Archive FAQ > Di-opisyal na Mga Kagamitan ng Browser

Paano ko magagamit ang mga userscripts sa AO3?

Maaaring dagdagan at baguhin ng mga userscripts ang mga pahina ng web ng iyong browser, na siyang magpapahintulot sa iyo na gumawa ng mga kamangha-manghang bagay sa Archive of Our Own — AO3 (Ating Sariling Sisidlan) na karaniwang hindi posible. Mangyaring tandaan na hindi nito binabago ang AO3 mismo, kundi ang paraan ng pakikipag-interaksyon ng iyong browser dito. Liban sa Firefox, walang opsyon na gumamit ng userscript ang karamihan sa mga browser ng mga mobile device, kaya sa kasawiang-palad, magagamit lamang ang mga ito gamit ang desktop o laptop computers. Gayunman, maaaring gumamit ng mga bookmarklet sa karamihan ng mga browsers ng mga mobile device.

Kakailanganin mong gumamit ng browser extension para mapagana ang mga userscript. Maari kang gumamit ng kahit anong extension na iyong nais, gayunpaman heto ang listahan ng ilan sa mga pinakasikat na mga browser upang makapagsimula ka:

Para sa mas detalyadong paglalarawan ng
mga kagamitang nilista namin dito, maaari
kang sumangguni sa di-opisyal na tsutoryal ng tagagamit ng AO3 na si Arduinna.

Paano ko mapapalitan ang anyo ng AO3?

Para palitan ang anyo ng Archive of Our Own — AO3 (Ating Sariling Sisidlan), maari kang gumamit ng Pampahinang Anyo (para sa karagdagang impormasyon ukol sa mga anyo, mangyaring pumunta sa
FAQ ng mga Anyo at Interface ng Sisidlan).

Mayroon bang plugin para sa search engine ang AO3?

Gumawa ang tagagamit ng Archive of Our Own — AO3 (Ating Sariling Sisidlan) na si punk ng plugin ng search engine para sa AO3. Para ikabit ito, maaring piliin ang kawing ng "Archive of Our Own" at kumpirmahin na nais mong idagdag ito sa iyong mga search engine. Gumagana ang plugin na ito sa Firefox, Internet Explorer, at Chrome, at pahihintulutan kang hanapin ang AO3 direkta mula sa search box ng iyong browser.

Anong mga kagamitan ang magpapahintulot sa akin na uriin, salain, at baguhin ang mga resulta ng paghahanap?

  • Para uriin ang kahit anong listahan ng fandom, hal. all Movies (lahat ng mga pelikula), ng ayon sa bilang ng mga katha sa halip na ayon sa alpabeto, maari mong gamitin angBookmarklet para Salaing muli ang mga Fandoms ni carene waterman.
  • Para ibukod ang ilang mga keyword nang pasadya kapag ginagamit ang pang-sala ng mga tag, ikabit ang Nai-save na mga Salaan para sa AO3 na isang userscript ni tuff_ghost at ilagay ang mga hindi nais na termino at pangunahan ito ng simbolong minus. Maaari mo nang ipasok ang mga tag na ito sa "Saved Filters" (Nai-save na mga Salaan), na idadagdag sa itaas ng "Search Within Results" (Maghanap lamang sa mga resulta).
  • Kung nais mo ng opsyon na uriin ang mga katha hindi lamang sa dami ng mga pagtanaw o pagbigay-pugay, pati na rin ayon sa ratio ng pagbigay-pugay sa bawat pagtanaw, mayroong script para sa porsiyento ng pagbigay-pugay/pagtanaw si Min, isang boluntaryo ng OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha), para sa iyo!
  • Nagpapahintulot ang userscript ni Min na AO3: Kasaysayan ng mga nabigyang-pugay at pagtanaw na madali mong matukoy kung napuntahan mo na, nakapagbigay-pugay ka na, at/o nai-bookmark mo na ang isang katha sa kahit anong listahan ng mga katha. Nagbigay ng mga tagubilin si Min kung paano gamitin ang mga userscript na ito sa kanilang pahina sa greasyfork.
  • Isa pang kapaki-pakinabang na userscript ni Min ang href="https://greasyfork.org/en/scripts/8382-ao3-tracking">Pagsubaybay sa AO3, na nagpapahintulot na i-save mo ang kahit anong kombinasyon ng paghanap o pagsala at suriin ito para sa mga bagong tugma. Mangyaring suriin ang Paglalarawan sa may-katha sa pahina ngPagsubaybay sa AO3 para sa mga tagubilin.

Anong mga kagamitan ang maari kong gamitin para salain ang mga nakakapukaw, nakakasakit, o hindi kanais-nais na nilalaman?

  • Nagsaayos ang front end coder na si Sarken ng Pang-harang ng Lagom na isang userscript na nagpapahintulot para itago mo ang mga lagom ng katha mula sa mga listahan ng tag, mga resulta ng paghanap, atbp. kung naglalaman ito ng isa o higit pang mga terminolohiyang nakasaad sa script.
  • Gumawa din ang front end coder na si tuff_ghost ng kaparehas sa sikat na userscript na Tumblr Savior para magamit sa Archive of Our Own — AO3 (Ating Sariling Sisidlan): nagpapahintulot ang Tagapagligtas ng AO3 na magtakda ng mga tagalikha, mga tag, o buod ng mga keyword, para maitago ang lahat ng mga lagom ng katha na naglalaman ng isa o higit pa sa mga terminolohiyang ito.
  • Kung nais mong huwag makatanggap ng mga komentaryo o mga pagbigay-pugay mula sa ilang mga tagagamit o makakita ng mga komentaryong walang lagda sa iyong katha (o kahit saang bahagi ng AO3!), maaari mong gamitin angScript ng Pansariling Pagbabawal ni tuff_ghost para pahintulutan ang pagharang ng guest o pagsingit ng listahan ng mga tagagamit. Hindi nito tuluyang pipigilan ang mga komentaryo o pagbigay-pugay, ngunit maitatago nito ang lahat ng isasaad mo sa iyong browser.

Anong mga kagamitan ang makakatulong para makapagpaskil ako sa AO3?

Kung gumagamit ka ng Google Drive para gumawa ng mga hangang-katha na batay sa texto, maaring nakaranas ka ng mga isyu sa pag-format sa pagkopya mula Google Drive papunta sa Rich Text Editor. Lalo na, hindi nakokopya ng tama ang mga textong naka-italiko at naka-bold. Para bigyan ng solusyon ang problemang ito, gumawa si Min, isang boluntaryo ng Pagsasalin ng OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha), ng isang script para sa Google Drive na siyang magpapalit ng formatting ng isang kathang tapos na papunta sa HTML. Maaari mo itong makita sa halimbawang dokumentong ito kung paano magpaskil sa AO3.

Piliin ang opsyon na "Make a copy…" (Gumawa ng kopya) mula sa File (File) menu, na siyang maglalagay ng isang pribadong kopya ng dokumento sa sarili mong account sa Google Drive. Pagkatapos, burahin ang halimbawang teksto at gumamit ng blankong dokumento para sa iyong katha. Kapag tapos ka na, gamitin ang menu ng "Post to AO3" (Magpaskil sa AO3) para ihanda ang kabuuan ng dokumento para ilipat ito sa editor ng HTML. Kusang idadagdag ang mga tag ng HTML para sa iyo! Kadalasan, mas maaasahan itong gamitin kaysa sa Rich Text Editor. Kung nagpapaskil ka gamit ang mobile device, kakailanganin mong buksan ang Google Drive mula sa iyong browser at ilipat ito sa bersyong pang-desktop upang mapagana ang script.

Anong mga kagamitan ang makakatulong para i-access at i-download ang mga katha?

  • Minsan, mayroong maraming puting puwang sa pagitan ng mga talata ang isang katha, marahil dulot ng mga isyu sa aming Rich Text Editor kapag nagpapaskil gamit ang word processor. Maari mong gamitin ang Strip Empties bookmarklet ni carene waterman para pansamantalang tanggalin ang mga labis na blankong linya sa pagitan ng mga talata.
  • Tingnan din ang userscript ni adevyish na AO3 Lazier, na nagdadagdag ng buton na "latest chapter" (pinakahuling kabanata) sa tabi ng menu ng kabanata.
  • Ipinapakita ngeBook na Pantulong sa Pag-download ng AO3 ang mga kawing ng download para sa bawat katha sa isang pahina ng mga resulta ng paghanap, o kahit anong pahina na naglalaman ng listahan ng samu't-saring mga katha (tulad ng mga serye o mga koleksyon), para madali kang makapag-download ng maraming file!
  • Nagdaragdag angMga buton sa pag-Download ng AO3 ni tuff_ghost ng mga buton sa pag-download sa bawat lagom ng kahit anong katha.
  • Mayroong mga plugin ang libreng tagapangasiwa ng mga ebook na Calibre na tinawag na FanFicFare atEpubMerge, at kapag parehas itong nakakabit, nagpapahintulot ito na kusang makapag-download ng mga serye ng Archive of Our Own — AO3 (Ating Sariling Sisidlan) bilang isang ebook. (Maaari din nitong i-download ang lahat ng mga kawing ng katha sa isang partikular na pahina ng AO3, kaya maari kang maglagay ng kawing ng pahina ng mga katha ng isang maykatha ng isang partikular na fandom para makuha ang lahat ng kanilang mga katha sa iisang ebook). Babaguhin din nito ang mga ebook kapag may bagong kathang idinagdag sa serye. Mayroon ding gabay sa paggamit ng mga plugin na ito (na siyang isinulat noong FanFictionDownload ang tawag sa plugin) at FanFicFare Wiki.

Anong mga kagamitan ang nagpapahintulot na i-download ko ang mga estadistika at ibang pang impormasyon mula sa AO3?

  • Nagpapahintulot ang Bookmarklet na CSV para sa mga Estadistika ng AO3 ni Flamebyrd na i-download mo ang mga estadistika (bilang ng mga pagtanaw, mga pagbigay-pugay, mga bookmark, atbp) ng iyong katha sa Archive of Our Own — AO3 (Ating Sariling Sisidlan) bilang isang .csv file, na maaring maayos na ma-import sa isang spreadsheet para sa pansariling pagkakalot ng mga numero.
  • Kung mas nais mong magkaroon ng listahan ng lahat ng iyong mga katha, kasama na ang pamagat, mga tag, simpleng estadistika, at URL, subukan mo ang Bookmarklet na CSV para sa Listahan ng mga Katha sa AO3 ni Flamebyrd.

Anong mga kagamitan ang makakatulong sa akin sa pangangasiwa ng mga koleksyon at mga hamon?

Gumawa ang front end coder na si Sarken ng Userscript para Uriin ang Buod ng Pag-sali, na nagdadagdag ng mga opsyon sa pag-uri sa pahina ng Sign-up Summary (Buod ng Pag-sali) ng kahit na anong hamon. Nagpapahintulot ito na uriin mo ayon sa pangalan ng fandom, bilang ng mga alok, o bilang ng mga hiling ayon sa pataas o pababang pagkakasunod-sunod.

Anong mga kagamitan ang mabilis na nakakapagbahagi ng mga katha sa AO3 sa ibang mga sites?

Paano ako maaring magmungkahi ukol sa isang kagamitan na hindi pa nakalista dito?

Mangyaring makipag-ugnayan sa Tulong upang ipaalam sa amin ang mga kagamitan na dapat isama sa FAQ na ito. Para matulungan sila na i-angkop ang iyong katugunan, mangyaring banggitin ang FAQ na ito sa iyong mungkahi.

Saan ako maaaring sumangguni kung sakaling hindi nasagot ang aking katanungan?

Sinasagot ang mga suliraning kalimitang tinatanong ukol sa Archive of Our Own - AO3 (Ating Sariling Sisidlan) sa mas malawak na FAQ ng AO3 at makikita ang ibang karaniwang terminolohiya sa Talahuluganan. Mahahanap ang mga katanungan at kasagutan ukol sa aming mga Palatuntunan sa FAQ ng Palatuntunan ng Aming Serbisyo. Maaring naisin mo ring basahin ang aming Mga Kilalang Isyu. Kung kailangan mo ng karagdagang tulong, mangyaring magsumite lamang ng isang kahilingan ng pagsuporta.