kung ibig mong burahin ang iyong default na sagisag-panulat, kinakailangan mo munang pumili ng ibang sagisag-panulat bilang default. Pumunta sa Paano ako magtatakda ng default na sagisag-panulat? para sa tagubilin.
Hindi mo rin maaaring burahin ang sagisag-panulat na kapareho ng iyong panlagda, ngunit maaari mo itong palitan. Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa Paano ko papalitan ang aking panlagda? Kung ninanais mong burahin ang iyong account at di lamang ang sagisag-panulat, sumangguni sa Paano ko burahin ang aking account?
Anong mangyayari kung nagbura ako ng sagisag-panulat?
Kung nagbura ka ng sagisag-panulat, ang lahat ng hangang-katha at komento na nasa ilalim ng sagisag-panulat na iyon ay awtomatikong malilipat sa ilalim ng iyong default na sagisag-panulat. Maaari mo ring piliin na burahin ang kahit anong palatandaan na ginawa mo sa ilalim ng sagisag-panulat na binubura mo o ilipat ang mga ito sa iyong default na sagisag-panulat.
Kung ninanais mong burahin ang iyong default na sagisag-panulat, kinakailangan mong pumili muna ng ibang sagisag-panulat na siyang magiging default. Pumunta sa Paano ako magtatakda ng default na sagisag-panulat? para sa tagubilin.
Hindi mo pwedeng burahin ang sagisag-panulat na pareho sa iyong panlagda, ngunit maaari mo itong palitan. Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa Paano ko papalitan ang aking panlagda? Kung nais mong burahin ang iyong account at hindi lamang ang sagisag-panulat, sumangguni sa Paano ko buburahin ang aking account?
Ano ang paglalarawan ng sagisag-panulat?
Ang paglalarawan ng sagisag-panulat ay isang maikling deskripsyon ukol sa iyong sagisag-panulat. Halimbawa, ninanais mong ilista ang mga site o mga fandom kung saan mo ginamit ang sagisag-panulat na iyon. Ang paglalarawan na ito ay mahahanap ng sinumang gumagamit ng site sa pamamagitan ng People Search. Kung nais mong magbigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa iyo, maaari mo itong idagdag sa iyong profile (sumangguni sa FAQ ng Profile para sa karagdagang impormasyon). Maaari mong dagdagan o baguhin ang paglalarawan ng sagisag-panulat sa pamamagitan ng pagsunod sa tugubiling Paano ako magbago ng sagisag-panulat?
Maaari ba akong makagawa ng anonimong sagisag-panulat?
Sa kasalukuyan, hindi maaaring gawing anonimo ang mga sagisag-panulat. Para makatulong sa pagkakakilanlan ng magkakaparehong mga sagisag-panulat, ang Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan) ay nangangailangang iugnay ito sa isang panlagda. Ngunit may mga paraan kung papaano mo maipapaskil ang iyong hangang-katha nang hindi ito iniuugnay sa iyong AO3 account.
- Maaari mong ilagay ang iyong hangang-katha sa isang anonimong koleksyon katulad ng Fanfic Anonymous. Para malaman kung paano magdagdag ng hangang-katha sa isang koleksyon, sumangguni sa Paano ko idadagdag ang isang hangang-katha sa isang koleksyon? Tandaan na ang anonimong koleksyon ay hindi idinisenyo upang maging perpekto at magkaroon ng permanenteng anonimidad. Ang iyong panlagda o sagisag-panulat ay makikita pa rin ng mod, na kayang ibunyag ang iyong hangang-katha sa anumang panahon.
- Maaari kang gumawa ng pangalawang account sa AO3 gamit ang ibang email address (sumangguni sa Paano ako gagawa ng account? para sa karagdagang impormasyon). Magpaskil ng mga hangang-katha na nais mong ihiwalay sa iyong orihinal na account gamit ang pangalawang account na iyon. Ito ang pinakaligtas na opsyon.
Saan ako maaaring sumangguni kung sakaling hindi nasagot ang aking katanungan?
Sinasagot ang mga madalas na tinatanong ukol sa Archive of Our Own - AO3 (Ating Sariling Sisidlan) sa mas malawak na FAQ ng AO3, at makikita ang iba pang karaniwang terminolohiya sa Talahuluganan. Mahahanap sa FAQ ng Palatuntunan ng Aming Serbisyo ang mga katanungan at kasagutan tungkol sa aming mga Palatuntunan. Maaari mo ring basahin ang aming Mga Kilalang Isyu. Kung kailangan mo ng karagdagang tulong, mangyaring magsumite ng kahilingan ng tulong.